2nd Chapter
{Recording Session}
Author's Note: Waah!~ First time ko gumawa ng ganito sa BTS sorry kung hindi ko mabigyan ng funny scenario ito. Medyo serious kasi ito eh. Tapos yun na nga, continue.
×××
Yong Ri/Ji Hoon's Pov
3 months later..
Pagkatapos ng 3 months, maayos naman ang pamumuhay ko. Ka-close ko na ang BTS, I wonder kung bakit hindi sila nagtataka. Mukha ba talaga akong lalaki?( =___=)
Bangag at bloated ang itsura ko, nakita ko sa salamin ng banyo. Ugh! Nakakatamad maligo lalo na kung malamig ang panahon. To tell you, hindi ko alam kung bakit ang lamig dito samantalang wala pang december.
Nagsimula na akong maghubad ng damit at buksan ang tubig sa banyo. Tinantsya ko tapos sobrang lamig, bumagsak nalang ang balikat ko at sinipa ang pader sa gilid ko. Nang napatingin ako sa damit ko..
\( O.O)/
(T.T)
Meron akong period!! Umma! Tapos nasa labas pa ang napkin ko. Wala akong ibang magagawa kundi suotin ulit ang damit ko except sa panty ko, yuck naman kung susuotin ko ulit.
Sinuot ko na ang damit ko at lumabas ng banyo, buti tulog pa rin sila. Binuksan ko ang isang secret pocket sa maleta ko at kumuha nang napkin at pabalik na ako sa loob ng banyo ng makita ko na papunta si Jungkook sa loob.
Ahejdjfj!!!!
"Yah! Jungkook-ah, wag ka munang pumunta sa loob"
Ay shems! Bakit ko siya pinigilan? Nakapangbabae pa naman akong style ngayon. Kaya nung nakita kong dinidilat niya na ang mata niya, pumasok agad ako sa banyo at ni-lock ang pinto.
Nagsimula na rin akong maligo. Pagkatapos ng mga ewan-ewan chu chu ko, mukha nanaman akong lalaki. Muntikan na talaga ako dun. Bumaba ako ng hagdan at ang nakakagulat lahat sila kumikilos na sobrang bilis. Walang naguusap, anong meron sa mga ito? May gulo ba?
"Ji Hoon, magbihis ka na. Magre-record na tayo ng comeback song maya-maya" sabi ni Rapmon..hyung. Okay hyung, fine. Pinsan.
"Eh ikaw Namjoon hyung? Bakit hindi pa kayo nakabihis? Bakit ako lang pinagbibihis niyo?"
"Mabagal ka daw kasi kumilos haha" Sariling joke, sariling tawa. As usual, si Jimin iyon. Umagang-umaga, hyper na hyper eh.
"Basta magbihis ka nalang, kami na bahala" ang sabi ni Suga...hyung or what? Hanggang ngayon hindi ako sanay na hyung itatawag ko.
Umakyat nalang ako sa taas at ano nga bang susuotin ko? Hindi kasi ako marunong sa men fashion, kaya isang black t-shirt, maong shorts at white na cap.
Isang shoes nalang din. Madali rin palang maging lalaki kung literal na lalaki ka pero kung hindi. Edi hindi.
Malayo pa naman ata ang oras eh. Bumaba nalang ulit ako sa baba at naglinis na rin, pinggan nalang ang huhugasan ko.
Nang matapos na ako ay nilinis ko ang kamay ko at namahinga muna sa sofa. Bumaba na ang ibang members pero iyong iba hindi pa, lahat sila simple lang ang suot katulad ng akin.
Nang may pumasok sa dorm, si Manager.
"Ano? Let's go?"
Tumango nalang kaming lahat, magre-record nga pala kami ng kanta. God! Help!
Sumakay na kaming lahat sa kotse at pagkasakay na pagkasakay. May nag-play ng music, isang wild na music. As in, yung parang mapapasayaw ka sa kantang iyon.
BINABASA MO ANG
The 8th Member
FanfictionWill she succeed being the 8th Member? Can she control her feelings for them? Or Let things turn around and accept the consequences?