3rd Chapter {Shooting}

40 7 0
                                    

3rd Chapter

{Shooting}

××××

Yong Ri/ Ji Hoon's Pov

Nagsho-shoot kami ng music video para doon sa kanta na ni-record namin. Nagulat lang kaming lahat kasi hindi namin alam na magsho-shoot, biglaan ang dating. Madaling araw palang naman ngayon kaya malamig, lahat kami nakabalot ng kumot at nakatingin sa isa't isa. Parang mga tanga na nagtititigan.

Ang lamig talaga, namumutla ata ako. Kaya kumuha ako ng coffee at isang bread. Kumain muna ako, hindi ko alam kung bakit nakatingin lang sila sa isang tabi. Yung iba natutulog na pala, ang tatahimik rin pala ng mga ito hindi katulad ng kapag nasa tv sila.

Nang biglang may tumapat na camera sa akin, ito na yung alam ko na ginagawa nila.

"Ji Hoon here, wala sila sa sarili nila. Akin na yung camera" bulong ko sa camera sabay kuha nito at tinapat sa BTS Members.

Una kong pinuntahan is yung katabi ko, V. Tulog siya tapos biglang tinakpan yung camera. Tumawa siya at nagsalita.

"Ji Hoon-ah, stop haha" mahina niyang sabi, kaya tinapat ko naman yung camera kay J-hope hyung. Nakatulala lang siya sa kawala ng mapansin niya yung camera, tumingin siya sa camera at nag peace sign. Then tingin ulit sa kawalan.

Next kong tinapat ang camera kay Jin hyung na tulog tapos yung ulo niya pagalaw galaw. Natawa ako ng mahina, ang kulit nito matulog. Hindi siya nagising kaya hinipan ko yung leeg niya ng malayo, nagising siya tapos tumawa at ginulo yung buhok ko sabay tulog ulit

Nang itapat ko kay Suga yung camera, kung ano-anong ways na yung ginawa ko para magising siya kaso wala eh. Tulog pa rin siya, kahit anong gawin ko. So yun, ng itatapat ko na kay Jimin hyung yung camera biglang nagsalita si Suga hyung.

"Akala mo, magigising mo ko ng ganun kadali" tinapat ko na sa kanya yung camera pero nakatalukbong na siya.

Kaya pagtingin ko kay Jimin, nagulat ako. Nakatingin kasi siya sa akin directly tapos nakangiti.

"Oh!" Sigaw ko kasi nga nagulat ako.

"Jimin hyung, bakit mo naman ginawa iyon?"

"Haha, nakakatakot ba mukha ko para magulat ka?"

"Hindi, kasi nga.. nagulat ako" kaya ginulo niya nalang ulit buhok ko. Next kong tinapat ang camera ko sa dalawang taong magkatabi tapos natutulog. Si Rapmon at si Jungkook.

Tinapat ko lang ang camera sa kanila sabay..

"Haa!" Sigaw ko sa kanila na bigla nilang kinagising. Tumingin lang sila sa camera sabay facepalm at tumawa ng mahina. Tapos balik ulit sa tulog.

Binalik ko na sa cameraman yung camera at nung itapat niya sa akin ay nagtaas ako ng kilay na parang lalaki tapos upo ulit sa upuan.

×××

Pagkatapos magpahinga, magsho-shoot na kami. Mauuna yung sayaw, tapos pangalawa yung close up then pangatlo na yung mga scenes. Na-practice na namin ang sayaw, handa na ang make up namin at nakabihis na rin kami.

"Rolling camera...Start!" Sigaw ng director at lahat kami ay nagabang sa music.

Nang biglang tumugtog na ang music at lahat kami ay sumayaw sa tugtog. Maangas na tingin ang binibigay ko sa camera at mga malalambot na sayaw ang nakikita ngayon.

Dumating ang rap part ni J-hope at tumapat siya sa camera na nagli-lip sync. Focus naman kaming lahat sa pagsasayaw, nakikita ko sa peripheral vision ko ang mga camera at ang mga tumatapat sa camera.

Nang sumiklab ang chorus ay tumalon ako sa mula sa likod hanggang sa harap. Tapos ni-lip sync naming lahat ang chorus, ang sama ng aur ngayon. Ang astig ng nararamdaman ko.

"Cut! Please prepare for the next scene" sabi ng director sa amin.

"You did well, BTS" sabi ni Manager at nagka-ngitian lang kami.

Pumunta na kami sa make-up room, prine-pare na ang make up at pagkatapos nun ay lumabas na kami na mukhang fresh ulit.

"So this scene, magpapakita kayo ng abs. Para ma first rank ulit tayo" sabi ng director at ni manager.

Abs..

Abs...

ABS?!

WALA AKONG ABS! UMMA! PAANO NA ITO?! ANONG GAGAWIN KO?! SAAN AKO MAKAKAKUHA NG ABS?! SA DIVISORIA GANUN?! SAAN?! NAGPAPANIC NA AKO DEEP INSIDE!???!!

"Ji Hoon may abs ka naman diba?" Sabi ni manager at hindi ko alam kung bakit ako napatango. Shems!

"Okay, 10 seconds to prepare everything!" Sabi ni direct at dumiretso ako sa make-up room. Pagpasok ko ay nilock ko ang pinto at nagiikot sa loob. Anong gagawin ko?

Kung saan saan na ako napatingin at natataranta na ako. Napantingin ang mata ko sa isang chocolate, kinuha ko iyon at pagbukas ko nun. Medyo tunaw na.

Pumasok akong banyo at 5 seconds nalang ang natitira.

5...

"JI HOON!"
Pinahid ko ang chocolate sa tyan ko. Grabe, marunong naman pala ako gumawa ng fake abs

4...

Nilagyan ko ng konting tubig at nag mixture pero mukhang totoo iyon

3..

Ginawa ko pang more realistic..

"JI HOON!! DALIAN MO!! ANO BANG GINAGAWA MO DYAN?"

2...

Lumabas na ako ng make-up room na walang pawis. Lahat sila nakatingin sa akin..

Mission accomplished! Galing mo talaga Ji Hoon! Ay este! Yong Ri!

"Sorry po, Direct. Sorry po, Manager" sabi ko at nag bow ng mabilis. Pumwesto na ako at may kumalabit sa likod ko.

"Bakit ka nagtagal sa make-up room?" Tanong sa akin ni Jimin.

Lumaki ang mata ko..

Anong excuse ang sasabihin ko? Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya ng....

"Rolling Camera...start!" 

Isang maangas na tugtog ang sumabay sa sayaw namin at alam kong rap part ko na kaya lumapit ako sa camera at nag-lip sync.

Lahat kami ay sumasabay sa rhythm.

×××

Pagkatapos ng shooting ay nasa van na kami at pauwi na sa dorm. Chineck ko ang twitter ng BTS or namin, meron na pala kaming photo para sa album namin na Flame..

{A/N: Sorry kung cheap ang album name}

Lahat kami ay nakasandal at nagpapahinga. Pagod na pagod na rin kaming lahat.

"May earphones ka ba, Jiji" sabi sa akin ni V. Jiji? Nickname?

"Anong jiji?" Tanong ko sa kanya, ginulo niya ang buhok ko at ngumiti.

"Nickname mo, cute diba?" Sabi niya sabay ngiti ulit at sandal sa upuan. Nakalimutan niya yung earphones.

After a few minutes later..

Napantingin ako sa BTS at lahat sila tulog na. Ang aamo ng mukha nila, naaawa ako sa kanila. Pinaglalaruan ko sila, niloloko na parang mga bata...

Nang makarating na kami sa dorm ay nagpahinga na kami sa kanya-kanyang kwarto.

What a day..

×××

End of Chapter 3

Sa susunod na chapters, jolly na ang BTS. Just wait guys!

The 8th MemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon