How To Tell My Mom

7.5K 156 4
                                    

 Waaa after nito last 8 episodes na lang ang bilis talaga ng panahon hehehe, we see how Larry finally admitted to himself that he really fallen to Julian Lardizabal but the one major dilemna that he is facing is telling his relationship with a guy and on top of that the fact that Julian is the son of the man the broke their family.

Picture of Anette Samonte, Larry's Mom on the right========>>>>>>

Song is How Can I Tell Her by Lobo

===============================================================================

CHAPTER TWENTY TWO

Larry's POV

Maaga akong nagising kinabukasan, nababothered pa din ako na alam ni Samantha ang tungkol sa sikreto ko at ayokong isipin kung paano gagamitin nang dalaga ang nalalaman nito tungkol sa akin.

Ang pag-aalalang nararamdaman ko ay agad nawala nang makita ko ang text message sa akin ni Julian.

"Good morning my sunshine, the air that I breathe, the love of my life, just woke up at ikaw agad ang unang pumasok sa isip ko, I love you." text ni Julian which put a smile on my face, he never failed to make me feel so important kahit na nga ba hindi ako deserving sa pagmamahal nito.

"Magandang umaga din mahal ko, I can't wait to see you at school, and already missing you." reply ko naman dito at matapos non ay agad akong nag ayos papasok nang school, actually wala na naman talagang pasok kailangan lang namin pumunta nang school dahil ngayon ang kuhanan nang classcard for this sem.

Agad kong nakita si Louie at Ken na naglalakad na magkasama, already have their classcards on their hand at nang makita ako nang mga ito ay dali dali itong lumapit sa akin.

"Hi guys!" masayang bati ko kasabay nang high five.

"Hi Larry mah man, look at my classcard, I passed!" masayang masaya ito habang pinapakita ang mga classcards nito.

I looked at his classcard and saw to my surprised na halos puro dos ang mga nakuha nito, truth be told I'm impressed, considering na hindi mag aral ang kaibigan kong ito.

"You should thank Ken for helping you with your studies dahil kung hindi dahil sa kanya malamang sa malamang puro cinco ang nakuha mo." natatawang biro ko dito, pero actually totoo naman ang sinabi ko dahil kay Ken kaya nakakapasa si Louie, si Ken kasi ang isa sa mga pinakamatalinong estudyante sa school kaya nga scholar eh.

"Naku hindi na kailangan sabihin kay Ken ang bagay na iyan, alam na naman ni Ken kung gaano ako kathankful sa tulong niya at sa pagturing sa akin na bestfriend, right Bestfriend." saad nito, sabay akbay sa binata at sobrang pilyo talaga itong si Louie dahil hinablot ba naman ang classcard ni Ken sa kamay nito.

"Tignan mo naman ang classcard niya, I mean wow." manghang mangha si Louie habang tinitignan ang classcard nang kaibigan at nang ipinakita nito sa akin ang grades ni Ken ay ako din ay naimpress dahil ang pinakamababang nakuha nito ay 1.25.

"Congrats to you guys, and I think it's my time to know how badly I did this sem." natatawang biro ko sa mga ito at matapos nga noon ay agad akong nagpaalam sa kanila para hanapin ang mga prof namin at hindi ako makapaniwala nang makita ko ang grades ko sa lahat nang subject dahil lahat nang classes ko ay pasado ako kahit na nga ba pasang awa lang iyon, a passed is passed.

I finally saw Arnold and Jake na mukhang nakuha na din ang mga classcards at nagpapalitan nang mga classcards nang isa't isa.

Maglalunch na nang sa wakas nakumpleto na din naman ang mga classcards namin at dahil lunch break na din ay nagdecide kaming kumain sa Max's Restaurant na nasa SM North Edsa.

I Love You Goodbye (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon