Can't Believe He's Gone

7.1K 162 7
                                    

Hi guys kain po tayong leche flan yum yum and since rest day gumagawa ako ng madaming chapters gang kaya ko....

We actually saw the first kiss of Louie and Ken and what happen after that we don't know, now let's relieve the tragedy that happens to Arnold and how will Larry reacts to it and how will it affect his relationship wth Julian.

Last Seven Chapters Sob sob :'( 

Picture of Arnold Saavedra on the right==========>>>>>>

Song is Kanlungan by Noel Cabangon

===============================================================================

CHAPTER TWENTY THREE

Larry's POV

After spending four days in Batangas we're finally back in Quezon City, sobrang naenjoy ko ang naging lakad nang barkada pero mas matindi ang pananabik kong makita si Julian, ngunit kung mamalasin ka naman ay kinailangan pa nitong mag stay sa Cebu nang ilan pang araw para sa business nila doon.

"Thanks sa ride Larry." ang sinabi ni Arnold matapos ko silang maihatid sa kuwartong tinutuluyan nang dalawa.

"Wala iyon sige una na ako." sagot ko naman dito at matapos noon ay nagdrive na ako palayo sa lugar nang dalawa, sa apat na araw na magkasama kami ay kitang kita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa, nakikita ko ang kakaibang ngiti sa mukha ni Arnold kapag napapatingin kay Jake, and somehow nagbibigay iyon sa akin nang pag-asa na magiging maayos din ang ang relasyon namin ni Julian.

Maingat kong pinarada ang dala kong kotse sa parking lot nang bahay namin at matapos non ay agad akong pumasok sa loob.

"Nasaan si Mommy?' tanong ko sa sumalubong sa akin na kasambahay na kumuha nang dala-dala kong bag.

"Umalis po si Maam kuya, pupunta daw po siya sa opisina." sagot nito at matapos nitong kuhanin ang dalahin ko ay agad na itong bumalik sa ginagawa nito.

Nagkibit balikat na lang ako at agad dumiretso sa kuwarto ko, minabuti ko na munang umidlip dahil maliban sa maaga pa naman ay masyado akong napagod sa biyahe, at kailangan kong paghandaan ang paghaharap namin ng Mommy ko, nagdecide na kasi akong ipagtapat dito ang relasyon namin ni Julian.

Piling ko sandali pa lang akong nakatulog kaya naman laking gulat ko nang makita kong alas ocho na pala ngunit ang mas kinagulat ko ay maliwanag pa sa labas saka ko lang narealize na kinabukasan na pala ako nagising.

Agad akong bumaba para hanapin ang Mom ko ngunit nalaman ko na maaga pala itong umalis para pumasok sa opisina, maliban sa pagiging mabuting ina ay inako na din nito ang pagpapatakbo nang negosyo namin na nasa Quezon din, ang business namin ay ang pagbebenta nang mga mamahaling kotse.

"Shit!" naasar ako sa sarili ko dahil hindi ko na naman nasabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Julian, ngunit wala na naman akong magagawa kung hindi maghintay nang panibagong pagkakataon.

Bumalik na lang ako sa kuwarto at nang tignan ko ang cellphone ko na nasa kama ay nakita ko ang text message mula kay Julian telling me that he misses me at dahil sobrang miss ko na siya ay minabuti kong tawagan siya para man lang marinig ko ang boses nito.

"Hi." nakangiti kong bungad nang sagutin nito ang tawag ko, sobra kong namiss ang boses nito dahil anim na araw din hindi ko nadinig ang boses nito.

"Hi yourself." sagot naman nito and I can tell from the excitement in his voice na miss na din ako nang binata, hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin.

"Miss na miss na kita, kelan ka ba uuwi?" tanong ko dito.

"Soon." sagot naman nito at narinig ko sa background na mukhang tinatawag na ito.

I Love You Goodbye (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon