Hi guys yahoo rest day ko one day nga lang and happy fiesta sa lahat.......
Julian will notice something different kay Larry....
Picture of Larry Samonte on the right========>>>>>>
Song is Hey Daydreamer by Someday Dream
===============================================================================
CHAPTER TEN
Julian's POV
"Dahan dahan lang po." paalala ko sa Dad ko habang inaalalayan ko ang Daddy ko sa pagbaba sa kotse, after kaming magstay nang tatlong araw sa ospital ay sa wakas ay nakakuha na kami ng go signal sa doctor nito na puwede na naming ilabas ang daddy ko.
"I'm fine Julian, pumasok ka na sa school mo ang Tito Lucas mo na ang bahala sa akin." habang nakahawak sa kamay ni Tito Lucas.
I can see how much they love each other with the way they looked at each other, there is so much love sa mga pagtitinginan nila sa isa't sat, and somehone kahit paano it made me realized na tama ang pagpayag ko sa relasyon nila kahit na nga ba may dalawang taong nasakta dahil sa pag-iibigan nila.
"Huwag kang mag-alala Julian ako na ang bahala sa Daddy mo and besides you've been absent for three days already and you can't afford to be absent anymore." Tito Lucas said smiling at me,
Hindi na din ako nakipagtalo sa mga ito dahil sinigurado na din naman ng doctor na magiging maayos na ang dad ko, kaya naman dali dali akong naligo at nagsuot ng uniform ko at matapos ang labing limang minuto ay nakasakay na ako sa kotse patungo sa school.
Dalawang subjects na ang namissed ko nang umagang iyon at naipaliwanag naman ni Amy sa mga prof namin ang dahilan ng pagkakaabsent ko kaya naman hindi na nila ako inusisa, since naintindihan nila ang sitwasyon ko.
Agad akong sinalubong ni Amy nang makita nitong pababa akong kotse nang makarating kami sa school.
"Kamusta na ang daddy mo?" nag-aalalang tanong nito at ramdam ko ang genuine concern sa boses nito na sobrang naappreciate ko.
"Ok na naman si Dad, kailangan lang niyang magpahinga pa." sagot ko dito nang makaupo na kami sa puwesto namin sa classroom habang hinihintay na dumating prof namin.
"Hay! Mabuti naman at walang masamang nangyari sa Daddy mo." she said and then para itong nabigla na parang may bigla itong naalala.
"By the way, guess who kung sino ang naghanap sayo sa nakalipas na tatlong araw na absent ka?" sinabi nito at may pamysterious effect pa ito habang nakatingin sa akin.
"Sino iyong mga prof natin? Akala ko ba naipaliwanag mo na sa kanila ang nangyari." I said na sinagot lang nito nang makabuluhang ngiti.
"Well yeah hinahanap ka nga ng mga professor natin pero meron pang isa." she said hindi man lang mapalis palis ang ngiti sa mga labi nito.
"Hmmm let me guess si Larry Samonte ba?" ang natatawa kong biro dito dahil alam ko namang malabong mangyaring hanapin ako ng binata.
"Yes siya nga! Paano mong nalaman na siya ang naghahanap sayo?" maang na tanong nito na labis ko naman kinagulat.
"Weh? Huwag mo nga akong lokohin Amy Regla, alam mo naman na malabong mangyari iyon." I said, hindi talaga ako naniniwala sa sinabi nito.
"Sa ayaw at sa gusto mo which I believe is gusto mo naman talaga, hinanap ka talaga sa kin ni Larry, tatlong beses na actually during lunch ka niya hinanap at puwede ba huwag na huwag mo akong matawag sa complete name ko, it's embarassing!" naiinis nitong sinabi sa akin, medyo ilang na ilang kasi ito sa last name niya which is Regla kaya naman pinangako ni Amy na magpapakasal siya sa lalaking ang last name ay either Zobel de Ayala or Lopez.
BINABASA MO ANG
I Love You Goodbye (BoyxBoy)
Ficção AdolescenteLarry Samonte a bitter man and a lost soul, eversince his dad left them for a guy ay sinumpa na niya ang lahat ng gay sa mundo, until he met Julian Lardizabal an open gay na bukal ang paghanga sa kanya, he promised himself na paglalaruan niya at sas...