14th Chapter

41 4 5
                                    

14th Chapter

××

Yong Ri/ Ji Hoon's Pov

"KYAAAH!!~ Ang swerte swerte mo Riri, nangyari talaga iyon sayo?" Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

Niyugyog niya ako at kulang nalang patayin ako eh, kilig na kilig. Mahihimatay siya kapag siya nasa pwesto ko, tsk tsk.

Ang tagal na nga naming naguusap dito eh, mga malapit na mag-12 kaya napagdesisyunan kong pauwiin na siya.

"Sangyoo, uwi ka na. Magmi-midnight na eh, pero silipin mo muna kung may tao sa labas ah. Pagod na rin kasi ako eh"

Tumayo nalang siya at nagyakapan kami, then nag wave sa isa't isa.

××

Sangyoo's Pov

GRABE!!!!!~♡♡ KINIKILIG TALAGA AKO, NAKAKAINGGIT TALAGA SI YONG RI DAPAT KASI AKO NALANG YUNG PINSAN NI NAMJOON EH.

Ang swerte swerte niya, pero medyo malas din at the same time. Pero swerte pa rin siya!

Sinilip ko kung may tao sa labas since pupunta na akong banyo at tatakas na ulit, nakita ko wala as in walang wala. Kaya nagtiptoe ako papunta sa banyo nang humawak sa kamay ko at hinatak ako.

Pagtingin ko, isang lalaking matangkad at nung makita ko yung mukha niya. Golls!! Si V! OMG PAANO AKO MAGREREACT!!?

Nag-react na pala ako, na corner niya ako sa isang pader pero mukha siyang beastmode. Tinitigan niya ako nang mabuti at nararamdaman kong umiinit ang pisngi ko, pero takot na takot ako sa kanya.

"Totoo ba? Na babae yung bagong member?" Paano iyan? Hindi na Jiji tawag niya. Tapos..NARINIG NIYA PA YUNG USAPAN? Nako, I'm sorry talaga Riri.

Napalunok ako nang laway at hindi ako makapagsalita kasi takot na takot sa kanya, hindi siya yung sinisigawan ko sa TV kapag kinikilig ako. Hindi siya yung masayahin na nakikita ko, hindi siya yung V na kilala ko.

In short, sa pagkakakita ko. Hindi siya si V, siya ay si Kim Taehyung

(A/N: I-gets  niyo nalang yung sinabi ni Sangyoo)

"Totoo ba?! Sabihin mo sa akin...Sangyoo" so Narinig niya talaga yung usapan? Lagot ako nito, anong gagawin ko? Anong gagawin ko kay Riri, wala siya dito.

"Sabihin mo sa akin o kung hindi...hahalikan kita"

Napaawang ang bibig ko, hindi pwede! Kahit bias ko siya hindi ko ibibigay first kiss ko no! Ibibigay ko iyon sa isang taong tapat sa akin hindi sa taong nasa tapat ko ngayon no.

Tinuhudan ko siya at tumakbo sa cr kung saan ako nanggaling, pero naka-lock. Good game ako nito!! Nung maramdaman kong magbukas, nakita ko si Seokjin na...

Putek!! TOPLESS!!

Hala! Nagpa-panic na ako!!! Sobra na akong nagpapanic...jdoxnejsjsjmss paano na ulit ito?

Tinitigan niya ako nang nagtataka niyang itsura kaya natulak ko siya dahil nga wala na ako sa pagiisip ko!! MAMA!!~ 

Pumasok agad ako sa banyo at tumakbo palabas sa bintana. Nag mukha tuloy akong magnanakaw kay Seokjin :3

××

Seokjin's Pov

Sumakit yung balikat ko dahil sa lakas nang tulak sa akin nung babae, sino ba yun? Ganda ganda na nga nang ligo ko sa banyo eh, tsk tsk. Napatingin naman ako kay V na nakahandusay sa lapag at nananakit ata ang part niyang iyon.

"Hyung, natuhudan ako. Ang sakit, tulungan mo ko" mabilis ko siyang inalalayan papunta sa isang kwarto at magpapahinga nalang siya doon.

Sabay umakyat si J-hope na mukhang nagtataka, lumapit siya sa akin at nagtanong.

"Hyung, ano yung sigawan narinig ko kanina?"

Sigawan?

"Ahh~ si V lang iyon, natuhudan kasi eh"  sabi ko sabay higa kay V sa kama at kumutan siya. Then tumambay kami ni J-hope sa sofa na nasa tabi nang kama niya.

"Tinuhudan mo?" Mabilis akong umiling, hinding hindi ko gagawin iyon at hindi ko kayang gawin iyon.

"Eh sino tumuhod sa kanya?" Medyo alalang tanong ni J-hope.

"Isang babae na tumulak sa akin" sabi ko habang tinitignan ang kuko ko.

"Huh? Paanong may nakapasok dito na babae? Hater ba?" Tumingin ako sa kanya nagtataka pa rin at siguro nga hater iyon.

"Oo ata, hindi ako sure eh. Tapos yung babaeng iyon dumaan sa bintana nang cr natin kaya nakatakas. Nagulat nga ako tinulak nalang ako eh"

Napatulala siya nang isang segundo at pagkatapos bumalik na sa realidad.

"Sabihin kaya natin kay Manager" suggest niya pero umiling ako, hindi dahil sa maganda yung babae kundi dahil stress na rin yung monster na iyon.

"Hayaan mo na, minor injury lang iyan" sabi ko sa kanya at aalis na dapat kami sa kwarto nang..

"Hyungs, pakisabi nalang itong sasabihin ko ah. Pakisabi sa mga members.."

"Ano yun?"

×××

Morning..

Yong Ri/Ji Hoon's Pov

Fresh na fresh akong gumising dahil ang ganda nang tulog ko, nakapag- GIRL TALK kasi ako at personal iyon. Siguro ganun din si Sangyoo, wala eh, tagal naming hindi nagkita.

Bumangon ako at tinignan ang paligid ko, nakakapagtaka. Late ako nagising? First time ah, nagulat ako nang nakakalat ang maleta ko kung nasaan ang mga damit ko na pambabae, nakita kaya nila ito?

Patay ako nun panigurado, tinago ko nalang yun at pumunta sa cr, ginawa ko lang ang morning rituals ko  at bumaba na sa baba. 

Pagbaba ko, nagula ako kasi silang lahat nakatitig sa akin at nakaupo sa sofa. Tinignan ko ang sarili ko, may dumi ba ako?

Lahat sila seryoso, lahat walang emosyon. Bakit? Ano ba nangyari? Bakit ganyan sila makatitig?

Ay, Oo nga pala. Hindi pa ako nakakabati nang good morning.

"Good Morning" sabi ko at ngumiti then pumunta na ako sa table para tignan kung may pagkain na pero wala pa. As in walang nakapatong sa dining table.

Tumingin ulit ako sa kanila at nakatitig pa rin sila sa akin, ang weird nang BTS ngayon ah. Ano ba nangyari? Birthday ko ba? Wala akong clue.

Nabigla ako nang lumapit si Jimin sa akin nang walang emosyon at hinawakan niya ako sa kamay sabay hatak nang mahina papunta sa sofa.

Napaupo ako sa tabi niya.. okay..ano ba talaga nangyayari? May iba ba sakin? Galit ba sila kasi hindi ako nagising ng maaga.

"Sorry kung hindi ako nagising nang maaga ah, or kung hindi ko kayo napagluto agad :3 Sorry~"

Nagulat ako pero hindi dahil sa wala pa rin silang reaction, pero dahil sa walang umiimik.

Naramdaman ko ang kamay ni Jimin sa wig ko at tinanggal niya iyon. Nanigas ako nang maramdaman kong lumaylay ang buhok ko sa balikat ko.

Pero lalo pa akong nanigas nung nagsalita siya.

"Welcome here, Yong Ri"

A-alam na nila?!

××××

Done! Hala paano iyan? Alam na nang BTS na babae si Yong Ri, patay na siya! Pakisabi nalang kung may correction, thanks for reading!

Yong Ri on multimedia, ayan yung itsura niya nung lumaylay ang buhok niya okay?







The 8th MemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon