Chapter 23

776 31 8
                                    

 

♫♪ La la la la la la ♪♫ I hummed as I walk beside ate Johanna.

"Zyren, 11:30 na. Hindi ka pa ba pupunta sa school ninyo?" sabi niya pa. Kasama ko sila ni Kuya Ethan. Wala naman kasi akong gagawin sa school kaya sumama na lang ako sa movie date nila. Pupunta na lang ako sa school sa oras ng concert, ako kasi ang magko-cover ng first installment ng concert.

"Mamaya na lang. Wala naman akong gagawin dun," pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan, kahit may reaction paper na ipapasa next week, hindi ko pa rin pinanood ang play ng Drama Club. "Di ba Kuya Ethan, sasama ako? Di ba, Di ba?" I shook Kuya Ethan, with my eyes blinking like a puppy's.

"Ang arte mo! Puppy – puppy eyes ka pa dyan, eh ang puffy naman ng mata mo!" I examined my eyes and true enough, konti na lang at kasing laki na ng talukap ng mata ko ang eyebags ko.

Nag-lunch muna kami sa isang Italian Bistro, which made me burp unusally. Dapat pala pumayag ako dati kay Alexander na kumain kami dito. I mentally paused at the thought. I was thinking of him, again.

Medyo mahaba ang pila sa unang sine na papanoorin namin, first day of showing kasi. Kaya naman tinopak na naman si Ate Joey para asarin ako.

"Hoy Daldalita! Bumili ka muna ng fries," sabi niya, sabay abot ng pera.

"Bakit ako? Ikaw na lang," I pouted. "O kaya si Kuya Ethan na lang."

"Nakakahiya naman sa'yo. Libre ka na nga sa lahat, pati ba naman simpleng bibili ka lang, 'di mo pa magawa? Hindi naman ikaw ang gagastos e. Naku, isusumbong kita kay Mommy at Daddy, sige ka!" Tinatakot na naman niya ako na isusumbong kay tito at tita, ang galling talaga nitong mangblackmail. "Isa pa, 'wag kang ngumuso diyan, hilahin ko yan ng plais eh."

I headed to McDonald's to buy snacks. Narating ko ang lugar kung saan may isang bench sa may tabi ng entrance. Sa bench ay may naka-de kwatrong lalaki na pula ang buhok at naka-dilaw na jumper. Ang creepy talaga niya, lalo na 'yung smile at yung mata niya. Ang laki pa ng sapatos. Hay, ang laki ng problema ko. Hahaha.

Nung nakabili na ako ng sandamakmak na fries, napadaan ako sa isang stall ng mga musical instruments. Hindi 'yung instruments ang nakakuha ng atensyon ko kundi 'yung isang customer. Then, I felt that strange, abnormal beating of my heart.

I saw him buy a pair of drum sticks. I shook my head to erase this feeling of staring at him and not planning to look away. Hindi tama 'to, I said to myself. Umalis na ako at bumalik sa pila.

-----

"Mag-aalas singko na pala, 'di ka pa ba aalis? First installment ng free concert, 'di ba kasama ka sa in-charge ka sa filming?" sabi ni Ate Johanna nung palabas na kami  mula sa sinehan. Katatapos lang ng second movie na pinanood namin, papunta na sana kami sa pangatlong movie.

"Hatid ka na namin," sabi naman ni Kuya Ethan. Hay, ang swerte ni Ate Johanna sa nilalang na ito. Kahit madalas, binabagyo kami ng kayabangan nito, napaka-gentleman niya pa rin. "Take this opportunity of having the most handsome driver, ever."

"I'll take the MRT!" natatawa kong sabi. After that, nagtungo na kaagad ako sa pinakamalapit na MRT Station. At ang epic pa dito, pa-apat na beses ko pa lang sasakay ng MRT. 'Yung unang tatlong sakay ko, bata pa ako noon. 'Yun ay kapag namamasyal kami ng parents ko at wala kaming dalang sasakyan. This is my first time na sumakay dun nang mag-isa lang.

May limang minuto na akong nakatayo sa may station. Pinapanood ko kung paano nga ba ang process. Sorry naman, wala kasing ganyan sa lugar na kinalakhan ko. I continued observing the passengers: Bibili ng card, isasaksak sa machine, papasok. Nagtanong ako dun sa guard at sinabi naman niya kung paano ako makakarating sa school. Bumili na ako ng card.

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon