Chapter 49

173 8 5
                                    

"Bakit ka nagpaiwan?" kalmado kong tanong kay Kevin nang minsang namasyal kami sa Père Lachaise Cemetery. Isang linggo na kasi ang lumipas mula noong umalis sina Cheska, Nishi, Miszel, Kurt at Jeremy. Sumabay siya sa pag-alis nila sa bahay pero nag-check in siya sa isang malapit na hotel. Aniya, hindi pa raw niya nae-enjoy ang bakasyon niya.

"Gusto ko lang?" nagkibit-balikat siya pagkasabi noon. Sa loob ng isang linggo, palagi niya akong niyayaya na mamasyal. I-tour ko raw siya sa mga tourists spot ng Paris. Since nagdrop ako sa school at wala akong ibang pinagkakaabalahan, pumayag ako.

Noong unang araw, niyaya niya ako sa Parc Astérix, isa sa napakaraming theme park sa Paris. Nag-try kami na sumakay sa Transdémonium, ang ghost train attraction sa naturang theme park. Pumasok rin kami sa Le Défi de César, isang mad house, at Le Delphinarium, isa sa pinakamalaking dolphin enclosure na nasa Europe.

Noong ikatlong araw, sinamahan ko siyang maglibot-libot sa Disneyland Resort Paris. Gusto raw niyang makita 'yung architectural designs ng theme park na iyon. Pumayag naman ako kasi hindi pa ako kahit kailan nakapunta sa kahit saang Disneyland. Nag-tour kami sa Disneyland Park at sa Disney Village, ang parte ng Disneyland na may iba't ibang tindahan, restaurants at entertainment venues.

Noong ikaapat na araw, sa Parc de la Villette naman kami pumunta, my request. Naroroon kasi ang largest science museum sa buong Europe. Hindi siya tumanggi kasi sinigurado kong matutuwa siya sa iba't ibang architectures doon. Hindi naman ako nagkamali. Habang naglilibot kami, nagbibigay siya ng iba't ibang trivia and facts tungkol sa mga ito.

"Bakit hindi mo ako dalhin sa Eiffel?" bigla niyang tanong habang tinutunton namin ang daan sa sementeryo. "O kaya sa Notre Dame de Paris?"

Dahil nanggaling na ako doon. Nakasama ko si Alex doon.

Kasama ko siyang nagbilang ng higit sa tatlong daang hakbang mula sa ground level patungo sa first level kung saan may restaurant na tinatawag na Le 58 tour Eiffel. Kasama ko pa rin siya sa mahigit tatlong daan uling hakbang mula sa first level hanggang sa second level kung nasaan ang isa pang restaurant na may pangalang Le Jules Verne. Kasama ko rin siya sa elevator patungo sa third level, ang highest accessible part ng tower, ang observatory platform nito.

Siya pa rin ang kasama ko nang dumaan ako sa Notre Dame de Paris. Naroroon siya habang humahanga ako sa simbahan. Hawak niya ang kamay ko nang pumikit ako at nagsabi ng maikling panalangin. Ang panalangin na sana... kami hanggang huli.

Hindi ko kayang magdala ng ibang tao, maliban sa kanya. Gusto ko, siya lang ang maaalala ko sa t'wing mababanggit ang Notre Dame de Paris at ang Eiffel Tower. Siya lang.

"Ang dami mong alam. Mas marami ka pang alam na lugar dito kaysa sa akin," pagpalis ko sa kung ano mang naiisip ko.

"Research-research lang. Para kapag pinuntahan kita dito at namasyal tayo, marami akong masasabi sa'yo. Hindi ka mabo-bore. Makakalimot sa kung ano mang pinoproblema mo. Mga ganoong bagay," paliwanag niya habang nakatingin sa malayo. "Sai, nandito lang ako."

"Uy, grabe. Para ka namang nagpapa-rebound niyan," pagbibiro ko sa kanya.

"Okay lang," seryoso niyang sabi. I realized how Kevin has changed. Naging mature siya. Naging positibo. He has become a better man. Taliwas kay Alexander. Tsk, Alexander na naman.

"Kevin..." malungkot kong pagtawag sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya para mapatigil siya sa paglalakad. "Ayokong gamitin ka. Kakayanin ko 'to. Okay?"

"Hindi ako magpapagamit, 'wag kang mag-alala. Tutulungan lang kita," sabi niya at inakbayan ako tapos nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Halika na nga. May ipapakita ako sa'yo."

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon