Chapter 32. Brothers
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Duke kay Dave na nasa likod ko lang.
Si Elle at Ash naman tinititigan ako, para bang nagtatanong kung bakit siya nandito, eh ni ako nga hindi ko alam.
"Visiting the sick," masayang sagot ni Dave. Nakakagulat.
Hindi na umimik si Duke at pumasok na lang ng diretso samantalagang si Elle at Ash binati si Dave.
"Akala ko kung saan ka naman papunta kanina pag alis mo sa bar eh." sabi ni Ash sa kaniya.
Naupo lang ako sa sofa, tumabi naman si Elle sa'kin, kunwari nanonood pero alam kong atat na atat na siyang tanungin ako, parang babae.
"Babe!" tawag ni Duke mula sa kusina.
Alam kong ako yun, sino pa ba ang ibang babae dito? At yun talaga ang tawag ni Duke sa'kin.
Sabay pa kaming pumunta ni Dave sa kusina, iniwan niya si Ash na inaagaw ang remote kay Elle. Hindi ko na pinansin, baka pinagtitripan lang ako nito.
"Oh bakit?" maangas niya na tanong kay Duke.
Tiningnan ko lang siya. Diba ako yung tinawag? 'Dave' ba yung sinabi? Eh Prince naman yung tawag nila sa kaniya. Pinapa--
"Hindi ikaw ang tinawag ko." naiiritang sabi ni Duke sa kaniya.
Oh sabi na! Ako yun eh.
"Alam ko."
Ugh! Tumahimik ka na Dave!
Buti naman hindi na siya pinansin ni Duke.
Lumapit ako sa kaniya, hindi ko na lang rin pinansin si Dave na tumitingin-tingin. Hindi pa ba siya uuwi? Hindi man lang ba siya hinahanap ni Micah?
"Did you take your medicine?" tanong ni Duke sakin habang paupo ako sa stool.
Tumango lang ako tapos ngumiti sa kaniya. Tinitingnan ko kasi yung mga dinala niya, ang daming food. Punong-puno ang ref ko nito TT___TT para naman akung nagka-cancer niyan.
"Liar. Here, take this." biglang lumapit sa'kin si Dave, sabay hablot ng kamay ko. Nilagay niya sa kamay ko ang isang tablet ng...biogesic? Orange eh.
Teka...Paano niya nalaman na hindi pa ako umiinum ng gamot?
Tiningnan ko lang siya, nginitian niya lang ako tapos sumisenyas na inumin ko na daw nga. Sinilip ko si Duke sa likod na nakatingin sa kaniya.
Ano ba naman to. Ang awkward.
Ininum ko na lang yung gamot na binigay niya, ayun, umalis naman sa gilid ko tapos umupo dun sa isang upuan malapit sa dining table. Parang guard dog.
Si Duke inaayos pa rin yung mga dala niya.
"Teka, Duke tulungan na kita." sabi ko tapos umalis na ako sa pagkaka-upo.
Andami naman kasi.
"Really? Ikaw talaga..." sabay kurot niya pa sa pisngi ko, arraaayyy... "...ang cute cute mo."
"Arrraayy..." tinatanggal ko yung kamay niya. Ansakit lang ha.
"Ahem!Ahem!"
Napalayo ako kay Duke ng bigla na lang umubo ng pagkalakas si Dave. May ubo ba to? Parang over naman ata.
"Oh bakit may cake?" tanong ko kay Duke ng may nakita ako sa mesa.
YOU ARE READING
BOOK 2: Never Forget
Ficção Adolescente[BOOK 2 of For The Love of a Gangster] A love full of lies. A heart that fights to survive. A bitter comeback of the bitter bitch. A relationship that faces reality.
