Episode 12: Problem

394 5 0
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Umuwi ka pang bata ka? Saan ka nagpupupunta ha?! Sagutin moko!" yan ang unang sinambit ni Madam Anna sa kanyang anak.

"Ma welcome back po. Sorry po may pinuntahan lang po ako." 

Yayakapin na sana ni Cindy ang mommy niya ngunit tinulak lang siya papalayo nito.

"Wag na wag kang lalapit sakin dahil isa kang malas!"

"Ma.. tama na po.. sorry po..." umiiyak na sabi ng anak.

"Hey what are you doing to her? She's still your daughter. Stop it Anna!" pagpigil ni Sir Akihiro sa asawa.

"I'm just telling the truth she ruined my life, remember?"

"That's a long time ago..."  ang sabi ni Akihiro.

"Maka alis na lang nga dito. Dumating lang yan dito sa bahay uminit nanaman ulo ko. Bwiset!!"

"Cindy are you alright? Don't mind your mom.. " pag comfort ni Akihiro kay Cindy habang hinahaplos ang likod ni Cindy.

"Punta na po ako sa kwarto ko, uncle."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DING DONG!! 

"Huh sino kaya yun? Baka sina mama na!" at pumunta na si Ryan sa labas para buksan ang gate.

"Pare musta na?" tanong ni Lawrence.

"Oh pare ikaw pala. buti napadaan ka? Ikaw lang ba magisa?"

"Kanina kasama ko si George kaso umalis na may bibilhin pa daw kasi para sa kotse niya. Musta na bro?"

"Eto ayos lang naman ako lang mag-isa dito sa bahay. Tara pasok ka muna sa loob."

-------

"Bro talaga bang aalis ka na sa grupo namin?" tanong ni Lawrence.

"Hindi ko alam e. Ang gulo pa kasi ng sitwasyon." sabi ni Ryan habang kumukuha ng isang bottle ng whiskey para sa kanilang dalawa ng kaibigan.

"Huh? Anong magulo pa kasi yung sitwasyon?" pagtatakang tanong ni Lawrence.

"Uhmm.. Wala pare." sagot ni Ryan.

"Pare hindi ko talaga lubos maisip kung paano mo kami naiwan ng ganun ganun lang. Buti hindi nagalit si Margaux sayo? Sa totoo lang kase pare si Margaux ang dapat pinaka apektado dito e."

"Pare maiintindihan mo rin" sagot ni Ryan habang umiinom ng whiskey.

"Ewan ko sayo. Ang weird mo tulad ng new girlfriend mo"

Napahaba ang kwentuhan ng dalawa... Ang tagal na rin kasi nilang hindi naguusap ng maayos.. Dahil nga lagi kasama ni Ryan si Cindy..

Wait for my revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon