The Painting On The Wall

7.7K 180 4
                                    

Hi guys isang chapter na lang pagkatapos nito kakalungkot tapos na din ang story nito but hope nagustuhan niyo ang love story nina Larry Samonte at ni Julian Lardizabal

Picture of Julian Lardizabal on the right==========>>>>>>>

Song is Masterpiece by Atlantic Starr

===============================================================================

CHAPTER TWENTY NINE

Julian's POV

Nagising ako sa tunog nang cellphone ko na nasa bedside table, bigla naman akong napaungol nang makita kong alas kuwatro pa lang nang umaga, hindi ko na chineck kung sino ang tumatawag at agad ko iyong sinagot, at halos mabingi ako nang biglang tumili ang nasa kabilang linya at hindi ko na kailangan itanong kung sino iyon dahil alam kong ang bestfriend ko na si Amy na nasa Pilipinas galing ang tiling iyon.

"Julian! Guess what?" sinabi nito matapos ang ilang minutong tili nito, as if naman pag hindi ako nagtanong ay magpapapigil ito.

"Amy Regla alam mo bang alas kuwatro palang nang madaling araw dito?" naiiling kong tanong dito.

"I don't care, and how many times did I tell you not to call me by me full name geez." naiimagine ko pa na umiikot ang mata nito habang sinasabi ang bagay na iyon.

"Ok fine, what happened?" I said na pilit nilalabanan ang paghikab dahil talagang antok na antok pa ako kaya naman sinandal ko na lang ang ulo ko sa headrest nang kama ko.

"John proposed at magpapakasal na kami after two weeks!' excited na excited na sinabi nito at matapos non ay tumili na naman nang sobrang lakas na kinailangan ko pang ilayo ang phone ko sa tenga ko para hindi mabingi.

"Wow uhmmmm congrats I'm so happy for you pero bakit naman ang bilis, don't tell me buntis ka na?" tanong ko dito na may kahalong suspetsa kasi naman ang bilis after two weeks magpapakasal na sila.

"Uy hindi no! Wag ka ngang judgmental alam mo naman na conservative ako, alam mo naman na matagal na kami at sobrang tagal ko nang hinintay ang proposal niya, tingin mo papatagalin ko pa." paliwanag nito na, kinangiti ko kasi naman alam ko naman iyon pero ang sarap lang kasi niyang itease.

"Well I am so happy for you Amy, you deserve to be happy dahil mabuti kang tao." sincere ako nang sinabi iyon dahil hindi ako nito iniwan sa mga panahon na down na down ako.

"Thank you and I want you to come to my wedding please..... really please." she said trying to sound cute na hindi bagay dito.

Bigla naman akong natahimik sa hiling nito dahil hindi ko sigurado kung handa na ba akong bumalik sa Pilipinas kung saan ko naranasan masaktan.

"Para sayo pupunta ako." ang sagot ko dito matapos ang ilang minutong papanahimik, sa totoo lang ayoko na sanang bumalik sa Pilipinas dahil nga sa nangyari pero dahil malaki ang pasasalamat ko sa dalaga ay gagawin ko ang bagay na ayaw ko sanang gawin.

Isang malakas na tili na naman ang narinig ko mula dito na tinawanan ko na lang dahil natutuwa ako knowing na mahalaga talaga ako dito kahit man lang dito ay naramdaman ko ang importansya.

She gave me all the instruction for her upcoming wedding at nagpadala na din ito nang invitation na sinend nito via email at matapos kong mabuksan ang email nito ay nagpaalam na din ako.

"By the way dumaan na naman dito si Larry tinatanong kung nasaan ka, at sa tingin ko naman...." sinabi nito bago ko pa maend ang tawag nito na agad ko naman pinutol.

"Please stop Amy, alam mo naman na ayoko namang makarinig nang kahit na ano patungkol sa kanya, sundini mo na lang ang request ko sa iyo na itago ang lahat nang impormasyon na alam mo tungkol sa akin." pakiusap ko dito at narinig ko pa ang paghinga nito nang malalim.

I Love You Goodbye (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon