New Kid In Campus

10K 196 8
                                    

Hot night guys! Grabe ang init ang sarap tuloy magswimming hehehe, nga pala sa nakaraang chapter ay nakita natin ang POV ni Julian at ngayon naman ay tignan natin kung paano ihahandle ni Julian ang pagiging bagong estudyante.

Picture of Julian Lardizabal on the right=======>>>>

Song is Summer Girs by LFO

===============================================================================

CHAPTER FIVE

Julian's POV

Bahagya akong naalimpungatan nang marinig ko ang pagtunog ng alarm clock ko at nang tignan ko ang oras saka ko lang nalaman na five thirty na pala ng umaga, medyo inaantok pa ako dahil hindi din naman ako agad dinalaw ng antok kagabi dahil na din sa nararamdaman kong excitement.

Alam ko naman na masyado pang maaga para pumasok ako sa school, ang unang klase ko ay mamaya pang seven, ang dahilan kung bakit ako maagang gumising ay para paghandaan ang muli naming pagkikita ni Larry, I need to look good kapag nangyari iyon.

Pinilit kong tanggalin ang antok na nararamdaman ko at matapos noon ay agad na din akong bumangon, tinawag ko na din ang kasambahay namin para pakiusapan ito na plantsahin ng maayos ang uniform ko, sinigurado ko din na makintab ang gagamitin kong sapatos. Pinalinis ko na din ang gagamitin kong kotse sa pagpasok. I want to make an impression once I arrive at school later.

Nagpaturo na din ako kay Yaya na magluto para sa ibibigay kong lunchbox kay Larry, sabi nga nila the way into a man's heart is through his stomach.

Sinigurado kong binuhos ko ang lahat ng atensyon ko sa paghahanda ng pagkain ni Larry at sinigurado ko din na punong-puno iyon ng pagmamahal habang hinahanda ko iyon, siyempre kailangan iyon dahil ginagawa ko ito para sa taong mahal ko.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako marunong magluto at ito ang unang beses kong subukan iyon, pero nang matapos akong magluto ay kahit paano ay natuwa naman ako sa kinalabasan ng mga hinanda ko.

Matapos sa pagluluto ay agad akong naghanda papasok ng school, nakailang balik pa nga ako sa harap ng salamat para lang masiguradong maayos na ang itsura ko, hanggang sa nasatisfied na ako at doon lang ako lumabas ng kuwarto.

"Dad papasok na po ako sa school!" pasigaw kong sinabi kay Daddy habang pasakay na ako ng kotse, ihahatid ako ng driver namin dahil hindi pa ako puwedeng magdrive mag-isa dahil sa menor de edad pa ako.

"Ok na ba ang lahat? Wala ka bang nakakalimutan?" pahabol na tanong ni Daddy hanggang sa maalala ko ang hinanda kong lunchbox para kay Larry, dali dali akong bumaba at dumiretso sa kusina kung saan ko iniwan iyon, napangiti naman ako habang naiimagine ang magiging reaksyon ni Larry, hiling ko lang ay sana magustuhan niya ang luto ko.

"Excited na talaga akong makita ang mukha ni Larry kapag natikman na niya ang luto ko." nakangiti kong bulong sa sarili, napansin ko pa ang tila nagtatakang itsura ni Mang Nestor sa pagbulong kong iyon, mukha kasing naweweirduhan ito sa mga kinikilos ko.

Inabot din kami ng dalawang oras dahil may kalayuan din ang bahay namin sa school na papasukan ko.

Nang makarating sa school ay dali dali akong lumabas ng kotse habang ginagala ang mga mata ko sa kabuuan ng campus, umaasa kasi ako na baka makita ko si Larry, pero sa kasamaang palad ay hindi ko ito nakita. Hindi naman ako pinanghinaan ng loob dahil nga sa maaga pa naman, madami pa akong oras at pagkakataon na makita ko ito.

Sinimulan kong hanapin ang Management building at sa paglalakad kong iyon ay agad kong napansin ang panaka nakang pagtitig sa akin ng mga tao sa paligid ko, siguro dahil nga sa bagong salta lang ako kaya nacucurious sila sa akin.

I Love You Goodbye (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon