Epilogue
Hi! Ako nga pala si Alex Cassandra Montero, 23 years old at nakatira sa Australia, isa akong paralegal dito. Naaalala mo pa ba ako?
2 years ago ng mapadpad ako dito. Nagulat na lang ako nung isang araw na nasa harap ng pinto ko si Kathy, ang munti kong kaibigan.
Niyaya niya akong mag-abroad para mag-aral at maging scholar ng papa niya.
Naalala ko pa nga yung araw na halos mamugto na ang mata ni Tita Beth bago ako umalis. Pero walang katumbas ang lungkot niya sa naramdaman ko ng lumipad man lang ang eroplano na hindi ko man lang nakita ang anino ng mga taong pinapahalagahan ko...at ang taong mahal ko.
Ilang taon na ang makalipas ng huli niyang sinabi sa'kin na maghintay at ganun pa rin ang ginagawa ko. Sabi niya nga trust diba? Ayaw na ayaw niyang matigas ang ulo ko, dapat magtiwala lang ako.
Maraming nagkaka-gusto sa'kin ditong kano, sabi nga ni Kathy move on. Natatawa lang ako sa harap niya, pero hindi niya alam na halos abo na ang munting puso ko sa tuwing maaalala ko ang dakilang pangako niya. Hahanapin niya ako, pero ba't ang tagal?
Sinubukan ko siyang tawagan, sinubukan kong hanapin kahit man lang si Ash o si Elle pero wala. Talaga ngang ang paghihintay na lang ang kaya kong gawin.Napapagod ba ako? Hindi. Kasi pag mahal mo, handa kang gawin ang lahat.
"Prince come here!" nabalik ako sa realidad ng mapansin kong nakalayo na si Prince sa akin. Ang aso kong golden retriever.
Bumalik naman agad siya, "Good boy!" ang kulit na aso, parang si Dave lang pag walang sapi.
Nasa backyard kami ng bahay ni Kathy dito sa Australia, ang yaman nila no?
"Bakla! Pwede bang mahiram yung jacket mo?" bumungad naman si Kathy na kagagaling lang sa kusina.
Umiling ako, "Yung black ba? Nawawala yun eh." sabi ko sa kaniya.
"Ha? Diba nawala rin yung t-shirt mo? Ang burara mo talaga Alex!" pinagalitan na naman ako ni Madam. Sorry na, di pa ako nakakapaglinis ng kwarto.
"Baka nasa ilalim ng kama lang yun." excuse ko.
"Oo na. I'll get going, see you at dinner 'kay?"
Hindi na ako sumagot ng marinig kong nagsara na ang front door.
Kami naman ang naiwan ni Prince dito. Hayun, naglalaro nung bola, binigay ni Amy, yung kapitbahay namin.
Ang lungkot mag-isa, sana nandito ka Pokemon ko, namimiss na kita. Hinawakan ko ang pendant ng kwintas na binigay niya sa'kin. Nagising na lang ako 2 years ago na nakasabit ito sa leeg ko, hindi na ako nagtanong kung sino ang naglagay, hindi na rin ako nagtanong kung kanino galing...kasi alam ko.
Pokemon ko, hanapin mo ako ha. Hinihintay pa rin kita.
Lumapit sa'kin si Prince na para bang nag-papaamo, parang si Dave nga talaga siya minsan eh.
"Hintay lang ng konti pa, makikilala mo rin siya." bulong ko sa kaniya.
Hapon na ng pumasok kami ni Prince sa loob. Gabi na nung natapos akong magluto at dumating si Kathy. Mag-uumaga na ng matapos ako sa kakapanood ng romantic movie ni Angel Locsin, yung may linyang pag lumingon ka, akin ka, sabi ni Tita Beth panoorin ko daw eh.
Kulang na lang batukan ako ng Sandman para matulog.
Ganiyan ako sa loob ng dalawang taon.
***
YOU ARE READING
BOOK 2: Never Forget
Teen Fiction[BOOK 2 of For The Love of a Gangster] A love full of lies. A heart that fights to survive. A bitter comeback of the bitter bitch. A relationship that faces reality.