10th Chapter {Yoon Sanha}

58 5 1
                                    

10th Chapter

{Yoon Sanha}

×××

Yong Ri/ Ji Hoon's Pov

Dinilat ko ang mga mata ko at nakaramdam ng malambot na bagay sa kabila kong mata. Oo nga pala, nalagyan ako ng kung ano sa mata ko. Nakita kong natutulog ang mga members sa isang dulo samantalang lumapit sa akin si Manager. Hindi ko tuloy nakita silang lahat..

"Yong Ri, are you okay?"

Ngumiti lang ako ng konti at tumango, since tulog sila okay lang na tawagin akong Yong Ri. Mahina naman boses ni manager eh.

"Canceled na lahat ng activities mo, pero yung BTS yung mga solo activities nila hindi pa cancel. Sabi ng doctor, okay na daw yung mata mo and huwag ka daw munang lalapit ng sobrang lapit sa electronics for 1 month. Baka kasi mapano pa yung mata mo"

Lumapit si manager sa akin ng konti at sumilip para tignan ang BTS. Then binulong niya..

"Babae ka pa naman, mahina ang mga parts mo. Lalo na ang upper part, baka mabuking ka"

Tumango lang ako kay manager, wala pa akong ganang magsalita eh.

×××

Someone's Pov

Ano? Babae siya?! Paano ko mapipigilan itong nararamdaman ko ngayong tama na ang hinala ko, ngayong hindi na complicated ang mga nangyayari?

Bubulong nalang kasi ang lakas pa eh! Ugh! Sasabihin ko ba ito sa kanila o kakalimutan ko nalang? Aish! Kakalimutan ko nalang ata, baka masaktan lang sila. Pero, ngayong nakikinig ako sa labas ng pinto. Alam ko na hindi sila maniniwala sa akin.

Nasa labas pa naman ako.. hindi talaga sila makikinig sa akin.

××××

After 3 weeks..

Yong Ri/ Ji Hoon's Pov

"Yah! Akin na iyan, gutom pa ako eh!"

"Huh? Anong yah? Hyung mo ko, huwag mo kong maya-yah dyan. Yah-yah-in ko mukha mo eh"

"Hwaahh!! V! Ayoko niyan!"

"Hahabulin lang kita ng hahabulin hyung!"

"Manahimik kayo"

Okay, so sa lahat ng mga nagsalitang iyan. Wala ako dyan, at yung pinaka-last na nagsalita kilala niyo naman, tatay iyan na grandpa. Bakit kasi bawal maglaro sa dorm? Kahit luksong baka man lang isang beses lang namin nalaro.. dati..bago pa ako maging pirata dahil sa eye patch chu chu na ito.

Naglalaro lang ako ng puzzle dahil baka masita pa ako tsaka delikado itong mata ko. Yung iba, ang kukulit pa rin. Pero simula nung magka eye patch ako, hindi na ako nakatulog nang maayos sa gabi. Pasilip silip na rin ako sa mga kwarto nila kasi baka may nanonood sa akin.

Kaya ang lalim nang eyebags ko, tapos biglang nag-text si manager.

------

From: Manager

Yong Ri, pwede mo nang tanggalin ang eye patch mo pero huwag ka lalapit ng sobra sa electronics ah

-----

Napangiti ako nang malaman kong pwede nang tanggalin ang eye patch. Sa wakas! Hindi na ako mabubulag sa kabilang mata, dahan dahan kong tinanggal ang eye patch. Tumakbo ako papunta ng banyo at tinignan yung mata ko. Wala namang masyadong nagbago, namumula lang.

Pumunta ako sa kusina para kumuha nang tubig, puputi ata buhok ko nito eh. I need some fresh air, ang tagal na rin kasi since hindi ako nakakalanghap nang hangin. Pupunta nalang ako ng rooftop, na mukhang babae.

Freedom muna ang kailangan ko ngayon, kailangan ko nang kaibigan na makaka-intindi sa akin. Hindi bale, pag bumalik ako sa dorm, attire na panglalaki na ulit ako.

Nag iwan ako nang note sa ref at lumabas na nang dorm, sa rooftop ko nalang tatanggalin ang wig ko ngayon.

Pag labas ko nang dorm, napa-buntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit, siguro pagod lang ito. Hindi ko akalain na natitiis ng mga idol yung ganitong buhay..

Gumamit ako nang elevator papunta sa roof top at naghintay lang. Huwag naman nila sana muna akong hanapin, baka ma emergency na naman ako nito. Pag stop nang elevator sa rooftop, isang pinto lang ang nakita ko, which is yung pinaka main na are nang rooftop.

Kung saan ko pwede ilabas lahat, wala namang sigurong makakakita sa akin. Umupo ako sa isang bench at bumuntong hininga ulit.

Sinimulan ko nang tanggalin ang wig ko at ilagay iyon sa bag ko. Muli kong naramdaman na lumaylay ang buhok, hinawakan ko iyon at sinuklay suklay gamit ang kamay.

"Babae na naman ako..sa wakas"

Tinignan ko ang sarili ko sa isang tubig, hindi na naman pala masyadong namumula ang mata ko.

"Sino ka?"

Nagulantang ako sa isang boses, tinignan ko kung nasaan nanggaling iyon. Isang lalaki ang nakita ko, meron siyang itim na buhok tapos maputing balat.

"Ako si Yong Ri, taga dito"

"Idol ka ba?"

"Mapagkakatiwalaan ka ba?"

"Oo, by the way. Yoon Sanha"

Nag bow siya sa akin at ganun lang din ako. Umupo kaming dalawa sa bench.

"Coke, gusto mo?"

Sabi niya sabay abot ng can ng coke. Ngumiti lang ako at kinuha iyon. Mabait rin pala ito kahit papaano.

"Thanks"

"Go on, magsalita ka na. I keep secrets"

Bumuntong hininga nalang ako at nagsimula nang magsalita. Sana hindi ko pagsisihan itong gagawin ko.

"Nagpapanggap akong lalaki, para sa pinsan ko. BTS member kasi siya, at may malubha siyang sakit. Kailangan ko siya bantayan nang hindi niya alam, ngayon, I'm so confused.. nahihirapan na ako magpanggap. Nasasakal na rin ako, gusto ko nang may nakakausap na kaibigan. Yung makakaintindi sa akin"

Nakatingin lang ako sa malayo habang nagke-kwento sa kanya, then tinapik niya yung balikat ko.

"Wala ka bang kaibigan? Loner?"

Sumipsip lang ako nang konting coke at nagsalita ulit.

"Meron naman, pero hindi ko siya kayang sandalan. Hindinko kayang umiyak sa tabi niya. OA ako tignan pero depress na depress na ako kahit masaya yung mga kasama ko. Ngayon ko lang mararamdaman na babae ulit ako, ngayong momentong ito"

Nagsimula na naman akong magluha, If I can turn back time. Sana pala hindi ko na ito ginawa.

"Okay lang iyan, you can cry. Cry a lot, pero i promise mo sa sarili mo na..last mo na iyan"

Inabutan niya ako nang panyo at umiyak lang ako nang umiyak dun. Buti nalang naiintindihan niya ako, naramdaman kong lalo pa siyang lumapit sa akin at hinagod hagod ang likod ko.

"Huwag ka nang iiyak ulit, huwag mo nang is-stress ang sarili mo. Maganda ka pa naman"

"Salamat, Sanha"

"You're welcome, by the way. Let's meet again if you're free, tinatawag na ako nang girlfriend ko."

Tumango lang ako, kahit short time lang yun. Okay na ako, atleast may nakinig sa side ko. Ngayon, magta-transform na naman ako sa ibang itsura.

××××

Guys. Astro Yoon Sanha on multimedia, isa iyan sa mga bago konh bias pero wala ako pinagpapalit ah. Sa next chapter nga pala, hindi ko na lalagyag ng mga ganito "{}" medyo spoiler kasi eh.

Love chu~










The 8th MemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon