Chapter 34. Darkness
"Ibaba mo na ako Dave."
I broke the silence. Hindi na makaya ng konsensya ko ang pinag-gagagawa ko sa buhay ko.
Hindi dapat ako nandito sa loob ng ktse kasama siya, ang bobo ko talaga.
"Why?" he said seriously. Hindi ko siya magawang tignan.
"Ibaba mo na ako." yun lang ang nasabi ko.
"Ayoko."
Hanggang ngayon ang tigas pa rin ng ulo niya.
Hindi ko alam kung bakit gusto niya pa akong makita. Pagkatapos ng lahat?
So let's just stop this.
His own words ringing in my head.
Siya na mismo ang may sabi, dapat nga ako na ang magalit. Hindi basta-basta ang emosyon na naibigay ko para sa kaniya, sa tuwing nakikita ko siya hindi ko na alam kung totoo ba to o isang kasinungalingan niya...pero aaminin ko, siya ang naging pinaka-magandang kasinungalingan na nangyari sa buhay ko.
Hanggang ngayon nagda-drive pa rin siya, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Alam niyo namang hindi ko ugali ang magtanong. Pero isa lang ang sigurado, hindi niya ako ihahatid pauwi.
Just for this night, please run away with me.
Ang lakas ng pintig ng puso ko, kahit kailan ang puso ko talaga ang nasusunod. Nahihiya ako kay Duke, ang laki ng sakripisyo niya sa relasyong pinasok ko sa kapatid niya.
Hindi ko naman sinasadya.
Hindi, ang tanga ko! Alam ko naman. Kahit noon pa, babae ako at alam kong kahit paano espesyal ako sa kaniya. Pero hindi ito ang gusto kong mangyari. Sana maintindihan niya.
Hindi ang panibagong relasyon ang solusyon para mawala ang sakit.
Kasi alam ko namang hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal na yun.
"Anong iniisip mo?"
Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung seryosong tanong ba yan o ano.
"Uuwi na ako Dave." I whispered.
Sa tuwing sinasabi ko ang pangalan niya, hindi pa rin maalis yung parang kirot-feeling.
Dati akala ko drama lang to sa mga relasyon ng OA na babae at lalaki, pero...pag naranasan mo na, tatahimik ka na lang sa sobrang sakit na.
Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya, may dugo pa sa labi niya, pati ang kamay niya namumula, may mga marka pa ng sapatos ang damit niya.
"Please stay."
Nararamdaman ko ang bawat sakit sa sinasabi niya.
Hindi ako nagpakita sa kaniya ng isang taon, hindi dahil sa hindi ko na siya mahal o dahil nakapag-move on na ako...hindi yun. Meron lang talagang bagay na pinag-iisipan, meron lang talagang panahon na gusto mong mapag-isa, sa sobrang sama ng loob.
Pero tama siya, iniwan ko siya eh. Nag desisyon ako para sa sarili ko, hindi para sa'min.
Partners kami, sinayang ko lang yun. Hindi ko siya pinagkatiwalaan.
How many times do I have to tell you that I love you, why can't you just trust my word?
He once told me.
Oo nga naman Alex? Why can't you trust his words?
Hindi ko alam.
Nabalik na lang ako sa reality ng huminto ang sasakyan.
YOU ARE READING
BOOK 2: Never Forget
Teen Fiction[BOOK 2 of For The Love of a Gangster] A love full of lies. A heart that fights to survive. A bitter comeback of the bitter bitch. A relationship that faces reality.
