Chapter 6

964 37 6
                                    

"Kinikilig ka diyan?" Nakatambay na naman kami ni Cheska dito sa paborito naming round table. Hindi ko na maitago pa ang nararamdaman ko, sasabihin ko na kay Cheska ang totoo.

"Alam mo kambal, super kinikilig talaga ako tuwing nakikita ko siya," excited na sabi ko kay Cheska. Napahampas tuloy ako sa kanya.

"Ay – ano ba 'yan? Kikiligin lang kailangan pang manghampas!" nakasimangot na sabi niya sabay hawak sa braso niya.

"E kasi ang tagal kong pinangarap na makasama siya!" sabi ko pa sa kanya, akmang hahampasin ko ulit siya pero umilag na siya.

"Isa pa Zyren ha, papatulan na kita!" pagbabanta niya. "Kamusta naman ang panonood ninyo?"

"Okay naman. Alam mo ba, hinawakan niya ako sa kamay! Sayang nga lang wala akong dalang camera nun e! E di sana naipakita ko na ang ebidensiya ko sa'yo."

"Things are getting better between you two, right?"

"Oo, kambal! Much better. Imagine, ang tagal-tagal kong inasam 'yun."

"Ako rin, kambal. I'm so happy for you!" niyakap niya ako, para kaming mga baliw dito.

"Thanks! Ang bongga na ng lovelife ko, 'di ba? Who would've thought na ang gwapong kagaya niya, makaka-date ang magandang katulad ko!"

"Date na 'yun sa'yo? Corny mo na kambal," natatawang sabi niya.

"That's not kakornihan, kambal. It's L-O-V-E," irap ko sa kanya.

"Naks, dati nasusuka kang pag-usapan ang love tapos ngayon, husay ka ah. So, are you for real?" seryosong tanong niya.

"Ewan – siguro, sana." malungkot kong sabi. Siyempre ayoko mag-expect kasi first time kong umabot sa point na ganito.

"Hey, cheer up! Akala ko ba things are getting better? H'wag ka ngang sumimangot dyan," sabi ni Cheska sabay bump patagilid sa akin.

"Of course," I smiled at her. "Mamaya makita pa niya akong nakasimangot, ma-turn off pa 'yun."

"Oo nga! Considering ngayon lang kayo naging close! Ang galing ko talaga. I knew it. Type mo nga siya," Cheska must've been so happy for me. Ako din, masaya din ako para sa sarili ko. "So, kailan nga monthsary ninyo?" biglang tanong ni Cheska.

"Ano ka ba, wala pa! H'wag kang atat. Ang bilis mo naman," blushed na sabi ko.

"Nabibilisan ka?" tumatawang sabi niya. Ano kayang problema dun? Alangan namang sunggaban ko na 'yung tao. Eto talagang si Cheska, puro kalokohan.

"Oo naman, nababagalan ka ba?" confused na tanong ko sa kanya.

"Ikaw pa talaga ang nagsabing nabibilisan ka ha," tumatawa pa rin na sabi niya.

"What's funny?" impatient na tanong ko ulit.

"You!"

"Me? Bakit?"

"Eh ano pa ba'ng tawag sa events sa inyong dalawa? Mabilis talaga!"

"Linawin mo nga 'yang sinasabi mo!" I retorted.

"E ano pa ba'ng bibilis d'yan e 'di ba kayo na nga!"

"Kami?"

"Oo. Kayo ni Alexander," tsk, sabi ko na nga ba, magkaiba kami ng pinag-uusapan.

"Yuck."

"Oh 'di ba, ang bilis! Kanina lang kinikilig ka sa kanya tapos ngayon ganyan ka na, anyare?"

"I was talking about Kevin," bored kong sabi sa kanya.

"Ganun ba, I thought you were talking about Alexander," nagkibit-balikat lang siya. "Teka... Kevin? Adrian Kevin? As in Adrian Kevin Valdez?" Nanlalaki na naman ang mata niya, problema nito?

"Sai!" napalingon kami ni Cheska sa nagsalita.

"Alam mo, malapit na ang end of the world," bulong ko kay Cheska.

"Bakit?"

"Tinawag niya ako sa nickname ko, tapos nakangiti siya. Nakakakilabot."

