12th Chapter

42 4 0
                                    

12th Chapter

××××

Yong Ri/ Ji Hoon's Pov

Ang init!!~

Ugh! Nandito ako sa kotse, kasi ayoko magpa-massage. Lalo na Male Massage chu chu itong pinuntahan namin, mabuking pa ako. Ang init talaga, bigla kasing namatay yung aircon nung mga kalahating oras na ako dito kaya nagpapakahirap ako dito.

Paypay ako nang paypay sa mukha ko gamit yung kamay ko pero wala namang hanging lumalabas, jusko po! Ano ba itong pinasok ko sa buhay ko...

Napa-pout nalang ako, wala pa yung cellphone ko. Lowbat! Ang malas ko naman, samantalang sila nandoon nagpapakasarap. Samantalang sila...ugh!

Tulo na ng tulo ang pawis ko dito, basang basa na ata damit ko eh. Kung magtataka kayo, umaga ngayon dahil napagdesisyunan nilang ipagpabukas or ipagpangayon yung massage idea. Si Hoseok kasi eh! Masyado siyang madaming alam..

If I know, nagkakatuwaan na silang lahat doon. Lahat sila nakangiti doon tapos may mga..babaeng nagma-massage sa kanila. Yung mga babaeng iyon siguro nagsasaya na kasi idols yung minamasahe nila, siguro feel na feel nila yung paglalagay nang kamay nila sa balat nang mga iyon.

Bumuga lang ako nang usok sa mula sa ilong, naasar ako. Mga babaeng iyon, sulitin na nila yung moment nila. Naasar lang ako, hindi dahil sa may kung ano ano na naman dyan ah, naasar lang siguro ako kasi may period ako.

Napasandal ako at ni-relax ang sarili ko, binuksan ko pa rin yung aircon pero walang hangin na lumabas. Badtrip na aircon iyan hindi pa nakisali, binato ko nang unan yung aircon.

"Letche kang aircon ka!"

Kinalma ko lang ulit yung sarili ko, grabe...grabe..grabe.. kumalma ka Yong Ri. Napasandal lang ulit ako at back to pamaypay mode.

Ano bang masarap sa massage? Massage..massage..massage.

"MASSAGE!!!" Napabangon ako sa upuan ko at nauntog sa itaas. Hinawakan ko lang ang ulo ko at hinmas himas iyon.

MASSAGE!! Ibig sabihin hinihipo nung mga babae sila..hindi pwede iyon. Dapat hindi tulog yung mga yun, dapat HINDI!!

Lumabas ako sa kotse, nilock ko iyon at sumugod sa loob, dumiretso ako sa front desk at napansin nang babae yung itsura ko.

"Good Morning sir. Magpapa-massage po ba kayo?"

"Hindi, nasaan yung BTS?"

Feeling ko natataranta yung babae, akala niya beast mode ako. Hindi ako beast mode, concern citizen lang ako. Tinignan nung babae yung isang book at muling humarap sa akin.

"Last floor po, pinakadulong room. Ito po yung card para makapasok kayo"

Nagbigay siya sa akin nang card at kinuha ko lang iyon nang maramdaman kong may mga nakatingin sa akin. Lumingon ako sa pinto at laking gulat ko mga fans pala iyon. Nakalimutan ko Ji Hoon pala peg ko ngayon!!

"Ji Hoon oppa!!~"

"Selca po tayo"

"Oppa!!~"

"Autograph naman po!!~"

Ang daming camerang nakatapat sa akin ngayon, deads ako ngayon. Lalo na hindi ko kasama yung mga members! Ngumiti lang ako saglit at nagulat ako nang mapaligiran na nila ako kaya nabitawan ko yung card.

Patay! Alam na nila kung nasaan ang BTS ngayon! Lagot kami kay Manager!!~ dapat pala hindi na kami tumakas..

Sumiksik lang ako nang palihim at lumabas sa kumpulan nang mga babaeng iyon, bumalik ako sa kotse at nagtaka ako kung bakit nakabukas. May nakapasok ba?

The 8th MemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon