Episode 17: Trouble

350 8 1
                                    

"Sis, saan ka ba galing?" tanong ni Jessica kay Margaux na kakapasok lang sa classroom.

"Grabe if you just only saw kung anong nangyari kanina kay Cindy. Nakakatawa siya!" sabi naman ni Ruby.

"Huh bakit anong nangyari?" pagtataka naman ni Margaux habang naka kunot noo ito.

"Ewan bigla nalang siyang nagtatatakbo kanina sa locker room dinig na dinig din nga yung sigaw niya hanggang sa hallway. Para nga siyang tanga e." sagot naman ni Ruby.

"Kulang sa pansin ang peg!" dagdag pa  ni Jessica.

Napangiti naman si Margaux. "Looks like she already saw my gift"

"Huh?" pagtataka naman ng dalawang babae.

"I gave her what she deserves. A dead rat." sabay halakhak nito na pang kontrabida talaga ang dating.

"Kaya naman pala e. Bagay nga sa kanya" sabi naman ni Ruby.

"Teka sis, Di mo pa sinasagot yung tanong ko san ka galing kanina? Hindi ka na rin pumasok sa first subject natin. Nakakapagtaka nga e ikaw si Ryan at Cindy absent sa first subject." kunot-noong tanong ni Jessica.

"Sa lumang building doon ako galing" 

"Ano naman ginawa mo dun?" tanong ulit nito.

"Hmm. Teka nasan nga pala sina Lawrence at George?" pagpapalit nito sa topic.

"Nag cr lang daw" sagot naman ni Ruby.

"Uy ano nang ginawa mo dun sa lumang building?" pangungulit ni Jessica.

"Ano ba Jess investigator ka ba! Ang kulit mo! Nag-usap kami ni Ryan, oh yan ok na?!!"  

"S-sorry." sambit ni Jessica na napakamot na sa kanyang ulo.

"So, anyare sa inyo sa lumang building na yon?" tanong naman ni Ruby.

"Nothing..." 

Napatigil sila sa pag-uusap ng may kakapasok lang na dalawang tao.

Si Ryan at si Cindy. 

Magkahawak pa ang mga kamay nito.

Tumayo si Margaux at lumapit sa dalawa.

"Hi babe. Bati na yata kayo ng toyfriend mo?" malanding sabi ni Margaux kay Ryan habang hinahaplos nito ang mukha ng binata.

"Stop it Margaux! Sabi ko naman sayo mahal ko siya at bitawan mo nga ang mukha ko."

 "Hahahahaha! Mahal mo siya Ryan? Really? Eh kung sabihin ko kaya sa kanya na-----"

Hindi na naituloy ni Margaux ang kanyang dapat sabihin dahil sinigawan siya ni Ryan na ikinagulat naman ng lahat.

"I SAID STOP IT!!!!!" sigaw nito sakanya habang dinuduro pa ito sa mukha.

"Hey Ryan bakit mo sinisigawan si Margaux nakasama mo lang ang anak ng prostitute na yan nagkaganyan ka na.  Ano bang pinakain sayo ng babaeng yan ha?!" sabi ni George na kakapasok lang din ng classroom kasama ni Lawrence.

Si Cindy naman nakahawak parin sa isang kamay ni Ryan habang naiiyak na.

"Loko pare wag mong pinagsasabihan ng ganyan si Cindy! Baka makalimutan kong magkaibigan tayo!"

"Matagal mo ng kinalimutan na kaibigan mo kami simula noong iniwan mo kami basta basta ng dahil lang sa Pu**** I** na yan!"

*booooooooooooooooooogsh*

"Simula ngayon hindi ko na kayo kilala!"

"Bakit moko sinuntok? Ta** I** mo pare!"

"Ryan hayaan mo na sila umalis na lang muna tayo dito" pag-aawat ni Cindy sa nobyo.

"At anong kaguluhan ito?"

"S-sir.."

"Anong nangyari dito ha?" 

"Sir, si Cindy po ang lahat ng may kagagawan nito." pagsusumbong ni Margaux.

"Cindy totoo ba yon?"

Umiling ito. "H-hindi po totoo yun"

"At ako pa ang sinungaling ngayon ha? Totoo naman ikaw  naman talaga ang dahilan kung bakit nagkagulo dito. Simula nalang ng nag-aral ka dito puro gulo ang dala mo!" sabi ni Margaux.

"Tigilan mo na yan Margaux. Naniniwala ako sayo."

Ngumiti lang si Margaux.

"Ms. Carbonell. See you at my office later, dismissal time!"

"O-opo s-sir"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Wait for my revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon