Episode 15: Bad vibes part 1

364 8 0
                                    

"Cindy! Kung hindi pa nadulas sa pag sabi sa akin si Manang Yasmin hindi ko pa malalaman na nagdala ka ng lalaki dito kahapon habang wala kami ng tito Akihiro mo!" yan ang sumalubong sa akin ngayong umaga habang pababa ng hagdan.

Wala pa man din ako sa mood ngayon dahil sa sakit ng ulo ko. Tapos may pasok pa kami ngayon Monday kasi. Ayoko man pumasok sa school mas ayoko naman mag stay sa bahay. Atleast makakasama ko pa si Ryan... Pero siyempre kahit saan yata ako magpunta laging may kontrabida. Makikita ko nanaman sina Margaux and friends. -.-"

"Cindy kinakausap kita!" sigaw ulit sa akin ni mommy.

Kailangan ko na rin sabihin sa kanya na may boyfriend ako lalo na ngayong buntis ako,

"Opo ma. Si Ryan po boyfriend ko. Siya po yung pumunta dito kahapon." 

"Ang landi mong bata ka!" lalapit na sana si mommy sa akin para sabunutan ako pero bigla siyang pinigilan ni Tito Akihiro. Nandito pala siya. 

"Stop it Anna! There's no wrong of having a boyfriend. I bet Cindy knows what she's doing, right?" sabay lingon sa akin ni Tito Akihiro.

Tumango lang ako.

As always, walk out queen nanaman si mama ko.

Kami na lang ni Tito Akihiro ang naiwan dito.

"Cindy are you alright?"

"Yes tito. Thanks"

"No worries. Let's have breakfast"

"Uhm una na po kayo tito. I'll just take a bath first"

Tumango lang siya. At ako naman umakyat na lang ulit para i text si Ryan na wag muna niya akong sunduin ngayon kasi diba hatid sundo niya ako sa house pag may pasok kami.

I told him what happened kaya naintindihan naman niya ako at di na niya pinilit na sunduin ako ngayon.

While taking a bath, naramdaman ko nalang na kasabay ng pag-agos ng tubig sa shower ay ang pag-agos din ng mga luha galing sa mga mata ko.

Gusto ko lang talagang sumaya. Sa ngayon si Ryan at ang magiging baby namin ang tanging lakas at ligaya ko..

Nagmamadali akong umalis ng bahay. Nag commute na lang ako. Di na rin ako nagbreakfast kahit na gutom na gutom ako. 

Wait for my revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon