Chapter 29

690 32 17
                                    

 

"We meet again," ginaya niya yung pagkakasabi ko kanina, kasama ng mala-demonyong ngiti niya. At that moment, nag-eemote ako kasi nga iniwan ako ni Alexander. Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin, wala ako sa mood magpa-rape. Seriously, ayoko na ng madramang buhay. Tinalikuran ko siya at humakbang pabalik sa bar.

"Uy," sabi pa niya sabay kalabit sa akin. Hindi ko alam kung nakailang kulbit na siya. Busy ako sa paghihintay na bumalik si Alexander. "Miss, gusto mo uminom?" This time ay nilingon ko na siya. Alam ko sa sarili ko na natatakot ako. Wala kasi si Alexander para tulungan ako, just in case maulit na naman 'yung dati. Wala ring kahit na sinong tao rito.

"Alam mo," I bravely faced him. "Pagkaganitong depressed ako, mas nagbu-boost 'yung fighting skills ko. And I think, mas malala pa ang makukuha mo kung patuloy mo pa akong kukulitin." Iniwan ko siya dun at tuluyang pumasok ako sa bar.

Binalikan ko 'yung table na iniwan ni Alexander. Kinuha ko 'yung bote ng alak na walang bawas. I know masama ang gagawin ko pero, baliw na nga siguro ako. I searched for a place to sit, ayoko kasi dun sa table na 'yun dahil maraming lalaki.

I chose to sit near the counter. I took a sip of the beer.

'Pwe! Ang pait naman nito. Paano nila nasisikmurang uminom ng ganito?' Tiningnan ko 'yung babaeng nasa tabi ko, mag-isa lang din siya. Straight niyang tinungga 'yung beer na hawak niya. Wow lang.

"You should drink that, straight." Tumingin siya sa akin at saka umalis. Napahiya naman ako kasi nakita niya palang tinititigan ko siya. Plus, nakita pa niya 'yung epic at trying hard kong paglalasing.

Before I knew it, naubos ko na 'yung isang bote ng beer. Yeah, straight pala dapat. Nung una, parang wala lang pero unti-unting umiinit 'yung part ng tiyan ko. And then I felt wobbly.

"Do you want anything ma'am?" lumapit sa akin 'yung kuya na nasa counter. Bartender 'ata siya dito.

"I want –" I paused as I searched for my cellphone. "Ayy, ayun pala! Ahihihi." Kinuha ko 'yung cellphone ko na nakapatong pala sa countertop. Kung anu-anong pinipindot ko pero lagi lang akong nagkakamali. So I decided to press speed dial 1. Lumitaw dun ang number ni Alexander along with his contact picture. "I want this guy back," I told him.

"Lasing na po 'ata kayo ma'am. Teka, hindi ba masyado ka pang bata para uminom?"

"I'm twenty," pagsisinungaling ko. "Kaya pwede na akong uminom, 'kay? Isa pa nga nito!" Tinaasan ko 'yung boses ko para kunwari mature na 'ko sa paningin niya. Napapailing na binigyan na lamang niya ako ng isa pang bote ng beer.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-inom ng pangalawang bote ng beer nang mapansin ko ulit 'yung babaeng katabi ko kanina. Nagpatong siya ng bills dun sa table kaya bigla ko na lang naalalang wala akong dalang extrang pera para bayaran 'yung ininom ko. Lagot na!

Umalis na lang kaya ako basta? Napatingin ako sa bandang pintuan at napansin ko 'yung mga nagrorondang bouncer. Sa tantiya ko, hindi ko kakayaning umalis lang dito ng basta.

Kinuha ko ang phone ko at napansing kakapatay lang ng backlight. Hay, nagloloko yata itong cellphone na ito. Nung tumayo ako, mas naramdaman ko ang pagkahilo. Dahan-dahan akong naglakad para maiwasan ko rin ang pagkatumba. Nilibot ko ng tingin 'yung bar. Nagsasayawan sila. Ang saya-saya nila.

Malapit na sana ako sa exit nung may humarang na bouncer. "Saan ka pupunta, miss?"

"Magpa-practice lang ako kuya ng 'Gimme gimme' ha? Babalik ako kaagad kasi baka kasi bumalik na 'yung boyfriend ko. Ito oh," nagspeed dial 1 ulit ako. "Hi Baby! I'm here at the bar. Fetch me here, please. Ayaw akong palabasin ni Kuya, kausapin mo nga!" sigaw ko sa kausap ko kasi medyo maingay. Ibinigay ko ang cellphone ko kay kuya para kausapin niya si Alexander.

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon