Chapter 9

6 2 0
                                    

Linggo ngayon at naisipan kong pumunta sa apartment nila Shania. Sinabi niya sa akin ang address nila through text.

"Para po!"

Bumaba na ako ng jeep at naglakad papuntang simbahan. Buti naman at maaga akong nagising. Pangalawang misa na ang susunod. Naupo ako sa may bandang likod. Puno na ang simbahan. Mag-uumpisa na kasi ang misa. Swerte ko nga at nakahanap pa ako ng mauupuan. Napansin kong may lola na nakatayo sa likod ng katabi ko kaya tumayo ako at sinabihang siya na lang ang maupo sa pwesto ko. Baka kasi mangalay siya sa kakatayo.

"Naku salamat hija at may kabataan pang katulad mo." Ngiti lang naman ang naisukli ko sa kaniya.

Nang matapos na ang misa ay lumabas na ako. Tatawid na sana ako para makasakay nang makita ko si lola- yung nasa simbahan kanina- sa may di kalayuan sa aking kinatatayuan at mukhang gustong tumawid pero sadyang matutulin ang mga sasakyang dumadaan. Lumapit ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa may left side niya. Nasa right side kasi ako. Sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ko ang grupo ng kabataan na hindi man lang siya pinansin at tinulungang makatawid. Napailing na lamang ako. Mga kabataan nga naman ngayon.

"Ahm Lola, tawid na po tayo?" Napalingon siya sa direksyon ko at saka ngumiti.

"Salamat hija." Hinawakan ko siya sa braso at saka inalalayang tumawid.

Nang makatawid na kami ay nagpasalamat ulit siya at sinabing huwag daw muna akong umalis. May kinuha sa bag niya. Isang... cellphone? Yung latest model ng cellphone ngayon! Mayaman ba si Lola? Tinignan ko ang kasuotan niya. Simple lang naman ito kaya hindi mo mahahalatang mayaman siya.

"Parating na daw ang sundo ko. Salamat talaga hija." Natauhan ako sa kaniyang sinabi.

"Ah walang anuman ho iyon."

"Ito nga pala ang calling card ko. Tawagan mo ako kung may kailangan ka. Para naman makabawi ako sayo kahit papano." Inabot niya sa akin ang kaniyang calling card kasabay noon ang paghinto ng isang magarang sasakyan sa tapat namin.

"Goodbye hija. Till next time.." at umalis na ang kaniyang sasakyan. Tinignan ko ang calling card na nakalahad sa aking kamay.

Letticia C. Sandoval

So Letticia pala ang pangalan ni Lola? Pumara ako ng tricycle papunta sa bahay nila Shania.

25-C

Kumatok ako sa pintuang may nakasulat na 25-C. It's a duplex apartment at nasa second floor ang unit ng mga kaibigan ko. Agad naman itong bumukas at iniluwa ang isang cute na bata. I think she's 2 years of age.

"Bathit powh?" Awww, ang cute naman ng batang to. Lumuhod ako para maging kaharap ko na siya.

"Hello baby. Ang cute mo naman." I pinched her cheeks lightly.

"Megan! Naku kang bata ka. Kaya ayokong-" Naputol ang boses na nanggagaling sa loob nang makita niya ako. Pati nga ako natigilan. The door revealed a girl perhaps 17 of age wearing a blue daster with a white towel hanged on her shoulder.

"K-kish." Tumayo ako at niyakap siya.

"Tin." Cristin Baselides, my dear bestfriend. She's one year ahead of me. Actually silang dalawa ni Shania.

"What happened to...you? Who's this sweet girl?" I asked her at kinarga si Megan. She rolled her eyes.

"I miss you too Kish." She said sarcastically. I chuckled. Still the Cristin Baselides I know.

"Upo ka muna." She lead the way to their living room. I looked around and I can say that this is a dandy apartment. It's more like home. She guided me to sit on a pink sofa. Simple lang ang bahay pero ang gaan ng ambience. Tama lang siya para sa mga apat na katao. Pink and white ang motif niya and I can say na kumpleto sila sa mga basic na gamit. Appliances, furniture, etc.

Reprisal Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon