"Cindy gising ka na pala tumawag ang mama mo kanina sa phone uuwi daw siya nextweek dito para magbakasyon."
"Talaga po yaya? Hinanap po ba niya ako? Kamusta na po daw ba siya?" tanong ni Cindy kay Manang Yasmin niya.
"Naku Cindy kasama daw niyang uuwi yung asawa niya. Eh nung tinanong ko ang nanay mo kung gusto ka ba niyang makausap para sa ganon ay ibigay ko sayo ang phone bigla nalang niya itong ibinaba e."
"Haaaaaay.. bakit po ba hindi ako magawang mahalin ng nanay ko, yaya? dahil po ba ako ang nakasira sa trabaho niya noon?"
"Ano ka ba naman Cindy bakit mo naman nasabi yan iha?" tanong ni Manang Yasmin.
"Kung hindi po dahil sakin edi sana po di natanggalan ng trabaho mama ko noon. Eh di po ba nabuntis lang po siya ng may isang lalaki noon sa bar na nagtable sa kanya at ayun ako po ang naging bunga. Dahil po sakin naging miserable buhay ni mama" umiiyak na sabi ni Cindy sa kanyang yaya.
"Wag mo ngang sabihin yan! tandaan mo walang nanay na hindi mahal ang anak, ok? tama na ang pag iyak nakahanda na ang pagkain sa lamesa kumain ka na."
Bata pa lang kasi si Cindy e di na niya nararamdaman ang pagmamahal ng isang ina dahil nga para sa kanyang ina ay isang malas si Cindy. Noong nagbubuntis pa lang ang mama nito ay hinanap niya ang lalaking nakabuntis sa kanya ngunit noong nahanap niya ang nakabuntis sa kanya e di naman siya pinanagutan nito kaya naisip ng nanay ni Cindy na ipalaglag nalang ang bata ngunit hindi ito nag tagumpay hanggang sa naalis ito sa bar kung saan siya nagtatrabaho.
Hanggang sa isang araw ay nag Japan ang kanyang nanay at iniwan si Cindy kay Manang Yasmin na dati ay isang kumadrona na nagpanganak sa kanya. At nang nasa Japan na siya ay doon niya nakilala ang kanyang kinakasama ngayon isang mayamang lalaking hapon. At doon umasenso ang kanilang buhay.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote, Comment and Fan na din po. What do you think sa unang chapter ng story? Drama ng buhay ni Cindy noh? Hahahaha.. Hindi pa tayo nag uumpisa guys!
Ready for the next chapter? HERE WE GO!..
BINABASA MO ANG
Wait for my revenge
HorrorAno nga ba ang dahilan ni Cindy para wakasan na ang kanyang buhay? Anong klaseng paghihiganti ang ibibigay niya sa mga taong sinaktan siya at pinaglaruan ang kanyang pagkababae? Alamin!