9th Chapter {Trouble}

53 4 0
                                    

9th Chapter

{Trouble}

××××

Yong Ri/ Ji Hoon's Pov

Isang masigabong palakpakan ang natanggap namin pagkatapos mag-perform nang isang kanta. Ngayon ko lang nalaman, lip-sync pala pwede. Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa back stage, ginreet lang kami ni manager at nagpahinga kami saglit.

It's been a long time, 2 weeks palang ang nakakalipas. Nakakabigla, kasi sinugod kami ng mga activities. Limang activity sa apat na oras tapos biglang magbabago yung schedule. Ayoko talaga nito!!

Maingay kong nginunguya yung chewing gum to show na naiirita ako. Tinignan ko ang oras sa relo ko, 6:00 pm. Pag dating ng 8:30, sabi ni manager aabangan yung mga announcements tapos magpo-photo shoot na kami para sa isang fashion company.

Nakakatamad naman!~ Pero may napansin ako, kanina sa stage. May ilaw sa ibaba, I mean, hindi yung ilaw na nakatapat sa amin. Sa mismong pwesto ko tapos may maliit na butas, color blue yung kulay. Ano kaya yun?

×××

Pinalabas ulit kami, lahat ng groups para i-announce na yung winner chu chu.

A/N: Hindi ako masyadong nanonood sa mga ganito kaya hindi ko alam kung ganito nga yun

Habang nagsasalita ang host at nandito kami, pasimple kong tinitignan kung nasaan yung blue na ilaw pero wala. Kahit sa ilalim ng sapatos ko wala din. Kinakabahan ako, para kasing may nagtatanim ng masamang tingin sa akin. Kinakabahan ako sa anumang pwedeng mangyari.

Delikado na ito.. kinalma ko lang ng kinalma ang sarili ko. Nararamdaman ko ang panlalamig ng mga binti ko at nanginginig ito, hindi dahil sa lamig. Kasi sa trahedya. Naku po, wag naman sana ngayon.

"Jiji, namumutla ka ba?" Tanong sa akin ni Rapmon sabay hipo ng leeg ko para tignan kung may sakit ako.

"H-hindi, sadyang nilalamig lang ako. Wag ka m-mag-alala"

Nang ia-announce na yung panalo, bigla akong nakaramdam ng malakas na tibok ng puso sabay nang isang boses na puno ng galit.

"PARK JI HOON!!!!~"

Napatingin lahat sa isang direksyon kung saan nanggaling ang boses, isang babaeng nakatitig ng masama sa akin at may hawak na laruang baril. Parang lahat ng bagay bumagal, isang masakit, mahapdi na liquid ang naramdaman ko sa mata ko.

Pagkatapos nun, bumilis at bumalik sa normal ang bilis ng panahon. Kung ano-ano ang nararamdaman ko.

"Aaaahh!!~ Ang mata ko, aray!"

"Ji Hoon-ah!!"

"Please, call the emergency crew. Now!!"

"Hyung!"

"Jiji-ah!"

Lahat ng tao nagpapanic ngayon pero ako, isa lang ang nararamdaman ko.












Sakit...

Hindi dahil sa natamaan ako ng masakit na bagay..nasaktan ako dahil naawa ako sa kalagayan ko at sa kalagayan ng mga kasama ko..

Bakit ba kailangan nilang manakit? Mapapasaya ba sila nun? Ganito rin pala ka-brutal at kahirap ang nararanasan ng pinsan ko, sa mga oras dati na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang i cancel kung pwede namang may kabantay?

Naiintindihan ko na sila.. nakahawak lang ako sa mata ko hanggang sa palabo na ng palabo ito.

"JI HOON! PLEASE, WAG MUNA NGAYON!"

"Parating na ang ambulance, please calm down"

Hanggang sa wala na akong marinig, sila lang ang nakikita ko ngayon. Lahat sila ay nakapaligid sa akin, alalang alala. Parang wala silang iniintindi kundi ako..uminit ang pakiramdam nang isa kong mata at tumulo ang luha ko...

Ngayon..kung pwede ba? Maging babae muna ako? Kasi sobrang sakit na itong nararamdaman ko..pwede bang kahit isang minuto lang..maramdaman ko na malayang malaya ako? Na sa isang minuto lang, malabas ko lahat itong nasa loob ko, na hindi muna ako masakal?

Hinahabol ko na ang bawat paghinga ko, hanggang sa naramdaman ko na ang mga taong bumuhat sa akin. Hiniga nila ako sa isang higaan at ipinasok sa kotse. Nakahawak lang ako sa mata, at paghikbi lang ang ginagawa ko.

Kumakalat na ng kumakalat ang sakit hanggang sa maramdaman kong nawawalan na ako ng malay.

Pero..

Habang nasa madilim ang paningin ko...

Nakarinig ako ng boses...

"Please? Huwag muna ngayon?"

Wala akong maintindihan..bakit may ganito?

"Hyung stay strong"

---------------

×××××

3rd Person's Pov

Habang itinatakbo ng mga nurse si Ji Hoon papunta ng emergency room para maayos ang mata niya. Medyo crititical ang mata ni Ji Hoon dahil saktong sakto sa gitna tumama ang pinakadeep ng suka at toyo na pinaghalo.

Samantalang kinakausap ng manager nila ang director at ang head ng show na huwag munang ipalabas ang nangyari dahil baka lalo lang lumaki ang gulo. For the second time, may isang trahedya na nangyari na naman.

Ang mga members ay nakaupo sa isang gilid, hindi makapagsalita. Ang ilan ay nagdadasal, ang iba naman ay hindi mapakali at patingin tingin nalang sa kung saan saan. Pero may isang tao ang sobrang nalulungkot, alalang-alala siya.

Pasilip-silip sa emergency room kahit wala namang nakikita, pinapakinggan kung ano na ang nangyayari, pinagpapawisan din siya.

"Guys, BTS. Calm down, magiging okay din si Ji Hoon. Sa mga oras na ito, kailangan lang nating tumahik at kumalma. Humingin tayo ng tulong sa may itaas"

Sumunod naman ang ibang members sa sinabi nang kanilang manager, lahat sila seryoso. Lahat sila, walang nararamdaman kundi lungkot, takot at paga-alala. Lalo na ang mga ka-close ni Ji Hoon, nag-aalala.

Pagkatapos ng kanilang ginawa ay walang anu-anuman, sa isang momento. Nagkatitigan silang lahat, lumalakas ang tibok ng puso nila. Pagkatapos nun ay nagtapikan na silang ng mga balikat.

"Guys, t-think positive. Kaya ni Ji Hoon iyan, matapang siya diba?"

Ngumiti lang ng malungkot silang lahat kasabay nang  pagbukas ng pinto ng emergency room at paglabas nang doctor nito.

Kinausap muna nito ang manager.

"Evening, Manager of BTS. His condition is not so dangerous, hindi na siya critical unlike kanina dahil naghalo-halo ang nararamdaman niya at ang mga senses niya ay nawawala sa trabaho. Ang masasabi ko lang po that for 1 month, hindi siya masyadong lalapit ng sobrang lapit sa mga electronics. But pwede naman siyang gumamit and also, kumain din sana siya ng vegetables. It will only took 2 hours para sa tulog niya then you can talk to him"

"Thank you po"

Isang relief ang natanggap ng BTS pagkatapos nilang malaman na hindi ganun katindi ang sitwasyon ng myembro nila.

Pero sa isang gilid, ang taong pinagpapawisan kanina dahil sa kondisyon ng ka-member niya ay sumaya,naging comfortable.
Sobra.

××××

End of Chapter 9

Dramang-drama ba? Sino kaya yung member ng BTS na pinagpapawisan at kinakabahan ng triple times?

Thanks for reading!

The 8th MemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon