Hi guys watching PBA and kakalungkot lamang Alaska go ginebra!!!
Last Two Chapters excited and sad at the same time :-)
Picture of Larry Samonte on the right=========>>>>>>
Song is Thinking of You by Katy Perry
===============================================================================
CHAPTER TWENTY EIGHT
Larry's POV
Who would have thought na dalawang taon na din pala ang nakalipas simula nang umalis ng Pilipinas si Julian at kahit ganoon ay hindi pa din nababawasan ang pag-ibig ko para sa kanya.
Madami na din ang nangyari sa loob nang nakalipas na dalawang taon, ang magulang ko ay hindi na nagkabalikan at nagdecie na lang maging mabuting magkaibigan, ang Mom ko ay nakikipagdate na din sa college dean namin na matagal na din niyang kaibigan.
I decided na magshift sa fine arts tutal doon naman talaga ang hilig ko at kahit paano ay nakakatulong iyon para kahit paano ay maibsan ang nararamdaman kong pangungulila kay Julian.
Madalas ko pa din nakakasama sila Louie at Ken na napapansin kong may kakaiba sa paraan nang pagtitinginan nila, at sa totoo lang ay may nahahalata ako sa dalawa at umaasa akong maging iba ang itatakto nang story nila sa nangyari sa love story namin ni Arnold na hindi naging happy ending kasama ang mga taong mahal nila.
May ilang beses na nagkikita kami ni Jake sa campus ngunit wala ni isa sa amin ang nag-initiate na kausapin ang isa't isa.
Alam kong dapat akong mag-apologize sa binata sa ginawa kong paninisi dito sa pagkawala ni Arnold kahit na nga ba alam ko kung gaano ako kaunfair for blaming him sa isang bagay na hindi nito ginusto at labis nitong dinadamdam.
"Tara gimik naman tayo, ang tagal na nating hindi nakakagala sa dami nang school works." Louie said while pouting like a little kid na nagpangiti naman sa akin.
"Sorry guys,, hindi ako puwede ngayon sinabi kasi ni Daddy at Mommy na umuwi ako nang maaga dahil may importante silang sasabihin sa akin." at matapos nga noon ay agad din akong nagpaalam sa mga ito para dumiretsong umuwi sa bahay.
"BOO! Kelan ka pa naging KJ Larry?" pahabol na sigaw sa akin ni Louie na kinailing ko na lang nang makalayo na ako sa dalawa.
"Later!" sigaw sagot ko naman dito at agad sumakay sa bago kong porche na regalo sa akin ng daddy ko sa birthday ko.
Now I know kung anong ibig sabihin ni Arnold na hindi ito nagsisisi na iniwan nito ang karangyaan na nakasanayan nito dahil ngayon I will trade all the riches in the world makasama ko lang uli si Julian.
Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung anong sorpresa ang naghihintay sa akin sa bahay, medyo mabagal lang ang pagpapatakbo ko dahil ayoko naman na maaksidente.
Inabot lang siguro ako nang mahigit thirty minutes bago ako makarating sa bahay namin sa Quezon City at pagkapasok na pagkapasok ay agad kong nakita ang mga magulang ko na nakaupo sa sofa sa sala with a mysterious smile on their faces.
"What's up guys?" tanong ko sa kanila acting excited kahit na nga ba ayokong ayoko nang kahit na anong surprise.
"Well your mom and I think na masyado nang puno ang bahay nang mga paintings mo kaya naman nagdecide kaming kumuha nang place para sa una mong exhibit!" excited nitong sinabi na nagpamaang sa akin.
"Heck no!" todo tanggi ko na nagpawala sa ngiti sa mga mukha nila, marahil hindi nila inaasahan ang negative reaction ko thinking na maeexcite ako sa ginawa nila.
BINABASA MO ANG
I Love You Goodbye (BoyxBoy)
Fiksi RemajaLarry Samonte a bitter man and a lost soul, eversince his dad left them for a guy ay sinumpa na niya ang lahat ng gay sa mundo, until he met Julian Lardizabal an open gay na bukal ang paghanga sa kanya, he promised himself na paglalaruan niya at sas...