Hi guys sorry kung hindi ako nakapag update ng ilang araw, been stress with a lot ot things and since it's my rest day planning on doing at least three chapters, salamat sa pang-unawa =)
Picture of Julian Lardizabal on the right============>>>>>
Song is Fighter by Blaine Anderson of Glee
===============================================================================
CHAPTER FIFTEEN
Julian's POV
Hindi ko pa din alam kung bakit, pero nararamdaman ko na may gumuglo ngayon kay Larry, nararamdaman ko ang malamig na pakikitungo nito kapag kasama kami, tapos madalas pa ay iniiwasan ako nito.
Yeah we still keep on texting na talaga naman gusto ko pero iba pa din kapag kasama mo ang taong mahal mo, mas maipaparamdam mo ang pagmamahal mo sa taong iyon.
Actually hindi ako iyong tipo nang tao na icoconfront ang isang tao tungkol sa isang bagay na hindi ko naiintindihan, ako kasi iyong tipo nang taong mas mageexert pa nang effort para mabago iyon.
"Kung kinakailangan kong ibalik ang dating ako nang una kong makita si Larry ay gagawin ko." I said to myself habang inaalala kung gaano naging kalakas ang loob ko nang magtapat ako dito sa maraming tao.
Maaga akong nagising kinabukasan para muling ipaghanda nang pagkain si Larry, at habang hinahanda ko ang pagkain nito ay hindi ko naman maiwasang hindi mangiti dahil feeling ko ay nanliligaw uli ako sa binata, pero come to think of it wala namang ligawan na namagitan sa aming dalawa.
I always think about positive things imbes na magdwell ako sa mga negative things na magpapalungkot sa akin.
"Good morning Dad, Tito Lucas." nakangiting bati ko sa dalawa nang maabutan ko sila sa kitchen na nag-aalmusal.
"Good morning din Julian, halika na dito at sabayan mo kaming mag-almusal bago ka pumasok sa school." nakangiting aya sa akin nang Daddy at sino ba naman ang kayang tumanggi sa ngiting binibigay nito, actually nakikita kong lumalala ang kalagayan ng kalusugan nito pero kahit ganoon ay nakikita ko naman ang naging epekto nang pagkakabalikan nila ni Tito Lucas, kita ko ang kakaibang saya na tangin ang taong mahal mo ang pakakapagbigay.
Naupo na ako sa tabi ng Daddy ko at nagsimulang kumain, nasa kanan naman nito si Tito Lucas na abalang abala sa pag-aasikaso sa Dad ko, hindi ko maiwasang pagmasdan ang matandang Samonte trying to see any resemblance between him and Larry na hindi ko makita.
Si Tito Lucas kasi ang typical mestizo, good looking na lalaki samantalang si Larry naman ang masasabi mong tall dark and handsome, kaya malamang nagmana si Larry sa Mommy nito.
"By the way Tito Lucas, alam niyo po ba na nanalo sila Larry sa basketball game?" bigla kong lang naalalang sabihin ito sa kanya, ako kasi ang usual na tagapagbalita kung anuman ang nangyayari kay Larry sa school dahil nga napagdesisyunan namin na hindi na siya pupunta nang school para maiwasan ang pagkikita nila ng anak.
Nakita ko ang biglang pagliwanag nang mga mata nito and I can see how proud he is with Larry ngunit maliban doon ay napansin ko din ang lungkot sa mga mata nito na pilit nitong tinatago, mukhang naramdaman din ng Dad ko ang nararamdaman ni Tito kaya naman hinawakan nito ang kamay ni Tito Lucas and gently squeezed it.
Kung puwede ko nga lang maayos ang nasirang relasyon nang mag-ama ay matagal ko nang ginawa, pero umaasa ako na someday may magawa akong paraan para muling magkasundo ang mag-ama.
"Ipapakita ko sayo Larry Samonte kung paano kumilis ang isang Julian Lardizabal." I said to myself and after finishing the food in my plate ay nagpaalam na din ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
I Love You Goodbye (BoyxBoy)
Novela JuvenilLarry Samonte a bitter man and a lost soul, eversince his dad left them for a guy ay sinumpa na niya ang lahat ng gay sa mundo, until he met Julian Lardizabal an open gay na bukal ang paghanga sa kanya, he promised himself na paglalaruan niya at sas...