Chapter 31. Picking Up
Micah's POV
I just got here sa condo unit ni Prince sa Marco Polo and of all the days na wala siya, ngayon pa! Nakaka-stress! Ngayon darating ang mga assistant ni Monique Llhullier para ifinaliize na lahat ng sukat. And to think na pinapunta ko pa sila dito, para dito na lang gawin at wala rin naman pala siya!
"Wait lang! I'll call him." I told the two little pimp people na pinadala ni Monique. Pinaupo ko muna sila sa sala while I call my husband. Asan na naman kasi siya?!
"Madame, wag na po. Parating na po siya." my assistant informed me before I could make a call. Nakasenyas pa siya sa cellphone niya, na para bang sinabi niya sakin na tinawagan siya ng security sa baba.
Inirapan ko siya, "Boba ka talaga! Ba't di mo ginawa yan kanina pa?!" I said then walked out. At the same time kakapasok naman ni Prince sa condo niya, "Well, thank goodness at nandito ka na." I walked towards him and gave him a kiss, "Oh! Muchacha!" I called the pimps na magsusukat sa'min, "...bilis na! Ayusin na ang dapat ayusin!" Pft! nagsibilisan naman.
"What is this again Micah?" Prince asked me habang inaayos siya.
"It's for the wedding honey. Where have you been? Kanina pa kami dito. Ang aga mo pang umalis." I said. You know I could inform dad about living together bago pa man ang wedding, dun na rin naman papunta yun eh.
He didn't say anything and just walked away after siyang masukatan. Pinalabas ko muna silang lahat para masolo ko si Prince.
"When are you going to drop this act?" I asked. Ghad! It's been what? Years since pinaplano pa tong kasal na to! Ano ba ang problema niya?
He didn't answer me and instead poured rhum on a glass and started to drink, to think it's 9 in the morning!
He looked at me with that dead-stare-look na lagi niyang binibigay sa'kin, "You know this isn't an act Micah. Kung gusto mo akung pakasalan, masanay ka na."
I just laughed on what he said. Uulitin na naman ba namin tong pagtatalong ito? I sat beside him, resting my head on his shoulders, and everytime I do, he flinch. Na para bang nakakadiri akung tao.
"Are we going to talk about this again honey?" I sighed, "Wala na tayong magagawa, this had been planned for a long time ago." I informed him again. Paulit-ulit na lang. Nakaka-irita na.
Hindi naman siya kumibo at patuloy ang pag inum niya ng alak. Oh I know where this is going, hihinto na naman kami sa usapang hindi niya gustong ipagpatuloy. Hanggang ngayon umaasa pa rin siya na at the end of this story, sila pa rin ng babaeng iyon.
Nag-hintay ako.
Oo, matagal.
Ayokong umabot muli sa punto na kamuntikan na siyang mawala sa'kin dahil lang sa kagagahan ni Kristina.
Hindi.
Hindi na mauulit yun.
Andito na ako.
"Hanggang kelan ba ako makikipag-kompetensiya sa kaniya Prince?" I asked him. Not sure if I really want to know the answer.
He suddenly stood up, naalis ko naman ang ulo ko sa balikat niya.
Napangisi siya at tumingin sa'kin, "Matagal na nating alam na kahit kelan hindi ka isang ka kompetensiya."

YOU ARE READING
BOOK 2: Never Forget
Roman pour Adolescents[BOOK 2 of For The Love of a Gangster] A love full of lies. A heart that fights to survive. A bitter comeback of the bitter bitch. A relationship that faces reality.