Hi guys maraming maraming salamat sa pagsubaybay sa love story ni Arnold Saavedra and Jake Angelo, abangan naman ang love story ni Larry Samonte and Julian Lardizabal...
Kinda sleepy while writing the first chapter hehe
Let's start the story nung iniiwasan nung napapalapit na si Arnold kay Jake.
Picture of Larry Samonte on the right========>>>>>
Song is Alone by Celine Dion
===================================================================================
CHAPTER ONE
Larry's POV
Tahimik kong pinagmamasdan si Mommy na para bang wala lang dito ang nangyari, na para bang hindi ito nasasaktan, pero mas kilala ko siya kumpara sa iba.
Pero alam ko at nararamdaman ko na nasasaktan ito dahil sa ginawang panloloko ni Daddy. Muli ay nanariwa sa akin ang galit na nararamdaman ko sa sarili kong ama.
Buong akala ko ay meron akong perpektong pamilya. Isang maalalahaning ama at isang mapagmahal na ina, isang perpektong pamilya para sa kanilang anak, but I guess I was wrong. I was very wrong.
Walang forever sa pag-ibig, ang happily ever after ay sa mga fairty tale lang. Dadating at dadating din ang panahon na mawawala din ang pag-ibig sa dalawang tao, na dadating ang panahon na kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't-isa ay may isang susuko at sasaktan ang taong pinag-alayan niya ng kanyang pagmamahal.
Napailing na lang ako habang nakatingin dito, sa totoo lang ay ayoko na munang isipin ang bagay na iyon, hindi ko lang talaga maiwasan sa tuwing nakikita ko si Mommy.
"Mom! Papasok na po ako sa school." ang sinabi ko dito, ngunit hindi ako sigurado kung narinig ba niya ako dahil nanatili itong nakatingin sa malayo.
Napahinga na lang ako ng malalim ng makasakay na ako sa kotse, ayoko sanang iwanan ito sa ganoong kundisyon, pero alam ko na kapag nanatili pa ako sa bahay ay mababaliw ako sa labis na kalungkutan.
Sa bilis ng pagpapatakbo ko ay inabot lang ng kulang kulang thirty minutes nang makarating ako sa school. Agad akong dumiretso sa tambayan naming magkakabarkada at doon ko na naabutan sila Ken at Louie na nagkukuwentuhan, hindi ko naman nakita si Arnold doon.
"Wala pa si Arnold?" tanong ko sa kanila.
"Wala pa, hindi ko pa nakikita mula kanina." sagot naman ni Louie, habang si Ken ay nagkibit balikat na lamang.
Ilang minuto lang ang lumipas nang sa wakas ay dumating na din si Arnold sakay ng red Ducati bike nito, si Arnold ang tinuturing kong best friend sa tropa at alam kong ganoon din ito dahil simula high school ay magkasama na kami.
Sa wakas ay nakumpleto na din kaming apat, kapag kasama ko sila ay nagiging masaya ako, na para bang nakakalimutan ko ang problema sa bahay. Kuntento na akong nakatambay kami sa ilalim ng punong mangga na ito na malapit lang sa parking lot. Walang kasi na sino ang nagtangkang manggulo sa isa sa amin, dahil alam nila na kapag ginalaw mo ang isa ay makakalaban mo kaming apat.
Habang papalapit si Arnold ay hindi naman nakaligtas ang kakaibang saya nito, napansin ko ito nang makilala nito ang freshman na si Jake Angelo, unang beses ko pa lang nakita ang taong iyon ay naramdaman ko na may hindi magandang mangyayari kapag patuloy na nakipaglapit si Arnold dito.
'Guys una na muna ako sa inyo." paalam nito kahit na nga ba kakalapit lang nito sa amin, nang sundan ko kung saan ito nakatingin ay agad nagdilim ang paningin ko, hindi ko gusto ang naiisip ko ng mga oras na iyon lalo na nang nilapitan nito si Jake, kung hindi ko kilala si Arnold since high school ay iisipin kong......
BINABASA MO ANG
I Love You Goodbye (BoyxBoy)
Teen FictionLarry Samonte a bitter man and a lost soul, eversince his dad left them for a guy ay sinumpa na niya ang lahat ng gay sa mundo, until he met Julian Lardizabal an open gay na bukal ang paghanga sa kanya, he promised himself na paglalaruan niya at sas...