Kasalukuyan akong naglalakad pauwi. Ang daming katanungang namumuo sa isip ko like sino ang mga magulang ko? Sino ang nagbibigay sa akin ng monthly allowance with groceries, bakit wala akong maalala noong 10 years old ako pababa? At bakit may creepy na kapitbahay ako? I mean, yung katabi ko kasing bahay sa left side ay walang tao kaya ang creepy pero ang bahay na 'yon ang pinakamagandang bahay sa aming lugar. 'Yung parang mansiyon sa medieval period, pero ang creepy. Teka! Bakit napunta don ang isip ko?
Speaking of creepy, bakit ang creepy na nitong road na lagi kong dinadaanan. Alam niyo 'yon? Have you ever experienced to be stuck in the middle of a road with no houses at the side but trees and at the corner, standing a light post that has a flickering light? Akin to a scene in horror movies in abandoned hospital?
Alam kong tama naman 'tong dinadaanan ko. For Cupid's sake! Sa loob ng limang taon ko ditong pagdaan, ngayon pa ba ako mawawala or magkakamali ng daan?
Ignoring my fears, I walked towards the light post chanting Kaya mo 'yan Kish. Bukas ayos na naman 'tong poste dito.
100 steps na lang kanto na. Go lang Kish! AJA! Fighting!
Natatawa na lang ako sa sarili kong kabaliwan. Maya-maya ay naramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Ramdam ko ang malamig na pawis na bumabaybay sa aking katawan at ang pawisan kong mga kamay. Nanginginig na rin ang aking mga labi at sigurado akong namumutla na ako ngayon. Palapit nang palapit ang mga yabag na aking naririnig. Handa na akong tumakbo nang biglang may humawak sa aking braso. Nanigas ang aking katawan.
"Neah"
Pagtawag ng pamilyar na pangalan ang aking narinig bago ako tuluyang lamunin ng dilim.
***
May batang babaeng umiiyak. Nakaupo siya sa isang swing. Sa aking palagay ay nasa isang parke siya.
May batang lalaki ang tumakbo papunta sa kinaroroonan ng batang babae at naglahad ng panyo sa harapan ng babae.
"Huh?" Napatunghay ang batang babae at nagtatakang tumingin sa batang lalaki.
"Tss. Just take this and wipe your face." Utas sa kaniya ng batang lalaki.
"T-thank you" kinuha niya ang panyong nakalahad sa kaniyang harapan at pinunasan ang kaniyang mukhang basang-basa ng luha. Siningahan niya ito at napangiwi naman ang batang lalaki.
"Salamat talaga. Sana magkita pa tayo sa susunod" masiglang sabi ng batang babae pagkatapos ay tumayo siya at niyakap ang batang lalaki na siyang ikinagulat ng huli.
"Malapit nang dumilim. Uuwi na ako sa amin. Akin muna itong panyo mo--" tinignan niya ang parte ng panyo kung saan may nakaburdang letra"D" masigla niyang banggit.
Wala nang nagawa ang batang lalaki kundi ang kumaway sa batang babaeng tumatakbo palayo. Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad nang tawagin siya ng batang babae
"D!!!"
Tinaas niya ang kaniyang kilay at sinabing bakit
"Sa susunod na magkita tayo saka ko na sasabihin ang pangalan ko!"
"Why not now?!" Sigaw niya pabalik
"Para may thrill!!" At tuluyan na itong tumakbo.
Napailing na lamang ang batang lalaki.
"My name is not D but if you're the one who's gonna call me that stupid initial, its fine with me" he mumbled under his breath. He walk away with a bright smile plastered on his face.
***
Nagising ako bigla dahil napanaginipan ko na naman ang eksenang iyon. Ngunit hindi ko naman makita ang mga mukha nila dahil malabo ito.
"You're awake" napalingon ako sa may pintuan ng aking kwarto. Oo! Nandito ako sa sarili kong kwarto kaya nakakapagtaka kung bakit siya andito. Nagtatakang tingin ang ipinukol ko sa kaniya.
"A-anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?" Nauutal kong sabi sabay tingin sa ilalim ng aking kumot upang i-check ang aking katawan.
"Tss. I found you unconciously lying there"
At dahil kinakalawang pa ang brain cells ko ay sinagot ko siya ng
"Where there?"
"On the middle of the street. Stupid" he said and irritation is visible in his voice.
Oo nga pala! Teka...
"Ikaw ba yung humawak sa braso ko bago ako mawalan ng malay?""No"
Tinitigan ko siya at kinilatis ang kaniyang gwapong mukha. Hindi ko malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo o ano. Ganito lang kasi ang mukha niya =___=
"Talaga?"
"Tss. It's up to you"
Half of me believes him but the other half don't want to.
"Okay. A-ahm thank you nga pala"
"There's your dinner down there. I'm going"
Bago pa ako makasagot ay nakalabas na siya sa pinto. Nung naramdaman kong okay na ako ay bumaba na ako.
Mayroon nga akong dinner. Napangiti ako sa ginawa niya. Halatang inorder lang ito sa isang mamahaling restaurant. Iiihhhh..kenekeleg eke. Keshe nemen. Harhar.
Pagkatapos kong kumain ay umakayat na ako sa kwarto. Naglinis muna ako ng aking katawan bago matulog. Napatigil ako sa pag-aayos ng kama nang mapansin ko ang isang panyo sa side table.
Y
Ang letrang nakaburda sa asul na kulay. Parang Harrington yung font niya. Sigurado akong sa kaniya ito dahil siya palang naman ang nakapasok dito sa bahay ko bukod sa akin. Bukas ko na lang ito ibabalik.
Sa kakaisip sa kaniya 'di ko namalayang nakatulog na pala ako nang may ngiting namumutawi sa aking labi.

BINABASA MO ANG
Reprisal Of Mine
Genç Kurgu"This is too much!!I can't take this anymore!!I'll leave you for now.But,I'll be back. I promise that.And when I'm back.... Be ready for the reprisal of mine." *** Life is a game. Pero, sino nga ba ang kalaro nila? Sino ang manlalaro at sino ang ni...