6th Chapter {Apology Accepted}

33 6 0
                                    

6th Chapter

{Apology Accepted}

×××

Suga's Pov

Nang matapos na ang sakit ni J-hope, kung aasahan niyo na nabuhay na naman ang atmosphere sa dorm. Actually, hindi nangyari iyon, ang cold ni Ji Hoon. Mas tahimik pa siya sa akin, simula nung tinanong namin siya.

Na-konsensya tuloy ako bigla, hindi ko alam kung bakit ako nakokonsensya sa isang simpleng away. Ang alam ko lang, nakokonsensya ako sa nangyari. Tapos ang usapan.

Habang kumakain kami sa lamesa, walang imikan ang nangyayari. Walang masaya ngayon, pare-parehas lang kami ng nararamdaman. Kahit si Namjoon, ganun din.

Umalis na sa upuan si Ji Hoon at niligpit ang pinagkainan niya, imbis na dumiretso sa living room na lagi niyang ginagawa. Dumiretso siya papuntang hagdan at umakyat.

Hindi ako sanay kahit lagi akong tahimik, hindi parin iyon ang nakasanayan ko. Nang may tumawag sa telepono, sinagot ko na iyon

"Yeoboseyo?"

"{This is your manager, magkakaroon kayo ng guesting from shows. For the 3rd time, pupunta kayo sa weekly idol}"

"What time?"

"{Around..7:00 pm}"

"What about Ji Hoon? Ang cold niya na ngayon eh"

"{Away ba?}"

Kilalang kilala talaga kami ni manager. Nagbuntong hininga ako at sumagot sa telepono.

"Oo, paano na ba iyan?"

"{I'll be the one na kakausap sa kanya. This time, this day. Walang dapat makakasira ng image niyo. Call him}"

"Arrasseo"

Sabi ko sabay lagay ng telepono sa lamesa na kalapit nito at umakyat na sa taas. Kumatok ako sa kwarto ni Ji Hoon at pumasok. Kinabahan tuloy ako bigla, bakit ba iba ang effect ng new member na ito?

Lumapit ako sa kanya at hindi ko alam kung anong ire-react ko. Bahala na..

"Tinatawag ka ni Manager sa phone" sabi ko sa kanya na parang walang nangyare. Palabas na sana ako ng kwarto ng biglang..

"Hyung...hindi ka man lang ba hihingi ng sorry?"

Napalunok ako ng laway ng marinig ko ang boses niya, humarap ako sa kanya. Nag-titigan lang kami na parang mga tanga, nagbabasahan ng expression.

Nag-pout siya ng konti at lalong naging serious ang mukha ko.

"Hyung naman eh..manly ako pero napapa-pout ako sayo eh. Mag sorry ka na kasi, kahit sorry lang na may damdamin. Matatanggap ko na ang ginawa niyo. Please hyung?"

Hindi ako mapakali sa nararamdaman ko ngayon, kaya lumabas lang ako ng kwarto niya at nagtago sa isang sulok. Nakahinga na ako ng maluwag, pagkatapos nun. Narinig kong bumababa na siya, what a scene.

×××

Yong Ri/Ji Hoon's Pov

Ugh, wala talaga akong maaasahan kay Suga. Suga is Suga, sumama (sama) tuloy ang pakiramdam ko. Sorry lang naman eh, bakit nga ba ako hihingi ng sorry? Aish!

Dumiretso ako sa telepono at nilagay iyon sa tenga ko.

"Manager"

"{Yong Ri, what took you so long?}"

"That's my own business"

Yong Ri! Bad! Bakit ko ba nasasabi itong mga ganitong bagay?

"{Alright, sana naman ay ilabas mo lang yung fake side mo muna sa ngayon. I mean, pretend that nothing happened. Na walang away, na magkakasundo kayo ng mga members. Don't ruin there image}"

Magpapanggap? Pagpapanggapin nila ako nang hindi man lang inaalam kung anong...bahala na nga. Sasagot sana ako ng unahan niya ako.

"{Don't ruin your cousin's image}"

Natigilan ako, tumigil ang mundo ko. Bakit ba hindi ko naisip na may pinsan ako dito? Bakit ko nga ba hindi naisip na sa cold na expression ko, baka bumaba na naman ang ratings nila?

Stupid Yong Ri, >_

"Arrasseo"

Pagkatapos ng usapan namin ni manager ay binaba ko na ang phone at umakyat na sa taas. Pumunta lang ako sa loob ng kwarto at humiga na naman sa kama, hay~

Hanggang kailan ko ba silang kayang tiisin? Papatagalin ko ba yung away?

×××

After 5 hours..

Tinignan ko na ang sarili ko sa salamin, mukha naman akong manly. Haha, kahit girly ako. Pero nanlulumo talaga ako eh, kaya ko bang ilabas ang fake side ko? Fake side na nga ang pagtatampo ko eh, fake side pa yung ipapakita ko Weekly Idol?
Omo!! Nagmumukha akong pabebe dito eh, naman eh. Nag-simula na akong bumaba at nakita kong wala namang mga members kaya inunahan ko na sila sa sala. Umupo ako sa sofa at nagkunyaring natutulog para pag may bumaba ay walang makikipagusap sa akin.

Ilang seconds pa lang ay natataranta ako, parang may nanonood sa akin. Kaya tinry ko idilat ang mata ko at bumulagta sa akin ang mga mukha nila.

"AAAAHH!~" Sigaw ko ng malakas at nagtakip ng unan sa mukha, nakakagulat hindi nakakatakot.

Pinalo-palo nila ako at tinapik tapik.

"Mianhae"

"Mianhaeyo Jiji/ Jiji hyung"

"Alam mo, Ji Hoon. Kapag tinatanong ka namin, hindi ka dapat maapektuhan. Mas matured pa tuloy tignan sayo si Jeon Jungkookie" sabi sa akin ni Suga at ginulo ang buhok ko kaya nakigaya na rin yung ibang members.

"Nag-enjoy naman kayo guluhin yung buhok ko no?" Sabi ko at inayos ito. Ugh, back to normal. Medyo awkward.

Nang may pumasok sa pinto, si Manager na hawak hawak ang susi ng kotse.

"Let's go" sabi niya at nagsisunuran nalang kami. Nang may kumalabit sa akin, pagtingin ko si J-hope. Nakangiti siya sa akin sabay akbay at..

"Thank you sa inyo ni Jin at ng iba pang members ah, inalagaan niyo ko. Hehe"

"Hyung, ang mga pogi ganun ang trabaho" sabi ko at kunyaring nagpapapogi. Binatukan niya nalang ako ng mahina.

Nang makasakay na kami sa kotse ay nagukat ako sa kaba. Kinabahan ako bigla, haharap na ako sa tv, haharap na ako sa mundo. Shemay!! Ugh! Kinakabahan talaga ako, ganito pala maging idol. Mahirap pala maging idol, hindi ko alam kung paano nila natitiis ito?

Nagsimula ng umandar ang kotse at nagusap kami ng dalawang 97 liner, si Jungkook the golden maknae.

"Jungkookie, kinakabahan ako"

"Okay lang iyan, hyung. Ako nga kinakabahan pa rin eh, kasi kailangan medyo i-fake yung ugali mo"

"Nakakabakla itong kaba ko, tae!" Nakakatomboy itong pagpapanggap ko, hindi ko alam magaling pala ako manloko.

"Jiji hyung, ipapakita mo lang yung side mo na makakapang-attract sa girls" sumeryoso ang mukha ko nun, parang lesbian eh.

"Nakiki-jiji ka narin eh" sabi ko at sumandal nalang sa upuan.

××××








The 8th MemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon