Episode 15: Bad Vibes Part 2

356 8 0
                                    

Pagkadating ko sa school hinanap ko agad si Ryan. Pero di ko siya nakita. Naisip ko baka nasa room na siya. Kaya ako nalang mag-isa ang pumunta sa locker room.

Pagkabukas ko ng locker ko.. May isang maliit na box dun na naka gift wrapped pa. I think si Ryan ang may gawa nun. Ang sweet talaga niya. May naka dikit pa na letter sa box na nakasulat: "FOR YOU MY DEAR, I HOPE IT WON'T SURPRISE YOU THAT MUCH" 

Wala naman kasing lock ang mga lockers dito. Dahil nga mayayaman ang mga nag-aaral dito wala naman sigurong magnanakaw diba?

I destroyed the wrapper and slowly opened the box.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH...." sigaw ko. tinginan lahat ng mga estudyante sa paligid sa akin.

Patay na daga ang laman ng box na iyon. 

Umiyak ako at tumakbo dahil sa kahihiyan. Ang mga books ko at yung box naman na dinadala ko ay nabitawan ko naman. Wala na akong pakialam ang kailangan ko lang ay maka alis dito.

Gusto kong pumunta doon sa lumang building kung saan kami madalas tumambay ni Ryan. 

Habang tumatakbo ako may mga naririnig akong tumatawa at mga nagbubulungan.

"She's really crazy!"

"Hahahaha. Stupid girl."

"Anong nagustuhan ni Ryan sa kanya? Walang taste!"

"Nakakahiya siya!"

"Hahahahahahahahahahahahahaha"

------------------------

Papunta na ako doon sa lumang building para doon ibuhos lahat ng mga luha ko. Pero napatigil ako ng may nakita akong dalawang taong naghahalikan.

Si Ryan at si Margaux.

Shit.

Napatigil naman sila sa ginagawa nila. Napansin yata nila na nandito ako.

"Baby.. it's not what you think" pagsisimula niya.

Si Margaux naman nakatingin lang habang nakataas ang isang kilay nito..

"P-pano mo n-nagawa sa akin i-ito?" napaka malas ko naman yata ngayong araw na ito.

"Cindy please.." ang tanging nasabi niya.

Tumakbo nalang ulit ako pero bago ako makalayo hinawakan niya ang braso ko.

"Let me explain please" pagmamakaawa ni Ryan.

"Oh C'mon too much drama! Look Ryan hindi ka niya mahal wala nga siyang tiwala sayo." pagsisingit naman ni Margaux.

"Shut up Margaux!" sigaw ni Ryan sa kanya.

Maybe I'll let Ryan explain kung ano ba talaga ang nangyari at kung bakit nandito silang dalawa sa lumang building. He deserves a second chance. 

Piinunasan ko ang mga luha ko.

"Mauna na ako sa inyong dalawa. Mamaya nalang tayo mag-usap" sabi ko naman sabay talikod. 

Habang naglalakad ako palayo.. Naramdaman ko nanaman ang pagtulo ng mga luha ko.

Wait for my revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon