5th Chapter
{J-hope and doubt}
×××
Yong Ri/ Ji Hoon's Pov
"Jiji, Jiji! Gising!"
Niyugyog ako ng niyugyog ni Rapmon hanggang sa nagising ako ng FULL, pag dilat ko bingyan ko siya ng bored look. Nakiki-Jiji na rin ito ah.
"Ano yun?"
"Si J-hope, tulungan mo kami"
Nataranta ako bigla at bumangon. Ano yung nangyari kay J-hope?
"Ano nangyari sa kanya?!"
"Nasa baba siya, dalian nalang natin"
Tumayo ako sa kama, buti nalang panglalaking attire pa rin ako. Nagmadali kaming bumaba at pagbaba namin, lahat sila kumikilos na.
Tinignan ko kung nasaan si J-hope at nang makita ko siya, nagulat ako. Grabe, paano siya nagkaganyan?
"Paano siya naging ganyan?" Tanong ko sa kanila
"Basta paggising naming dalawa ni V nakita ko nalang siya dyan" sabi ni Suga at nakita kong nililinis na ni Jin yung kalat.
Hinipo ko si J-hope sa leeg at sa noo, ang init niya. May lagnat itong lalaking ito, tsk tsk.
"Namjoon and Jimin Hyung, tulungan niyo nalang akong buhatin si J-hope sa taas. Jungkook and Jin hyung, pakihanda nalang ang mga medicines, ikaw V and Suga hyung pakiayos nalang ng kalat. Ako na bahala dito" sabi ko at sinunod naman nila.
Naku naman J-hope, nagkalagnat ka pa.
×××
Dinala na sa akin ni Jin ang isang maligamgam na tubig at isang panyo.
"Thanks Jin hyung" sabi ko at isinawsaw ang panyo sa maligamgam na tubig, piniga ko iyon para medyo matuyo at pinunasan ko ng dahan dahan si J-hope, ang init niya talaga eh.
Habang pinupunasan ko siya, dinilat niya bigla ang mata niya at tumingin sa paligid niya
"Jiji, ang init. Paki-bukas nalang ng fan" mahinang sabi niya kaya binuksan ko ang fan, hindi masyadong malakas ang hangin at hindi rin naman masyadong mahina para hindi siya pagpawisan.
"J-hope hyung, bangon ka muna" inalalayan ko siyang bumangon at napapikit nalang siya. Nakakaawa naman, kinapa-kapa ko ang likod niya at basang-basa iyon ng pawis.
Kailangan niya na magpalit ng damit."J-hope hyung, kaya mo ba *gulp* magbihis magisa?" Tanong ko sa kanya at napahiga naman siya sa kama at umiling-iling.
"Nanghihina talaga ako, Jiji eh. Bihisan mo nalang ako kahit pang-itaas lang"
Okay, hindi ko kailangan mag-panic..
.
.
.
KASI PANIC NA PANIC NA AKO!!!!"Iinom muna akong tubig, n-nauuhaw ako eh"sabi ko at lumabas ng kwarto, ayoko namang tumanggi. Mapaghahalataan na eh.
*inhale..exhale*
*inhale..exhale*
*inhale..exhale*
*inhale..exhale*
Okay, Yong Ri, kaya mo iyan. Bibihisan mo lang siya at..
MAKIKITA MO ABS NIYA *O*...
BAD! Bad Yong Ri, dapat hindi ka nagiisip ng ganyan. Para akong baliw dito na kinakausap ang utak ko.
Pumasok na ako sa loob at ubo ng ubo si J-hope. Pinainom ko naman siya ng tubig at lumapit na ako sa closet niya. Kumuha ako ng isang t-shirt na comfortable at isang shorts, siya magsusuot ng shorts ha! Hindi ako..
BINABASA MO ANG
The 8th Member
FanfictionWill she succeed being the 8th Member? Can she control her feelings for them? Or Let things turn around and accept the consequences?