Episode 7: Meet her even more

469 11 2
  • Dedicated kay Luisa Calara
                                    

"Hi dad. I'm home!" pagbati ni Margaux kay Don Alfonso.

"Hi princess. How's school?" tanong ni Don Alfonso sa anak.

"Well, still the same. Boring. Haha. Just kidding. By the way, where's mom?"

"In our room. Mamaya mo nalang siya puntahan anak wala sa mood mommy mo e alam mo naman na medyo mainit ulo sayo nun" sagot ng kanyang daddy.

May isang sikreto ang kanilang pamilya.. Sila-sila lang ang nakaka alam....

Pati ang mga matalik na kaibigan ni Margaux ay hindi rin nila alam....

Natatakot si Margaux dahil baka iwan siya ng mga kaibigan niya kapag sinabi niya ang kanyang sikreto sa mga ito.....

Ano nga ba ang sikretong iyon?????

FLASHBAAAACK!!!!!!!!!!!!

 

"Ilayo mo sa akin ang sanggol na iyan hindi ko siya anak" sabi ni Donya Cynthia

Nagaaway nanaman sina Donya Cynthia at Don Alfonso.

"Ano bang sinasabi mo? Anak natin siya. Nasisira na ba yang ulo mo ha!" 

"Hindi Alfonso. Noong lumabas ang anak natin e sobrang lusog niya hindi siya sakitin. Maniwala ka sakin. Kailangan nating hanapin yung kumadrona!"

"Tumigil ka na Cynthia! Hindi ka na nakakatuwa!" pagsigaw sa kanya ni Alfonso.

"Maniwala ka sa akin Alfonso nakita ko ang mukha ng ating anak pagka labas niya. Ngunit agad din akong nakatulog nun dahil sa sobrang panghihina at nang pagka gising ko iba na ang batang nasa tabi ko" Pagpapaliwanag ng Donya na halos maiyak na.

"Tama na Cynthia sawang-sawa na ako sa away nating ito na hindi matapos tapos. Mahal ko si Margaux anak natin siya."

"Pa DNA natin ang sanggol Alfonso para paniwalaan mo na ako" suhestyon ni Donya Cynthia

Ayaw sanang gawin ni Alfonso iyon pero pumayag na siya para mahimasmasan na ang kanyang asawa at para malaman na rin nila ang totoo.

------------

"Sorry po pero negative, hindi niyo po kadugo si baby Margaux" sabi ng doctor.

Halos mabaliw ang mag-asawa ng mga panahon na iyon. Hinanap nila ang kumadrona napakayaman nila pero hindi sila nagtagumpay hindi nila nahanap ang kumadrona.

Laging mainit ang ulo ni Donya Cynthia kay Margaux dahil nga hindi naman niya ito anak. Pero si Don Alfonso ay tinanggap nalang ang lahat at minahal si Margaux na para bang totoo niyang anak.

---------------------------

Nagustuhan niyo po ba ang chapter na ito? :)) O hindi niyo po maintindihan sa sobrang gulo? Haha. Don't forget to Vote, Comment and Fan. :)

Don't worry masipag po akong mag update kung di po later baka bukas ng umaga. :)

Wait for my revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon