Chapter 31

658 28 7
                                    

 

"Hmm! Ang bango naman niyan. Penge!" bati ni Kevin nung makita niya 'yung dala kong sandwiches.

Gumawa kasi ako ng sandwich para kay Alexander. Alam kong hindi magandang tingnan bilang babae na ako 'yung sumusuyo sa isang lalaki. Nakapagdecide na ako, itutuloy ko ito kahit ano pang isipin ng ibang tao. This time, I wanna set things right.

"Hoy, itigil mo nga yan Kevin! Mamaya mainlove na naman sa'yo yang si Daldalita, ayoko kaya sayo!" pagsaway ni Cheska kay Kevin. Kanina pa kasing nangungulit si Kevin na kainin na daw namin 'yung sandwiches. Hindi ko naman masabi sa kanila na para kay Alexander 'yun eh. For sure, kakantiyawan lang nila ako.

Kahit nagkakabulyawan si Cheska at Kevin, maniwala kayo o hindi, magkabati na sila. Nagsorry si Kevin sa lahat ng ginawa niya, although hindi niya pinaliwanag 'yung mga rason niya. Hindi na nila piniling pag-usapan 'yung 'past' nilang dalawa. Nagtatawanan pa nga sila sa mga nangyari dati. Nag-aasaran pa sila na nadidiri daw silang isipin na naging sila noon. Nakakatawa silang panoorin.

Tungkol naman kay Nishi, hindi pa rin sila nagkakaayos ni Kevin. Siguro, na-fed up lang siya sa mga nangyari at kailangan lang siguro niya ng time and space. Sabi nga ni Cheska kay Kevin, "Kung letters and words nga nangangailangan ng space para maintindihan, tao pa kaya?"

Siguro ganun din ang kailangan ni Alexander at Kevin, time and space. Alam ko naman na they still care for each other, just like the old times. Sila pa rin 'yung magbestfriend na nakilala ko.

"Anong sandwich ba yan at natatakam itong Kevingot na 'to?" Haynaku, kung 'di lang talaga committed 'tong dalawang ito, iisipin ko na sila ang meant to be.

"Gusto mo talagang malaman?" sagot ko kay Cheska, pagkatapos ay inilabas ko 'yung isang piraso. "Oh ayan, hati kayo. Pasensya na, limited edition yan. Hahaha!"

"Sardinas?" disappointed na sabi ni Cheska. "Oh Kevingot, sa'yo na. Isaksak mo sa baga mo!"

Kinuha naman ni Kevin 'yung sandwich at kinagatan agad iyon. "Masarap kaya ito! In fact, paborito ito ni Alex eh." Pinukol naman ako ni Cheska ng mapanuksong tingin.

"Paborito 'yan ni Alex? Kaka-turn off naman. Of all flavors, iyan pa talaga," sabi pa niya.

"Excuse me! Hindi yan basta sardinas, may Omega 3 yan! Good for the heart, para maging healthy lalo 'yung puso niya at mahalin niya ulit ako," pagbibiro ko sa kanila, pero ang totoo, 'yun talaga 'yung gusto kong mangyari. "Take note, sariwa 'yan. May sariling barko ang manufacturer niyan, kaya safe na safe!"

"Pfft – HAHAHA!" Nagkatinginan si Cheska at Kevin at sabay na nagtatawa. Problema ng mga 'to?

"Sai, pwede ka nang advertiser. Lakas mo maka-sales talk e. Ayos yan! Penge pa nga!" pang-aasar pa ni Kevin. Kukuha pa sana siya ulit kaya lang hinampas siya ni Cheska.

"Ang kulit ng lahi mo! Hindi yan para sayo! Para kay Alex yan, ang hina mo talaga!" Hindi ko alam kung kailan magkakasundo ang dalawang ito o kung may pag-asa pa nga bang magkasundo sila.

"Naku, bahala na kayo diyan. Alis na 'ko ha. Pupuntahan ko na 'yung chicks ko," paalam ko sa kanilang dalawa. Kinuha ko na 'yung mga gamit ko at dumiretso sa classroom.

May mangilan-ngilan nang tao pero sapat na para makausap ko si Alex. Gaya ng dati, titingnan niya lang ako pagkakita niya sa akin at agad namang babawi ng tingin.

Wala pa 'yung seatmate niya kaya ako muna ang nag-occupy nun, medyo mahaba pa rin naman ang oras bago magsimula ang klase.

"Hi, good morning! Nagdala nga pala ako ng sandwich, medyo marami kasi. Naisip kong bigyan ka. You can choose kung corned tuna sandwich, corned beef sandwich o sardines sandwich. Sana tanggapin mo," ipinatong ko sa desk niya 'yung lalagyan ng mga sandwich. Tinitigan niya lang ako at kinuha 'yung aklat niya at nagbasa. Napangiti ako sa ginawa niya. Nakakakita na ako ng improvement.

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon