Chapter 35. Late

15.7K 294 45
  • Dedicated to My Future Boyfriend
                                    

Chapter 35. Late

Kanina pa ako nagising at nakatingin sa empty room. Kanina pa ako nagsisisigaw pero walang nakakarinig. 

Natatakot ako.

Hindi ko alam ang mangyayari sa'kin.

Umupo na naman ako sa kama na. Ang kwartong ito ay naka-ayos na parang isang kwarto ng babae talaga, punong-puno ng pink.

Ilang oras na akong gising, hindi ko alam kung anong oras na, pero alam kung may isang araw na ako dito. Feeling ko 6:30 ng umaga.

Wala akong alam sa nangyayari.

Ano bang gagawin nila sa'kin?

*click*

Bumukas ang pinto.

"Hello. Good morning!" bati sa'kin ng isang lalaki. Isang lalaking hindi ko man lang inasahan na makikita pa.

"Ian," I acknowledged him

"Buti naman naalala mo pa ako." he said smiling tapos sinira na agad ang pinto sa likod niya.

Lumapit sa sa'kin. Nakakatakot ang aura niya. Hindi ko gusto.

"An-ano bang kailangan mo?" I felt nervous, shocked...scared.

He shrugged, "Wala. I just want to see you." he said tapos naglakad-lakad sa kwarto.

"Ano ba to? Kidnapping?" tanong ko. Wala naman akung pera. Anong ibibigay ko?

"Whatever you label it." 

Parang wala lang siyang paki-alam sa nangyayari, "Sino ka ba talaga?!" I shouted.

Huminto siya at napatingin sa'kin, "My name is Ian Santiago, don't you remember?" he smirked.

"Akala ko kaibigan ka ni Duke." I whispered. Naaalala ko siya. Sa Jollibee nun ang huli naming pagkikita, yung nakita ko si Margaret. 

Sabi ni Duke nagkakilala daw sila sa kulungan sa Taiwan. Sino ba talaga siya?

"Kaibigan nga ako ni Duke. Sumasakit na ba ang ulo mo sa kakaisip?" lumapit siya at umupo sa kabilang side ng kama, "I'm their friend dahil nagtatrabaho ako sa lolo nila. The day you saw Margaret sa Jollibee at nagkataong nandun din ako ay dahil pinapabantayan siya sa'kin ni Don Miguel. Alam ni Duke kaya dinala ka niya sa Jollibee. Sinisira niya ang plano. Wala naman akung magawa ng makita mo si Margaret, alangan namang bulagin kita. So after that, I have to lay low not until now."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. 

"Nasaan na ba ang lolo nila? Kailangan ko siyang maka-usap!" I yelled.

Bigla siyang tumawa, "Ongas ka ba? Syempre ako ang ipadadala. Isang mafia boss ang lolo nila, sa tingin mo haharap talaga yun sa'yo? Sino ka? Si Obama?"

Tumawa na naman siya.

Nagkaroon na ng sagot ang lahat.

Isang malaking puzzle lang ito.

Paano ako naging ganito katanga?

"Now dear, nandito ka because you've been very bad." he snickered tapos tumayo na naman.

Very bad? Anung ginawa ko? 

"D-dahil to kay Dave. Nandito ako dahil kay Dave." I whispered. 

BOOK 2: Never ForgetWhere stories live. Discover now