Hello hello po sa lahat, here's chapter four of I Love You Goodbye, kilalanin natin si Julian Lardizabal ang lalaking magpapagulo sa magulo nang mundo ni Larry :-)
Actually mas madaling mag gawa ng POV si Julian kesa kay Larry emo kasi tapos kailangan nde nalalayo sa nangyari kela Arnold since same time lang hmmmm hehehe
Picture of Julian on the right===========>>>>>
Song is My Name is by Eminem
===============================================================================
CHAPTER FOUR
Julian's POV
"Larry Samonte, I love you." ang sinabi ko dito, kitang kita ko ang pagkabigla sa guwapo nitong mukha kasunod ng galit na reaksyon nito, ramdam kong guston gusto ako nitong sapakin, mabuti na lang talaga at napigilan ito ng mga kaibigan nito.
Imbes na matakot ay natawa ako sa naging reaksyon nito, siguro dahil expected ko na din ang magiging reaksyon nito.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na lapitan ito at magtapat dito ng pag-ibig ko. Mula kasi nang makita ko ang larawan nito sa unang beses ay nahulog na agad ang loob ko dito.
Hindi ko nga alam kung counted iyon as love at first sight dahil hindi ko naman ito nakita ng personal, tanging sa picture lang nito at kahit ganoon ay hindi ko napigilan ang puso ko na tumibok ng mabilis habang tinitignan ang guwapo nitong mukha, para ngang sumali ako sa one hundred meter dash sa bilis ng tibok ng puso ko.
From that day ay pinangako ko na sa sarili ko na papaibigin ko si Larry Samonte sa ayaw man niya o sa gusto.
Actually, iyon din ang dahil kung bakit ako nasa school ngayon nila Larry, naisipan ko kasing magtransfer sa school na ito para mapalapit ako sa kanya at para na din magawa ko ang planong ko mapaibig ito sa akin, ika nga nila mas madali mong makakapalagayan ng loob ang isang tao kung araw araw mo siyang makikita.
"Naipasa mo na ba ang lahat ng requirements mo sa school?" narinig kong tanong ni Daddy.
Hindi ko naman maiwasan maawa sa kalagayan nito ngayon, sobrang laki kasi nang binagsak ng katawan nito at kung hindi sa iniinom nitong maintenance at sa suporta naming nagmamahal sa kanya at baka matagal na itong sumuko.
Agad akong lumapit dito at hinawakan siya sa mukha, hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pilit na ngiting ginawa nito.
"Yes Dad, ayos na po ang lahat at puwede na akong pumasok bukas na bukas din. Nakaharap ko na din siya." napangiti naman ako ng makita ko ang pagkislap ng mga mata nito sa sinabi ko.
"How was he? How was your first meeting?" excited nitong tanong.
"Actually, he's everything that I'm expecting him to be and more. Medyo moody nga lang." natatawa kong kuwento dito, muli ay naalala ko ang naging una naming pagkikita.
"Ipangako mo Julian, magiging mabuti ka sa kanya. He deserves all the happiness he can get." pakiusap nito na agad kong sinang-ayunan.
Matapos ang pag-uusap naming iyon ay nahahapo itong napapikit at ilang sandali nga lang ay tuluyan na itong nakatulog.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng lungkot habang tinitignan ito, alam kong hirap na hirap ito sa kalagayan nito, pero nagpumilit pa itong sumama.
"Tara na po." ang sinabi ko sa driver namin, at agad naman nitong pinaandar ang kotse.
Hawak hawak ko sa kamay si Daddy habang nasa biyahe, hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap sa nalaman naming sakit niya.
Nadiagnosed na merong cancer of the bone si Daddy, at ayon sa tumingin ditong doctor ay stage three na ang cancer nito at dahil doon ay tinaningan na kami ng doctor. Isipin ko pa lang na mawawala ito sa amin ay hindi ko na matanggap.
BINABASA MO ANG
I Love You Goodbye (BoyxBoy)
Dla nastolatkówLarry Samonte a bitter man and a lost soul, eversince his dad left them for a guy ay sinumpa na niya ang lahat ng gay sa mundo, until he met Julian Lardizabal an open gay na bukal ang paghanga sa kanya, he promised himself na paglalaruan niya at sas...