Chapter 16

812 32 14
                                    

 

Habang naglalakad ako palayo kay Alexander ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Di ko alam pero parang naguluhan ako sa mga nangyayari. Nasasaktan ako ng sobra na nasasaktan siya, ang hirap naman ng ganitong sitwasyon!

  

"Hi Miss! Mukhang mag-isa ka ah. Sama ka na lang saken, papasayahin kita."sabi nung isang lalaking halatang lasing na, nakita ko siya kanina sa bar. Nakasuot pa siya ng uniform ng school na matatagpuan malapit sa WestVille.

 

"No, thanks!" sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Bigla na lang niyang hinila ang braso ko at pilit na pinaharap sa kanya. Tiningnan niya ako na para bang minamanyak niya ako sa isipan niya. Hindi naman ako makapalag kasi mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Pakipot ka pa Miss, sumama ka na lang kasi!" Kahit anong hatak ko sa kamay ko ay pilit niya akong hinihila sa lugar na di ko alam. Dinala niya ako sa isang eskinita na tanging ang namamatay-matay na poste ng ilaw lang ang nagbibigay-liwanag.

"Ayoko nga eh, bitaw na!" sigaw ko sa kanya. Pinilit kong magtapang-tapangan kahit sa loob-loob ko, nanghihina na ako sa takot.

"Ang ingay mo naman, dapat sayo pinapatahimik eh," napangiwi ako dahil sinampal niya ako. Pinilit kong manlaban, dinakma ko ang mukha niya at kinalmot. Sa sobrang asar nung lalaki, samahan pa na may sugat siyang nakapa dahil sa mahahaba kong kuko, sinuntok niya ako sa bandang tiyan ko. Wala na, parang naubos ang lakas ko.

Gustong gusto kong sumigaw, pero kasabay ng lakas ko, ay pinanawan na din ako ng boses. Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya at nagsimula na siyang halikan ang leeg ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang ginagawa niya 'yun. Nakakapangilabot. Nakakadiri. Nakakasuka. Nakakaiyak.

Biglang parang nagflashback lahat ng naganap sa buhay ko. Mamamatay na ba ako? Napangisi ako sa kakatwang isipin. Si Zyren Garcia, sa edad na 17. Mamamatay dahil na rape-slay. Naalala ko ang mama at papa ko, sina ate Joey at ang pamilya niya, si Adrian, Cheska at Alex,  ang school. Lahat-lahat.

Gusto kong pumalag kaso wala na akong lakas, nanghihina ako. Sinimulan  nya ng sirain ang damit ko. Takot na takot ako at walang ibang mgawa kundi ang umiyak.

"Mama. Papa," 'yun lang ang naibulalas ko habang tahimik na humihibi. Para akong baliw na pinupunas-punasan ang leeg ko. Diring-diri ako sa sarili ko. Napatigil naman sa ginagawa niya ang lalaki at bigla na lang bumagsak. Napaupo na lang ako sa sobrang takot at nakayuko habang tinatakpan ang sarili ko dahil gulagulanit na ang damit ko.

May tumutulong sa akin.

"Hayop kang lalaki ka, napakawalanghiya mo!" pinagsusuntok niya yung manyak na lalaki pero teka..

Kumaripas ng takbo 'yung manyak, lumapit si Alexander sa akin pagkatapos. Isinuot niya sa akin yung polo niya at niyakap niya ako ng mahigpit. Napayakap na rin ako sa kanya, Umiyak ako ng umiyak at doon ay naramdaman kong safe na ako.

"Ssshhh, tama na Sai. Wala na siya," pag-aalo pa niya sa akin. Bakas ang pag-aalala sa kanya. Ang tanging sagot lang na nagawa ko ay ang yakapin siya ng mahigpit, "may masakit ba sayo? Uuwi na tayo ah," tumango ako bilang pagsang-ayon.

- Alexander's POV -

She fell asleep nung dinala ko siya sa kotse. Nang makarating kami sa bahay nila, binuhat ko na siya at hindi na nag-abala pang gisingin.

Since I was carrying her, I pressed the doorbell using my forehead. Yeah, it's weird but I can't put Zyren down.

"Ate Johanna, pakibukas po ng gate. Nandito po kame ni Sai," I said as she approached the gate.

"Sandali lang ah," she replied as she opened the date. "Alex? Anong ginawa mo kay Sai? Walanghiya ka, panagutan mo ang pinsan ko! Grabe ka! Did you? Did you? Waaaaaaaa!!" Dinukot niya ang cellphone sa bulsa niya at nag-umpisang mag-dial. Yata. "Ethan! Ethan! Pick up the phone!"

"Sssshh!! Wag ka ngang maingay, Ate Johanna! Baka magising si Sai, ang OA mo! Mamaya ko na i-eexplain ha. Akyat ko muna sana siya."

"Eh. Sorry naman!" Ang epic ng itsura niya. Ano namang iniisip niyang ginawa ko? Siyempre hindi ko pa gagawin yun sa kanya. Saka na lang. Next time. Tsk, erase that.

Ibinaba ko na si Sai sa kama niya. Iniwan ko muna siya kasama ni Ate Joey, para mapalitan ng damit. Pagkalabas ay inexplain ko kay Ate Joey ang nangyari. Nakiusap akong manatili sa kanila at pumayag naman siya.

"Basta kailangan bukas ang pinto," yun ang kondisyon niya.

  

Psssh. Paano ko.. Err. Nevermind.

Kinumutan ko na si Sai. Binantayan ko siya buong gabi habang hawak ko ng mahigpit ang kamay nya. This is what I really wanted to do. I wanna hold her hand and don't let go. Pero dahil sa akin napahamak pa siya. Ok na 'to, I will savor this moment kasi kinabukasan, paggising niya, isasampal lang sa akin ng mundo ang katotohanang boyfriend na niya ang bestfriend ko.

  

Sana ako na lang ulit, Sai. Im sorry.

 

For causing you pain.

Because of that stupid revenge for Jeremy. Because of being puzzled on my feelings towards Miszel. Because of the warning Kevin gave me.

"Don't fall for her."

 

 

Because of being a jerk.. an abnotic, as Zyren always name me.

Because of being afraid. Because of not trusting her words. Because of not trusting my feelings.

  

This is not the usual me but I found myself crying because of the fact that she don't love me. With that, I fell asleep still holding her hand tightly.

--- to be continued...

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon