Chapter 9

948 37 10
                                    

 

Ilang araw ang lumipas at nakakayanan ko nang makiharap sa kanya na parang wala lang. Hindi pa rin kami nagbe-break, pero hindi rin kami nagpapansinan.

And guess what? Close na talaga kami ni Kevin, yata. Okay lang naman siguro kay Alexander, kasi hindi naman siya nagrereact. Wala na rin siyang linyahang 'Don't dream about guys other than your boyfriend.'

"Ang kulit mo naman kasi e, napunit tuloy!" hawak ko ang kalahating parte ng picture ni Kevin. Ito 'yung lagi kong kinakausap tuwing umaga. Nakakamiss din yung habit na 'yun. Hindi ko inakalang darating ako sa punto na mawawala 'yun sa daily routine ko, na malilimutan ko ang ultimate crush ko.

"Ako pa ngayon," pagtatawa ni Kevin. "This is my picture, so I have the rights para kunin ito sa'yo," depensa pa niya.

"For your information, ako po ang nagbayad ng pagpapadevelop niyan, 'no," ibinigay ko sa kanya 'yung kapiraso ng litrato niya. Yes, alam na ni Kevin na gusto ko siya noon. Hmm, pero hindi ko masabi kung lubusan nang nawala 'yung pagkagusto ko sa kanya. Hay, ewan. Ayoko nang mag-overthink.

"Adrian?" tanong niya habang tinitingnan 'yung likod nung picture. Nakasulat kasi dun 'yung isa pa niyang pangalan. Feeling ko kasi, mas bagay sa kanya 'yung Adrian kaysa sa Kevin e.

"'Yun na lang ang itatawag ko sa'yo ha," nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya tapos automatic na lumapit ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya. "Ang kyot mo talaga, Adrian!" nagulat pa siya nung tinawag ko siya nun. He smiled then patted my head, parang aso lang. Hahaha. May ilang segundo rin akong nakatulala sa kanyang mala-anghel na mukha.

"Busog ka na ba sa kagwapuhan ko?" pukaw niya sa malandi kong diwa. "Joke lang, hahaha. You're really something." At dahil napahiya ako sa pagtitig sa kanya, umiwas ako ng tingin.

"Huwag ka nga."

"Kapag tinitingnan kita, dapat tingnan mo rin ako," he gently lift my chin up, pakiramdam ko may nagrarambulan sa loob ng tiyan ko. 'Yung mga mata niyang laging nakangiti... hindi na ganun ang epekto sa akin. "Para may pagtitinginan na tayo."

"Ang dami mong alam ah!" medyo napangiwi siya nung nahampas ko siya. He's making me redder than red.

"Kapag nagmahal ako sa'yo, hanggang kinsenas lang."

"Spill it out. Hahaha. Last mo na yan ah," natatawang sabi ko pa. "Sige, bakit?"

"Para walang katapusan, Sai."

"HAHAHAHAHA!" idinaan ko na lang sa pagtawa 'yung sinabi niya. Hindi pa ako handa. Masyado na itong mabilis, ayoko nang magkamali pa. "Halika na, baka malate ka sa klase mo, ganun din ako."

Nasabi ko na bang hindi ko kaklase si Adrian? Naks, pinanindigan na talaga ang Adrian e. Hahaha. Heterogeneous 'yung division of classes namin, kaya nga never ko siyang naging kaklase. Si Alexander naman, twice ko nang naging classmate, last year at saka this year.

"Sige na nga, wala na rin akong maisip e," he motioned his arm, the groom style.  "Let's go?"

"Walang maisip?"

"Yeah, wala na akong maisip kundi ikaw." Magsasalita na sana ako, kaso naunahan na ako ng isang taong 'di ko inaasahang magsasalita.

"Hay," he yawned. "Ang ingay ninyo!" bumaba sa tree house si Alexander. Kanina pa ba siya dun? Pssh, wala. Wala akong pakialam. Hinatak ko si Adrian (Hahaha, panindigan na ito.) at inilayo dun sa abnotic niyang bestfriend.

"Tara na, Adrian," pero hindi natitinag si Adrian sa pagkakatayo. Nakatingin lang siya sa akin pagkatapos ay nagkatinginan silang magbestfriend. Okay, ang awkward na po.

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon