Chapter 1 {Getting to Know THEM}Yong Ri/Ji Hoon's Pov
Hello, I'm Song Yong Ri imnida. Namjoon is my cousin, kaya ako nagpanggap na lalaki ay para bantayan siya. Meron siyang cancer and I'm here to take care of him, grabe, gagawin ko itong mission na ito dahil sa kanya.
Inayos ko muna ang sarili ko na parang lalaki at great okay naman.
So ito na nga, na-announce na sa tv na merong bagong member ang BTS. Just great, hindi ako makapaniwala na papasok ako sa ganitong sitwasyon.
Bumaba nalang ako gamit ang hagdan at wala pa palang gising. Naisipan ko magluto, ano kayang lulutuin ko? Kimchi nalang kaya, tinignan ko ang pagkain sa ref grabe ang daming pagkain ng BTS. Meron kayang pwede sa kimchi? Meron nga! Buti naman..
Nagsimula na akong magluto ng kimchi at pagkatapos nun ay nilapag ko lang iyon sa mesa at tinakpan. Baka langawin pa eh..
Nakarinig ako ng bumababa at ang nakita kong bumaba ay si.. J-hope. Shet-shemay pala, paano ako makikisama nito? Umupo lang ako sa sofa at nakita kong pa-diretso siya papuntang lamesa kung saan ko nilagay yung kimchi.
Tapos parang may inaamoy siya at nung idilat niya ang mata niya ay parang nagulat siya sa akin. Parang nakakita ng multo.
"Nagulat ako sayo, akala ko kung sino ka. Ji hoon, good morning nga pala"
"Good morning"
Binuksan niya yung takip ng kimchi at mukha naman ata siyang nasarapan. Oh my gosh!
"Ikaw nagluto nito?"
"Oo"
Nang may narinig na naman kaming bumababa, this time marami na ang narinig ko. Nakita ko na sila Rapmon, Jin, V, Jimin at Jungkook. Teka bakit parang wala si Suga? Baka tulog pa iyon.
"Morning"
"Morning"
"Anong amoy iyon?" Tanong ni V na parang hinahanap kung saan galing yung amoy.
"Kimchi iyon, niluto ni Ji Hoon"
Napadilat silang lahat at napatingin sa akin.
"Ah, Hi Ji Hoon"
"Good morning ulit Ji Hoon"
Kanya-kanya silang bati sa akin, ngumiti lang ako at sumunod sa kanila sa dining table. Narinig naming bumaba si Suga oppa or hyung? Kasi lalaki-lalakihan ako dapat hyung pero babae talaga ako kaya oppa. Bahala na!
Dire-diretso si Suga hyung.. ugh..why hyung? (T.T) dire-diretso siya sa dining table at umupo
"Good morning" bati niya at kinalabit siya ni Jungkook. Dumilat si Suga at napatingin sa akin.
"Ahh, Hi Ji Hoon. Good Morning" sabi ni Suga at yun na nga.
Ang awkward ng atmosphere like ugh.. puro boys kasama ko. Umma~
"I will eat well" sabi naming lahat at nagsimula ng kumain. Pasimple kong tinitignan yung mga reaction nila, ang sasarap nila kumain, lalo na si V. Lalo akong nagugutom kapag nakikita ko kung gaano siya kasarap kumain eh :3
Kumakain lang kami at ang pinakanaunang natapos ay ako. Ang bilis ko rin pala kumain grabe, pagkatapos ko kumain ay inilagay ko ang plato sa lababo at dumiretso na akong umupo ng sofa.
Grabe, hindi talaga ako sanay ng walang kasamang babae. Ugh! Dapat pala sinama ko si Sangyoo tapos magpapanggap rin siyang lalaki pero hindi naman pwede iyon kasi pinsan ko ang responsibility ko dito.
BINABASA MO ANG
The 8th Member
FanfictionWill she succeed being the 8th Member? Can she control her feelings for them? Or Let things turn around and accept the consequences?