" Good morning!!!" Masiglang bati ni Venus pagkapasok niya sa pinto kaya naman napatingin kaming lahat sa kaniya. Kasabay niya si Ace ,short for Augustus ,ang kaniyang nobyo.
Kasalukuyan nga pala kaming nandito sa classroom at kasama ko ang SC. Nakapabilog ang aming upuan kaya naman kami ang pinakamaingay na grupo. Dalawa na lang ang kulang, si Julia at siya. Sana pumasok siya ngayon dahil ibabalik ko pa ang panyo niya.
"Good morning Vice!!" Masiglang bati ng mga tao sa classroom nang dumating si Julia. Tipid na ngiti lamang ang kaniyang isinukli at irap naman para sa akin. Ano pa bang bago? Simula pa lang ay ayaw niya na sa akin.
"Guys! Andiyan na si Ma'am!" Sigaw ni Frill, ang announcer ng klase. Nagtataka nga ako kung bakit 'di na lang si Venus eh di hamak na mas malakas ang boses niya kesa kay Frill, by the way bakla siya.
Maya maya lang ay bukas ang pintuan at pumasok si Ma'am Domingo, ang educator namin sa drafting. Ayaw niyang tawaging teacher dahil sa bagong curriculum daw ay ang mga teacher ay facilitator na lang. Hindi katulad dati na turo lang nang turo. Yung tipong sila lang yung gumagalaw. Ngayon, estudyante na ang kadalasang gumagalaw.
"Good morning class!"
"Goodmorning Miss"
"Take your seats. Anyway, I have here your new classmate. But! He's not a transferee from other school. He's just from other section. We found out that his intellect is beyond his previous section and is qualified here in section A. Please enter Mr."
At iniluwa ng pinto ang isang alien. De joke! The door revealed the most despicable guy I've ever met. He stopped at the middle beside Miss Domingo.
"Good day! The name's Luke ND Corpuz, handsome, genius, charming and single" take note with killer smile pa 'yan kaya naman ang mga babae at bakla dito sa room ay halos maputol na ang ugat sa leeg kakatili.
"Luke! Pwede magtanong?" Nagtaas ng kamay si Sindy, isang babaeng nilublob sa espasol ang pagmumukha.
"For a pretty girl like you, it's okay."
"What's the meaning of ND?" Pacute niyang tanong.
"It's for me to know and for you to find out" sabay wink kaya naman si Sindy ay nagtitili kasama ang kaniyang alipores. Napairap na lang ako sa kawalan. Ano bang nakikita nila kay Luke? I mean, oo gwapo siya pero umaalingasaw naman ang masangsang niyang ugali. Mas gwapo pa nga si Kiro sa kaniya kahit cold pero mabait talaga yun di lang siya expressive.
Kaya mo nga siya nagustuhan eh.
Oo naman gus-- ano?! Hindi ko gusto si Kiro! Shut up!
"Find a comfortable seat Mr." Utos ni Miss Domingo kay Luke.
"Prince Luke dito ka na lang!"
"Alis nga diyan nerd! Dito sa tabi ko si Prince Luke!"
"I love you Prince! Dito ka na lang sa tabi ko!"
Inikot niya ang kaniyang paningin sa buong classroom hanggang sa tumigil ito sa akin.
"I'll seat beside Maria" nakangisi niyang sabi. Muntikan na akong mahulog sa aking upuan. Say what?!! Our classmates look at me throwing daggers towards me. Kung nakakamatay lang ang titig. Uh-oh
He sat beside me sa left side ko. Wala akong katabi sa right side. Kaya ang siste ay kaming dalawa lang dito sa likod.
"Let's start with our lesson today....blah blah " Ms. Domingo announced kaya naman nalipat ang masasamang tingin ng aking mga kaklase sa harap.
Hindi na ako nakinig dahil hindi ako mapakali sa aking upuan. Hello? Itabi ba naman sa'yo si Luke Corpuz!
Since wala namang nakaupo sa right side ay lilipat na lang ako. Akmang tatayo na ako nang hilahin ulit ako ni Luke paupo. Sinamaan ko siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Reprisal Of Mine
Teen Fiction"This is too much!!I can't take this anymore!!I'll leave you for now.But,I'll be back. I promise that.And when I'm back.... Be ready for the reprisal of mine." *** Life is a game. Pero, sino nga ba ang kalaro nila? Sino ang manlalaro at sino ang ni...