"Tutal Friday naman wala rin naman pasok bukas gusto niyo bang gumimik later? Mag disco tayo guys! My treat." pagaanyaya ni Margaux sa grupo.
"Sasama ba natin si Ryan? Mas masaya kung kumpleto tayo" sabi naman ni George.
"Siguradong hindi yun sasama dahil busy siya sa bago niyang girlfriend. Di ko talaga alam kung anong nagustuhan niya kay Cindy. Well, maganda at hot naman si Cindy pero isa siyang anak ng prostitute. Kadiri." pahayag naman ni Lawrence.
"Ang hindi ko lang maitindihan e kung bakit hinayaan mo lang siya Margaux? Parang di ka man lang galit sa kanya." sabi ni Jessica kay Margaux.
"Bat naman ako magagalit sa kanya? Hayaan niyo na nga siya!" pasigaw na sabi ni Margaux.
"Teka. Magdidisco tayo later? Edi iinom din tayo? Margaux baka sumumpong nanaman ang sakit mo sa puso. " pagaalalang tanong ni Ruby.
"I'll be fine Ruby thanks for your concern."
-----------------------------------------------------------------------------------------
Nasa isang lumang building sina Ryan at Cindy. Tahimik doon.
"Uhm Cindy. Next two months birthday ko na sana makapunta ka."
"Oo naman Ryan pwede ko bang mamiss yun syempre hindi!"
"Cindy pwede ka ba bukas? Labas tayo saturday naman e." pag ch-change topic ni Ryan.
"Bukas na arrival nina mama eh. baka hindi ako pwede." malungkot na pagsagot ni Cindy
"Eh diba hindi naman kayo close ng mama mo? Sumama ka nalang sakin bukas papakilala na kita sa parents ko." pagaanyaya ni Ryan.
"Talaga? Oo sige magkita tayo bukas 2pm."
"Sige."
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa loob ng faculty room may isang estudyanteng kausap si Teacher Andrew. At mukhang may inabot ang estudyante sa guro na puting sobre.
Sino kaya iyon? At ano ang laman ng puting sobre na iyon?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hi Cindy, did you miss me? Ako kase miss na kita e." sabi ni Margaux kay Cindy.
"Margaux ikaw pala"
"Oo ako nga." At bigla nalang sinampal ni Margaux si Cindy.
"Aw. Teka Margaux bakit moko sinampal?" tanong ni Cindy habang hinahawakan ang nasampal niyang pisngi.
"Para magising ka sa katotohanan na di seryoso sayo si Ryan masyado kang ambisyosa! Oh eto para mas lalo kang magising." At binuhos ni Margaux ang hawak niyang isang cup ng hot coffee sa mukha ni Cindy.
"Araaaay!"
"Kawawa ka naman hahahahahahaha.. Bye!" sabay talikod ni Margaux.
Walang ginawa si Ryan ng mga oras na yun para bang nanuod lang siya sa away ng dalawa.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Cindy I'm sorry di man lang kita naipag tanggol."
"Okay lang Ryan baka pati sayo e uminit ulo ni Margaux punta ka na sa room maglo-locker pako magpapalit lang ako ng damit"
"Oo sige. I love you."
"I love you too Ryan"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Wait for my revenge
HorrorAno nga ba ang dahilan ni Cindy para wakasan na ang kanyang buhay? Anong klaseng paghihiganti ang ibibigay niya sa mga taong sinaktan siya at pinaglaruan ang kanyang pagkababae? Alamin!