*RIIIIIIIIIINNNGGGG*
Yes! Uwian na! Haha. Weekends na bukas kaya naman pahinga muna. Nauna na ang SC sa SC room. Sabi ni Julia sumunod na lang daw ako. Kasama itong stacks ng folders. Ang bigat nga eh. Papel lang ba talaga ang laman nito?
"Kish! Favor naman oh. Pakisabihan naman sila na mauuna na ako." Sabi ni Andrea.
"Huh? Bakit naman?" Nakakapagtaka lang. Saka anong sasabihin kong rason diba?
"Just tell them na masama ang pakiramdam ko. Kay?" Bakas na ang iritasyon sa boses nito.
"Ah-ah okay. M-may ipapasabi ka pa ba?" Sana hindi siya magalit sa akin. Please. Ayokong may nagagalit sa akin eh.
She smiled. She smiled! Yes! Di siya galit!
"Wala na. Just do my favor and everything's gonna be okay. Ciao!" Then she walked away. Pero parang may mali? Parang hindi naman masama ang pakiramdam niya ah? I shrugged it off.
Pumunta na ako sa SC room. Sa 5th floor pa yung eh. Nadaanan ko ang room kung saan nakita ko si Luke dati kasama si Sandy. Remember?
"Hey! Umuwi na sila! Saan ka pa pupunta? -Lovely
"Huh? Sabi ni- ah nevermind. May ilalagay lang ako." Napatingin siya sa hawak ko.
"Ah. Okay. Bye!"
Dumiretso na ako sa Room.
"What are you doing here?"
"Ah Pres- Kiro. Ikaw pala. Ahm, pinapabigay lang ni Vice." Sinamaan niya ako ng tingin. Ayaw niya talagang tinatawag siya ng Pres. Nakasandal siya sa pinto ng kusina. Ito siguro yung sinasabi nilang HOT.
Landi mo Kish!
Tinignan niya saglit ang mga dala ko.
Pakibilisan. Ang bigat kaya.
"Just put it there." Tunuro niya ang table niya. Minsan di ko talaga maintindihan to si Kiro. Ang hirap i-spell! Minsan gentleman, minsan naman hindi.
Pagkalapag ko sa table niya, lalabas na sana ako nang tawagin niya ako.
"Hey!"
May pangalan po ako. Gusto ko sanang sabihin pero 'wag na lang.
"Bakit?"
"Ah. Can I- ah. Aish! Nevermind. You can go." Bipolar. Tsk. Tsk.
Naglalakad na ako pauwi nang maalala kong may project nga palang kailangang ipasa sa Monday. Kailangan ko pang bumilo ng mga materials.
Lumiko ako pakanan dahil dito ang daanan sa pinakamalapit na mall. Ang C-S Mall.
Napatigil ako sa aking nakita. Sa entrance ng hotel malapit lang sa mall. There I saw Andrea together with Ace's brother, Aldrian. Papasok sila ng hotel at parang linta kung makalingkis sa isa't isa.
Pinilig ko ang ulo ko. Namamalikmata lang ako. Tama. Sinulyapan ko ulit ang entrance ng hotel. Nandoon pa rin sila.Nagpatuloy na lang ako sa paglakad. Hindi naman pagsisinungaling ang pananahimik. Hangga't walang nagtatanong. Hindi yun pagsisinungaling. Tama. Yan ang navasa ko sa isang libro tungkol sa Values.
Pagkabili ko ng mga kailangan, umuwi agad ako.
"Manong, diyan na lang po." Tinuro ko ang bahay ko sa tricycle driver. "Ito po, bayad." Inabot ko na ang bayad ko.
A red ferrari was at the front of my house. Nang papalapit na sana ako para tanungin kung anong problema, humarurot na ito paalis.
Ano bang meron sa bahay ko at lagi na lang may nagmamanman dito?
***
Nang sumapit ang monday nagkakagulo sa room pagpasok ko. Kinalabit ko si Frill.
"Anong nangyayari? Bakit nasa labas kayong lahat?"
"Kagulat ka naman nerd!" Napangiwi ako sa tawag niya. Humawak pa siya sa dibdib niya.
"Hindi lahat, nasa loob ang SC. May jinojombag si Sarge!" Huh? Nakita niya siguro ang pagtataka sa mukha ko.
"Ay! Slow poke! What I'm trying to say is. Nahuli niya si Nicole na nag ILY kay fafa Bernard." Akala ko ba-.
"Ayyy! Si nerd hinila ni Pres!"
"Wtf?"
"Buti pa siya."
BINABASA MO ANG
Reprisal Of Mine
Ficção Adolescente"This is too much!!I can't take this anymore!!I'll leave you for now.But,I'll be back. I promise that.And when I'm back.... Be ready for the reprisal of mine." *** Life is a game. Pero, sino nga ba ang kalaro nila? Sino ang manlalaro at sino ang ni...