Chapter 21

757 30 3
                                    

Cheska's Point of View

 

Hindi ko alam, pero nagugustuhan ko ang mga nangyayari. It gives me the excitement. Kevin, your downfall is about to start.

Bakit ba kasi hindi makita ni Sai na si Kevin 'yung masama dito? Alam na ng sangkatauhan na masama 'yung boyfriend niyang forever two-timer pero hindi pa rin sila nagbe-break. Ilang araw na silang hindi nagpapansinan at kinatutuwa ko 'yun.

'Magbe-break na sila. Magbe-break na sila.' I mentally said.

And I'm so lucky to see them break up. Ang galing talaga ng instincts ko, nandito nga sila sa meadow.

 "Sino ba si Nishi sa buhay mo?" tanong ni Zyren parang gusto ko tuloy sumigaw at sabihing 'Wag kang magtangkang magsinungaling Kevin ka, pipilipitin ko yang dila mo at puputulin ko gamit nailcutter!'

"Girlfriend ko siya," he paused then shrugged. "Dati. Hindi ko nga alam kung bakit habol pa siya ng habol, eh ako na nga 'yung niloko niya eh. Matapos niya akong ipagpalit sa kabarkada ko? Hindi ko na ulit 'yun kakayanin 'pag nangyari ulit sa akin 'yun, Sai."

Ok. Sabog bomba, este confetti. Standing ovation ako! Wagi talaga ang acting skills. Bagay talaga siya sa Drama Club.

"Maniwala ka sa'kin, Sai. Gagawin ko and lahat, maniwala ka lang ulit sa akin." Oy, may pagluhod na nagaganap akala mo naman sincere. Sana may thumb tacks dun sa niluhuran niya.

"Adrian, hindi ko alam. Feeling ko wala na 'yung Adrian na nakilala ko," Zyren shook her head off.  "Mali. Si Kevin. Oo. Wala na si Kevin."

I was psychologically cheering Sai to break up with this Kevin guy. He took a step closer to Sai. Geez, I admit cute talaga ang lokong 'to.

"Sai, sorry. I'm really sorry." Pahirapan mo Sai! Palakarin mo sa baga. Palunukin mo ng blade. Ipahabol mo kay Potchi! Hahahaha!

Sa halip na sumagot ay nagwalk out si Sai. As usual, I shrugged. Pagkaalis ni Sai, dali-dali akong pumunta sa mas tagong parte ng meadow. Nagulat pa ako nang makita ko si Nishi Star, umiiyak.

"Hoy!" saway ko sa kanya. Ang ingay kasi, baka marinig siya. "Bakit ka ba umiiyak ha?!"

 "You've seen why, Frances," sabi niya, stating the obvious. Bakit ko nga ba tinanong pa ang babaeng 'to?

"I am Franchesca, not Frances!"

I hate dealing with stupid people, nakakahawa sila. Tsk!

"Kambal!" Fugde, hindi pa pala nakakalayo si Sai.

"Oh?" nakataas ang kilay na sabi ko. Kung kaya ko nga lang paabutin sa anit, gagawin ko eh.

"Galit ka? May sasabihin ako sayo," nakayukong sabi niya. Para siyang batang nagpapaalam sa nanay niya kung pwede bang makipaglaro sa labas, 'yung tipong nakatago yung dalawang kamay niya sa likuran.

"No need to say it, I feel it. Papatawarin mo na ang tiyanak na Kevin na yun. Alam mo Zyren, bakit ba nagpapabulag ka sa kanya? Alam mo bang nasasaktan ang totoong girlfriend niya. Wag ka namang ganyan."

"Ako ang girlfriend niya. Ex-girlfriend niya lang si Nishi."

"Naniniwala ka sa kanya? Oh sige, ganito. Laro tayo ha. Bulag-bulagan! Kunwari wala tayong nasasagasaang ibang tao, kunwari hindi natin alam na niloloko na tayo kahit nakikita na natin yung katotohanan, kunwari mahal ka niya kahit nararamdaman mong hindi naman talaga. Nakita mo ba si Nishi ha!? Nakita mo ba kung paano siya umiyak? Zyren, wake up!"

"If it's about Alexander again, please, let's end this conversation. Hindi mo kilala si Adrian."

Just wow! Ngayon lang ako ginanito ng bestfriend ko, dahil sa lesheng tiyanak na yun.

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon