Deception

7.8K 182 5
                                    

Hi antok na ko but decided to continue habang gumagana pa isip ko hahaha

Busog ako sa pizza and need to start ng mag diet lapit na vompany swimming hehehe

Picture of Larry Samonte on the right===========>>>>>

Song is Lovefool by The Cardigans

===============================================================================

CHAPTER ELEVEN

Larry's POV

Iniwan ko na sila nang matapos kong kainin ang lunch ko, kitang kita ko ang saya sa mukha ni Julian habang kasabay ako nitong kumain ng lunch, nagdecide na kasi akong mauna na sa kanila.

"Sige guys una na ako sa inyo." nakangiti kong sinabi sa mga ito ngunit pagkatalikod ko ay agad nawala ang ngiti sa mga labi at napalitan ito nang pagtiim ng mukha ko.

Tatlong araw ko din kasing hinanap si Julian para masimulan ko na ang planong sinabi sa akin ni Samantha upang masakitan ko ang binata bilang paghihiganti ko na din sa Daddy nito na naging sanhi ng pagkakasira ng pamilya namin.

Sa totoo lang noong una ay talagang tutol ako sa planong ito ngunit nang malaman ko na si Julian pala ang anak ng taong nagdulot nang pighati sa pamilya ko ay agad nagbago ang isip ko at mas naging determinado akong saktan ang binata sa kasalanan ng ama nito.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng cafeteria ay agad kong nakita si Samantha na mukhang kanina pa ako hinihintay and I can see a wicked smile on her face when she saw me coming out.

"Good job Larry, I can see here the wide smile from that gay's face." she said laughing so hard already looking triumphant.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad naramdaman ko na lang ang braso nito na nakapulupot sa braso ko.

"I'm not sure kung bakit ganoon na lang ang galit mo sa taong iyon, pero pinapangako ko sayo Larry, tutulungan kita para masira natin ang baklang iyon." she said at bigla akong nangilabot sa sinabi nito na inignore ko na lang.

We decided na dumiretso na sa susunod naming klase, lumipas ang mga oras na hindi ko man lang napapansin, nang uwian ay inaya ako ng mga kaibigan kong pumunta kela Louie na tinanghigan ko dahil may mahalaga akong dapat gawin ng araw n iyon.

Naghintay ako sa parking lot ng school hanggang makita ko si Julian at pasakay na sana ito sa sundo nito nang mapatigil ito nang makita ako.

Agad naman akong lumapit sa binata na kitang kita ang pagtataka sa mukha.

"Hi Julian, uuwi ka na ba?" tanong ko dito, handa na din ang pilit na ngiti sa mga labi ko dahil alam ko naman na naapektuhan siya kahit sa simpleng ngiti lang na iyon.

"Uhmmm oo pauwi na ako, ikaw pauwi ka na din ba?" tanong nito sa akin habang para itong namimilipit sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Ahh ganoon ba, pupunta sana akon nang mall ngayon and I'm just wondering kung puwede mo ba akong samahan, promise sandali lang tayo." I asked and finally giving him my most lethal smile that never failed me.

Just like that nakita ko ang pagsinghap nito na dala marahil ng excitement, ngunit ilang minuto na ngunit hindi pa din ito sumasagot.

"Hey Julian ano masasamahan mo ba ako?" tanong ko uli trying to hide the irritation on my voice.

Iniwan ko na muna ito at nakita kong kinausap muna nito ang driver at matapos makuha ang wallet at cellphone nito ay dali dali itong lumapit sa akin, matapos magpaalam sa isa pang lalaking sakay sakay ng kotse.

I Love You Goodbye (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon