Chapter 16. Paranoid

16.9K 277 14
                                        

Chapter 16. Paranoid


"Sa tingin mo ba makakaya mo princess?" tumango lang ako at ngumiti sa tanung ni Tita Viel.

Andito ako sa bahay nila Dave, kausap ko si Tita Viel. Si Dave naman naglalaro ng video games. Hindi ko pa nga nakita si Dave na naglaro ng video games, ever. Ngayon lang.

Sabi kasi ni Tita Viel, ganiyan daw talaga, minsan, babalik sa pagkabata.

Pinag-uusapan namin ni Tita Viel ang tungkol sa'min ni Dave. Nag-aalala lang siya para sa'kin, baka hindi ko daw makaya ang mga susunod na mangyayari. Handa naman ako eh.

Mas nagulat pa nga ako sa reaksyon ko. Ewan nga kung normal ba to, sinusulit ko na lang lahat. Tama nga si Dave, mas okay yung sulitin na lang kesa sa mag-alala.

"Okay naman po ako eh, wag po kayong mag-alala." sabi ko kay Tita Viel, Oh diba, ang bait ko.

"I know princess." ngumit siya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam, pero feeling ko mas nasasaktan sila kesa sakin. 

Hindi na rin mag-aaral si Dave ngayong sem kasi baka mahirapan lang siya, naiintindihan ko naman yun. At napagusapan na rin namin ni Dave yun, sabi niya mas okay yun para sa kaniya kaya pumayag na rin ako.

Si Ash at Elle na lang daw ang bahala sakin sa school, at sabi niya nga wag na rin akung mag-alala dahil siya naman daw ang magsusundo sakin.

Kitams.

"Pikaccchhuuu!!!" narinig naming tinatawag ako ni Dave.

Tumayo ako. Tumango naman si Tita Viel para ipaalam na puntahan ko na si Dave.

"Oh bakit?" tanung ko sa kaniya.

Natawa pa ako ng makita ko siyang nakatihaya sa sofa at kagat-kagat ang wire ng controller. Sira talaga.

"Baby my head hurts."

Nilapitan ko agad siya.

"Eh paano hindi sasakita ang ulo mo? Nakabaliktad ka diyan..." tumabi ako sa kaniya tapos umayos naman siya sa pagkakaupo.

Naka-cross ang paa niya tapos sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Kukuha ba ako ng gamot? San ba ang masakit?" hinahawakan ko yung ulo niya. Hindi ko pa rin matago ang pag-alala kahit na sabihin ko pang dapat iniiwasan ko na dahil mas lalo rin siyang mag-aalala.

Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa kaliwang dibdib niya, "Dito...dito ang masakit." 

Kahit anung pigil ko, hindi pa rin maiwasan na tumulo ang luha ko. Naiintindihan ko naman siya.

"Wag ka na kasi masyadong mag-alala." bulong ko sa kaniya habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Mahal na mahal kita Alex, kahit anung mangyari satin. Mamahalin kita." 

Hinawakan ko lang ang pisngi niya habang nakasandal pa rin siya sakin. Ayokong tumingin siya sakin. Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang kasi baka kung ano pang isipin niya.

"Ako rin, mahal na mahal. Sobra, kaya hayaan mo na lang ako, kasi kaya ko pa naman." kakayanin ko pa naman.

"Paano pag nakalimutan kita?" tanung niya. oo nga, paano pag nakalimutan niya na ako? 

Hmm.

Nung una ko pa lang nalaman na may alzeimer's si Dave, alam ko namang darating sa punto na baka hindi niya na ako maalala, baka may magbago rin sa kaniya, pero handa naman ako eh.

BOOK 2: Never ForgetWhere stories live. Discover now