"Baka inlove na sa'yo," sabi niya sabay tungo. Hindi na ako nakasagot kasi tumabi sa akin 'yung aswang.

"I think, kailangan ko munang umalis sandali. Sorry Sai, may usapan nga pala kami ni Kurt," paalam ni Cheska. Haynaku, Kurt na naman.

"Sige, sasama na lang ako sayo," tinitigan niya lang ako na para bang sinasabing manahimik ako kasama ng abnotic na katabi ko. Ayoko din silang kasama ni Kurt, ang cheesy kasi nila, nakakasuka.

"Oh, ano'ng masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" mataray kong sabi kay Alexander.

"You. You're a fart!" nakangiting sagot ni Alexander.Heto na naman siya, babadtripin na naman niya ako.

"Bastos! Ang ganda ko namang utot!" asar na sabi ko sa kanya. "Hindi ako utot! Bakit mo ba ako tinatawag na ganyan! Inaano ba kita?"

"Because you are silent, but deadly," Dapat ba akong matuwa sa kanya? I gave him the most boring look ever.

"Stupid ka ba?" sabi ko sa kanya.

"Why?"

"Nagtanong pa!"

"Where are you?" Invisible ba ako? Nakakabobo 'yung mga sinasabi niya, I swear!

"Sa puso mo."

"Oh, that explains why I can't breathe. There's a crazy girl clogged in the airways."

"Sinadya ko talaga 'yun, para mamatay ka na!"

"Ito naman, 'di na mabiro." Hala? Nanlaki yata ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano'ng sabi mo?"

"Sabi ko 'di ka na mabiro."

"Waaa!" napayakap ako sa kanya sa 'di ko malamang dahilan. "Ang cute mo! Hahaha. Huwag ka nang mag-straight English, ha?"

"Psh."

"Oh, problema mo?"

"Ayoko na sa sarili ko." Ay, enjoy talaga 'pag naiintindihan mo 'yung kausap mo. Hahaha. Not that I don't understand him when he speaks English. Naks, bumabawi.

"Bakit naman?"

"Gusto mo sa'yo na lang ako?" Kinikilig na yata ako pero siyempre hindi pwede 'to. Ngumiti naman siya, at ako patuloy na naa-amaze sa nangyayari sa kanya. Ano kaya'ng nakain nito? Nag-roll eyes lang ako. "Let's go. Wala na akong maisip."

"Ha?"

"Wala na akong maisip, kundi ikaw," nag-smile siya ulit. Hay, grabe ang heavenly ng smile niya. Kung hindi ko lang alam ang ugali niya baka na-puling na ako sa kanya. "Pulling? The opposite of pushing?"

"Ano'ng sinasabi mo?"

"You said something like, 'baka na-puling na ako sa'yo.' What do you mean by that?" Naku naman Zyren, inaatake ka na naman ng pagvo-voice out ng mga iniisip mo.

"Hindi pulling at pushing, puling."

"Baka puwing?"

"Puling."

"Puling?"

"Puling in love ba," sabi ko sa kanya, tapos tumawa siya. Shet pakbet, ang gwapo nito. Sarap ikahon tapos ilalagay ko sa bodega. Hahaha. "Ganda ng pick-up line ko, 'no?"

"Maganda naman pero... mas maganda ka."

"'Yung totoo? Bakit ganyan ka ngayon? Normal ka ba? Hindi ka na ba abnotic?"

"I'm normal. Pero – " he moved closer and continued, "pag kaharap kita, nababaliw ako."

"Letse! Tara na, baka ma-late pa tayo." Baka makalimutan ko pang hindi totoong tayo. Tumayo na ako at naglakad palayo. Ano ba'ng nangyayari sa taong 'to? Bigla bigla na lang nagkaganito.

"Wait," hinawakan niya ako sa bewang ko tapos tinuro niya 'yung daan. Napatingin ako sa direksyon na itinuturo niya. "Kita mo ba 'yang daan na 'yan? Itatanong ko lang kasi kung didiretsuhin ko ba 'yan o may iba pang shortcut sa puso mo?" Tiningnan ko lang siya ng masama kasi pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. He bent a little and whispered, "Hindi ako makaka-attend ng klase. See you later, girlfriend!"

'Le faints,' I mentally commented.

--- to be continued...

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon