Chapter 14. The Truth
Nagising na lang akung katabi si Dave sa kama.
Tama. Dito kasi ako natulog sa condo nya,pero sa pagkaka-alam ko,dun ako sa sofa nakatulog. Baka nilipat nya lang ako.
Buti naman nagising na sya kanina, ibig sabihin mayamaya magigising na naman to.
Tinitigan kong mabuti ang mukha nya. Ang bait nya tignan habang naka-pikit.
Pero...
Ano ba tong tumutulo galing sa mata nya?
Bumangon ako at nilapitang mabuti ang mukha nya.
Dugo?
Tumutulo ang dugo galing sa mata nya!
Dave!
Dave!
Gusto kung isigaw ang pangalan nya pero walang lumalabas sa sobrang kaba.
Dave!
Sabay yugyog ko sa katawan nya,pero hindi sya gumagalaw.
Dave!
Inalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan nya,
may saksak!
Duguan ang katawan nya.
Dave!
"Tulong!" naisigaw ko nga.
Parang dumilim na ang paligid,hindi ko na kaya.
"Alex!" may sumigaw. Ayan na ba ang tulong?
"Alex!" sa sigaw na yun bigla akung naalimpungatan.
Panaginip.
Panaginip lang ang lahat.
"Okay ka lang girl?" sa kaunting shade ng lamp,nakikita ko ang nag-aalalang mukha ni Kathy.
Tumingin ako sa digital clock sa tabi ng kama.
4:39 a.m
Napabangon agad ako,kinuha ko ang jacket at dumiretso sa baba.
"Friend san ka pupunta?" narinig kung tanung ni Kathy habang palabas na ako ng pinto ng bahay.
Hindi ko na sinabi kung saan,basta gusto ko lang makasigurado.
Ang sama ng panaginip ko.
Ayoko ng maulit yun,kahit panaginip o hindi.
Hindi makayanan ng utak ko.
Pumara ako ng taxi.
Pag may minamahal ka,maiintindihan mo ako,pinapaikot ko na ang mundo ko kay Dave.
Tama man o mali bahala na.
"Sa Recto po." sabi ko sa mamang driver.
Naka-pantulog pa ako,ni hindi pa nga ako nagsuklay o toothbrush man lang.
Basta. Ang gusto ko ngayon ay assurance.
Mayamaya pa,nakatayo na ako sa harap ng bahay ni Dr. Margaret Lutero Ph.D, ang doctor ni Dave.
Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob ko ng pumunta dito kanina,tapos ngayon parang nahihiya na ako.
"Alex?"
Napatingin ako sa taas,nandun sa veranda ng bahay si Dr. Margaret.
"Ah..eh... good morning po." Napangiti na lang ako sa sobrang kahihiyan. Ang dilim pa pero napunta na ako sa harap ng bahay niya. Paano ko nalaman ang address niya? Simple lang, nung nandun ako sa condo ni Dave at hawak ko pa yung cellphone niya, nakita ko sa contact address ni Dr. Margaret ang address ng bahay niya. Kaya andito ako.

YOU ARE READING
BOOK 2: Never Forget
Teen Fiction[BOOK 2 of For The Love of a Gangster] A love full of lies. A heart that fights to survive. A bitter comeback of the bitter bitch. A relationship that faces reality.