Second Chance

7.9K 152 9
                                    

Hello ulit rest day ko ito na naman ako pipilitin ko na naman tong matapos, sana magawa ko pero baka nde na muna ko gumawa ng new story tapusin ko na din muna yung I Lost My Virginity to a Stranger =)

Picture of Larry Samonte on the right===============>>>>>

Song is One More Chance by Piolo Pascual

===============================================================================

CHAPTER TWENTY ONE

Larry's POV

"I love you too Julian." narinig ko na lang na lumabas sa bibig ko, kusang lumabas ang mga katagang pinilit kong itago at labanan, napangiti na lang ako nang makita kong pilit nitong nilalabanan ang luhang nag uunahan sa pagpatak sa mga mata nito.

Hinintay kong kusang tumingin ito sa akin ngunit mukhang walang itong balak gawin iyon, and for the first time in my life naramdaman ko kung paano maging malaya at masaya at dahil ito sa taong nasa harap ko ngayon.

Sinong makakapagsabi na tanging katapatan lang ang magiging sagot sa kaligayahan nang isang tao, ang pagiging tapat ko sa nararamdaman ko sa binatang ito na kahit mapula ang mga mata ay sobrang mahal ko.

"Come here." tawag ko dito ngunit kita ko pa din ang pag-aatubili nito kaya naman hinatak ko ito palapit sa akin at kinulong siya sa mga bisig ko, hugging him real tight na para bang ayoko na siyang pakawalan pa.

I can smell the sweet scent coming from him, this kid who started messing with my mind and my heart for that matter, ang taong kahit kailan ay hindi nagsawa sa aking mahalin ako kahit na nga ba naging sakit ako sa ulo nang mga tao lalong lalo na nang ulo niya dahil na din sa pagiging stubborn ko.

I want to give our relationship a second chance, start it right this time, hindi katulad noon na kung saan nagsimula lang ang relasyon namin sa paghihiganti ko at sa pagnanais kong makaganti sa Daddy nito, I want to give us a chance na maging masaya naman kahit na komplikado ang aming relasyon.

Nagtaka naman ako nang maramdaman ko ang pagtulak nito sa akin kaya bahagya ko itong nilayo sa akin at nakita ko ang alanganin nitong ngiti.

"Sorry hindi na kasi ako makahinga." nahihiya nitong paghingi nang paumanhin at hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa sa sinabi nito, he never failed to amuse me.

"Do you want to grab something to eat?" tanong ko dito na tinanguan naman nito, naisipan naming pumunta sa SM para kumain at para na din bisitahin si Arnold at Jake sa mga trabaho nila.

Unang linggo na kasi ni Arnold sa Mcdonald's at gusto kong makita kung paano ito mahirapan sa pagtatrabaho para lang kumita nang pera, hindi naman kasi sanay si Arnold na magtrabaho kaya sigurado akong puro kapalpakan ang ginagawa nito.

Gamit ang black BMW ko ay nagdrive na kami papuntang SM North Edsa, at dahil gabi na din naman ay inabot lang kami nang labing limang minuto bago kami makarating sa naturang mall.

Pagkadating namin sa Mcdo ay agad naming nakita ang dalawa na magkasabay na kumakain nang dinner nila and I can see happiness in Arnold's face habang kaharap nito si Jake at kahit alam kong nahihirapan ito sa trabaho ay wala dito iyon dahil kasama nito ang taong mahal nito, and somehow it gave me hope that maybe just maybe my relationship with Julian will also work.

"Hi guys! Mind if we join you?" tanong ko dito at kita ko ang pagkagulat nila sa biglaan kong pagsulpot ngunit mukhang mas nagulat sila nang makita nila kung sino ang kasama ko, I can see a questioning look in Arnold's face.

"No not at all pare, glad to see you here, both of you." nakangiti nitong sinabi at agad itong tumayo sa inuupuan at tumabi kay jake giving us space ni Julian.

I Love You Goodbye (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon