Chapter 30

689 33 10
                                    

 

"Bilib ako sa dami ng naniniwala sa love song, mga nagbubulag-bulagan at nag-iilusyon, mga pasimple na nagbabakasakaling abanger, waiting forever, di makaget-over." Sana po magkaroon ng batas para ipabitay 'yung mga bestfriend na sakit sa ulo. For sure, buena mano ako dun. Paulit-ulit na kasi niyang kinakanta 'yun. Maganda naman 'yung kanta e kaya lang alam ko namang pinapatamaan niya ako.

"Franchesca Fortes! Please lang. Wasak na 'yung eardrums ko! Itigil mo na 'yan. Daig ko pa ang na-LSS sa'yo e," saway ko sa kanya. Tumigil naman siya para kainin 'yung binili naming chicken sandwich kanina.

"Bumabalik pa rin ang ubod na kulit na damdamin, mahirap daw na mainlove baliw-baliwan na din. Hindi makayang tanggapin ang FINAL OFFER NA FRIENDSHIP. Wagas sa iyong isip ang WISH NA RELATIONSHIP." Mangiti-ngiti naman niyang itinuloy ang pagkanta. Talagang idiniin pa niya yung friendship thing. 'Yung totoo? Ang baboy niya! May laman pa 'yung bibig niya tapos kanta pa nang kanta, makapang-asar lang e.

"Painom nga!" mataray kong sabi sabay kinuha ko 'yung hot choco na iinumin niya sana. Asaran pala ang gusto mo, sige pagbibigyan kita.

"Well it's complicated now di niya lang masabi sa iyo na huwag ka nang umasa daw pero iyan lang ang totoo." Sa sobrang inis ko ay hinawakan ko ang palapulsuhan niya at itinapat sa bibig niya 'yung kamay niya na may hawak na sandwich.

"Kumain ka na lang kasi kung ayaw mong pati iyan kainin ko. Nabibingi na 'ko sayo," sabi ko sabay subsob sa lamesa. Effective 'yung pang-aasar niya. Shiz, friendzoned ako!

Tumigil naman si Cheska sa pagkanta pero maya-maya pa'y may narinig akong tumutunog..

♪♫ Oh no I should've known friendzoned

Ba't hindi ka crush ng crush mo?

Wish mo lang na mutual ang feelings niyo

Oh no there's more to life than love

Pag hindi ka crush ng crush mo

Life is fun but you just gotta find out how

 

Hanggang sa panaginip mo'y bitin pa rin ang istorya

Mahal mo siya ang twist pala mahal niya daw ay iba

Ang peg mo lang ay teleseryeng happy ending ang kwento

Pero papano why can't you just let go? ♫♪

Talagang hindi ako tinitigilan nitong si Cheska! Kinuha ko 'yung cellphone niya at itinapon ko sa basurahan. De joke, pinatay ko lang 'yung tugtog.

"Hoy, ano ba? Bastos nito, nakikinig 'yung tao dito e. Ang KJ mo talaga. Uso kaya 'tong kantang 'to. Ayan, chorus na.." Kinuha niya sa akin 'yung cellphone niya at ni-resume 'yung kanta, na sinabayan pa niya. "Well it's complicated now di niya lang masabi sa iyo na huwag ka nang umasa daw pero iyan lang ang totoo.. Oh no, I should've known, FRIENDZONED, Ba't hindi ka crush ng crush mo? Wish mo lang na mutual ang feelings niyo. Oh no, there's more to life than love pag hindi ka crush ng crush mo. Life is fun but you just gotta find out how."

"Masakit na talaga 'yung eardrums ko, Cheska. Please lang," Napahilamos na lang ako sa inis.

"Mshkt ergdrr mo?" lumunok siya para makapagsalita ng ayos. "Masakit eardrums mo, o 'yung puso mo? Ulk-" hinaplos-haplos niya 'yung dibdib niya tapos winagayway niya 'yung kamay niya at ngumunguso dun sa hawak kong hot choco.

"Sorry," nakangisi kong sabi. Ininom ko 'yung hot choco, bottoms up! Tinaas-taas ko 'yung kilay ko para asarin siya.

 "Zyren friendzoned, Zyren friendzoned." And it turned the other way, ako lang 'yung lalong naasar.

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon