Chapter 9. Envelop
Pumasok kami sa loob ng bahay, hindi kami nag uusap simula nung umalis si Lance. Malakas pa rin ang ulan, hindi ko alam kung sa lamig lang ba o talagang kinakabahan ako.
Hindi ko naman talaga kasalanan eh.
"Oi ang mga lovebirds! Welcome back bakla!" bigla na lang sumulpot si Kathy. Kaya parang mas lalong naging awkward.
-____-
"Ai LQ ata" bulong pa niya sabay alis.
"Dave..." tawag ko sa kaniya na paakyat na ata sa kwarto ko para ilapag yung mga bag ko.
Sinundan ko na lang siya, hindi naman ako pinapansin.
Pag pasok ko sa loob ng kwarto nakita ko siyang nilapag ang mga bags ko, pero hindi niya pa rin ako nilingon.
"Dave?" tawag ko ulit. Parang feeling ko, ngayong moment na to pwede na akung mahimatay at matapos na ang lahat ( _ _")
"Dave naman kausapin mo naman akooooo...." (//_\\)
Hindi niya pa rin ako kinakausap, tinitingnan niya lang ang view sa veranda.
"Galit ka ba sa'kin?" nilapitan ko siya tapos niyakap patalikod, "...Pokemon ko galit ka ba? Sorry na, hindi ko naman talaga alam na---"
"Don't explain. It's all right." Matipid niyang sagot. Kahit na sabihin niya pang okay lang parang nagi-guilty pa rin ako.
Kainis naman!
"Yung cellphone mo kasi, nagkapalit daw kayo tapos tinitext kita tapo-"
Bigla na lang siyang humarap, kamuntikan na akung tumilapon buti na lang nahawakan niya ako -_-
"My phone is here." Tapos pinakita niya sakin yung phone niya, yun nga. Yun nga yung cellphone niyang dinikitan ko pa ng sticker ni Hello Kitty.
"P-pero...Sabi ni Lance -"
"I told you, masama siyang tao Alex." Napayuko na lang ako. Eto na naman. Nagpapakabobo na naman ako. Hindi kasi ako nakikinig eh. Ang tigas kasi ng ulo ko.
"Sorry" mahina kung sabi.
"Stop saying sorry." Niyakap niya ako, nawala agad yung lamig ng paligid. Alam mo yung feeling na parang bata ka, yung parang feeling mo protected ka talaga. Eto yun eh, "... sige na, mag bihis ka na."
Bumitaw na agad kami sa isa't-isa na parang wag muna... para talaga akung bata :|
Tiningnan ko lang siya, akala ko lalabas na, pero umupo lang sa kama ko.
"Teka, Pokemon lumabas ka muna. Magbibihis ako diba?" sabi ko.
"Oo nga, so bihis na. I'll stay." Sabay kindat niya pa.
"P-pero...hindi pwede" anung stay? Maghuhubad ako! Tapos stay?!
"Bakit?" humiga pa siya sa kama tapos nilagay ang kamay sa ulo na parang wala lang.
"Anung bakit? Magbibihis ako, lumabas ka." hinili ko pa ang paa niya, napabangon siya agad. Hehehe. Natatakot atang bumagsak sa kama.
"Kiss muna." sabay strike ng infamous smirk niya. Alam ko, alam ko talagang namumula na naman ako.
"Heh! Labas na Dave!" papaluin ko na sana tapos bigla na lang akung hinila kaya napabagsak kaming dalawa sa kama. Nasa taas niya ako.
"Dave!" hindi ako makabangon kasi hinahawakan niya ang magkabila kung kamay.
"Kiss ko nga, ang damot." kumunot agad ang noo.
"Hindi pwede. Ikaw napaka-spoiled brat mo, nagiging isip bata ka na naman." pagkasabi ko nun, bigla na lang tumayo, kaya nahulog ako sa kama.
YOU ARE READING
BOOK 2: Never Forget
Ficção Adolescente[BOOK 2 of For The Love of a Gangster] A love full of lies. A heart that fights to survive. A bitter comeback of the bitter bitch. A relationship that faces reality.
