Chapter 7

1K 36 6
                                    


"Don't fall for her?" Alexander murmured.


"Hoy, ano'ng sinasabi mo diyan?" tinusok ko siya ng lapis pero hindi niya ako nililingon.

"Girlfriend ko pa siya," he mumbled.


"Hoy, nananaginip ka. Gumising ka na, nand'yan na si Miss Cruz."

"Girlfriend ko nga sabi siya e!" Napatingin sa kanya 'yung buong klase, buti na lang hindi pa nakakapasok si Ms. Cruz kaya 'di niya narinig ang pagsigaw ni Alexander. At saka bakit ba siya natutulog? First time niyang ginawa 'to ah. Mukhang puyat ang abnotic, medyo may eyebags pero cute pa rin.

Matapos ang insidenteng 'yun, hindi na niya ako kinakausap halos buong araw. Akala ko ba okay na kami?

"There will be partners in this activity," sabi nung teacher namin sa Applied Physics na ipinaliwanag 'yung pairing. Kung sino 'yung nasa likod namin, 'yun ang kapartner namin and I happened to be occupying the chair at the back of Alexander's. Sa classroom kasi lima 'yung column tapos anim 'yung rows. Row 1 & Row 2, Row 3 & Row 4, Row 5 & Row 6. Nasa fourth column kami, tapos siya sa first row at ako naman sa second row. Gets? Ang end game, kami ni Alexander ang magkapartner.

"Ready, girlfriend?" Napakabipolar ng lalaking 'to. Kanina sinusungitan ako tapos ngayon, husay ang pagngiti.

"Do not call me girlfriend," reklamo ko sa kanya. Matapos mo akong hindi pansinin buong araw.

"But you are my girlfriend."

"Letse ka! Bakit ka ba ganyan?"

"What?"

"Ms. Garcia, Mr. Santos, any problem over there?" isa pa 'tong teacher na 'to.

"Wala po," tumayo ako to say sorry. Epal kasi 'tong abnotic na 'to e.

"Take your seat. Take this activity seriously at saka ninyo na ipagpatuloy ang LQ na 'yan!"

After class ay nagmadali akong nag-ayos ng gamit ko. Mahalaga para sa akin ang araw na 'to.

"I'll drive you home," sabi ni Alexander nung tangkang kukunin niya 'yung books ko. Hindi ko siya pinapansin hanggang makarating kami sa locker area.

"What?" paggaya ko sa favorite line niya.

"Sabay na tayo?" Naks, improving. Dumadalas na ang pagtatagalog. Mahusay na boyfriend, sumusunod sa girlfriend!

"Ayoko sa'yo."

"Aw." Ang pangit niya mag-acting, para siyang bading. Hahaha.

"May pupuntahan pa ako."

"Where to?"

"Sa lugar kung saan wala ka,"  lumungkot 'yung mata niya. Ay, ang ganda talaga ng mata nito. Kahit anong expression bumabagay, lalo na kapag nagsusungit siya. "Sige na, but I'll drive," sabi ko sa kanya sabay pakita nung susi ng motor. Bad move, inagaw lang niya sa akin.

"No, I will drive. Just tell me the way."

Ayun, wala akong nagawa. Ibinigay ko sa kanya 'yung spare helmet at nagsuot na ako ng para sa akin. Siya ang nag-drive kasi namimilit siya tapos ako naman 'yung nagturo ng daan.

"Ayusin mong mag-drive." Grabe 'to, akala mo walang babaeng kaangkas. "Wait. Itigil mo d'yan sa tabi. Hintayin mo na lang ako dito."

Tumigil kami sa isang flower shop. Paglabas ko, siyempre may dala akong flowers, dalawang bouquet. This time, ako naman ang nag-drive.

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon