Final Chapter [2/2]

273 10 0
                                    

 

TOM ALEXANDER SANTOS

 

 

WAS it the time when she bumped into me? Was it when I asked her to be my pseudo-girlfriend? Was it when she showed me the most incredible sunrise I've seen? Was it when I held her hand the first time? Was it when I stole her first kiss? Was it when I wrote my name on that stupid scented paper? Was it when I asked her on a date?

I don't know.

Ni hindi ko na maalala kung kailan ko siya natutunang mahalin. Ang dami nang taong nagdaan at marami na ring nagbago. At ngayon, heto ako... naguguluhan sa kung ano ang dapat kong gawin. Sa pangalawang pagkakataon, mawawala na naman ang babaeng mahal ko dahil gusto niya ang matalik kong kaibigan. At ako na naman ang may kasalanan.

Iniwan ako noon ni Miszel dahil sa mga pagkukulang ko. Minsan ko na siyang binalikan at napakahirap ng pinagdaanan ko. Pero iba na itong kay Zyren. Ako ang nang-iwan nang basta-basta. I want her back but it seems that she has moved on. Nand'yan lang si Kevin sa tabi niya. All along si Kevin ang naging sandalan niya noong nasasaktan siya dahil sa kagaguhan ko. She even told me I did the right thing. Alam kong hindi.

Mali ako. Maling-mali ako. Dahil hindi ko naman talaga gustong iwan siya. Gusto ko lang namang maging maayos ang lahat. Nagiging masama na akong impluwensya sa kanya kaya ginawa ko lang noon ang dapat kong gawin. Hiniwalayan ko siya, thinking it was the best for both of us.

I thought I could win her back easily but I was wrong. I'm gonna lose her forever if I won't make a move.

Nang kausapin niya ako sa cafe, alam kong may laban pa ako. Ramdam kong hindi siya sigurado sa mga sinabi niya noon. I know, I still have her. Pero nang makita ko na silang magkasama ni Kevin, na-realize kong unti-unti na siyang nawawala sa akin. Kaya naman noong nagkayayaan sa Zambales, kinuha ko ang pagkakataong 'yon na makausap si Kevin. Desidido akong bawiin ang sa akin. That was the time to man up.

"This is the Gentleman's Quarter," ani Cheska habang itine-tape ang karatulang "Gentleman's Quarter" sa pintuan ng banyo ng suite nila. Napagpasyahan ng barkada na mag-extend pa ng isang araw na bakasyon. "We'll do Spin The Bottle, with a twist. You may not answer the question sa Truth or gawin ang utos sa Dare, na manggagaling dito sa set of truth and dares na ginawa ko kanina but... you should take a shot of this..." Huminto siya para itaas ang dalawang bote ng hard liquor bago magpatuloy. "...and you need to go to the quarter with someone. You'll spin the bottle. Kung sino'ng unang opposite sex ang matatapatan ng nguso ng bote, siya ang makakasama mo sa quarter. Kapag same-same, uulit. No ifs and buts, ha."

"Ches, parang hindi magandang idea 'yan," saway ni Kurt sa girlfriend niya.

"Babyloves, ang KJ mo!" Sumimangot ito kaya naman walang nagawa si Kurt.

Game ang lahat sa pakulo ni Cheska hanggang sa mapatapat iyon kay Sai.

Binasa ni Sai nang malakas ang dare na nabunot niya. "Drink three shots." Umiling-iling siya at tumuro sa banyo. "Mag-ge-Gentleman's Quarter na lang ako." Nilagok niya ang nakatagay na alak at pinaikot ang bote. Tumigil ang bote at nakatapat ang nguso nito kay Kevin.

"Sai and Kevin, five minutes sa quarter!" masayang sigaw ni Cheska. Bumaling siya sa akin at ngumisi. Pinaglaruan niya ang bote at inikot-ikot. Naikuyom ko ang palad ko. Pansamantalang tumigil ang laro. Iyon na yata ang pinakamahabang limang minuto ng buhay ko.

Tahimik na lumabas ang dalawa mula sa banyo. Bumalik sila sa mga puwesto nila at itinuloy namin ang paglalaro.

"Alexander! Truth or dare?" tanong ni Cheska.

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon